Kasasulukuyang naglalakad na si Zenee, 10:45 na. Katatapos lang ng pang-umagang klase niya. Pinagmamasdan niya ang papel na hawak-hawak niya, resulta iyon ng quiz nila noong nagdaang araw sa Biodiversity. 3 mistakes out of 60. Napailing siya. Not enough. Naalala na naman niya ang ang tinging ipinukol ng taong kinaiinisan niya sa lahat. Feeling panalo na naman ang hudyo!
“Beep! Beep!”
Muntik nang mapatalon sa gulat si Zenee nang marinig ang busina ng isang sasakyan. Lumingon siya.
Kulang nalang ay maglabasan ang lahat ng usok sa mukha niya nang makilala ang sasakyan. Nagmartsa siya patungo sa sasakyan at malakas na kinatok ang glass window sa driver’s seat.
Ibinaba ng driver ang glass window dahilan upang makita ni Zenee ang nakakalokong ngiti ng may-ari ng sasakyan.
Si Trevor Zen Vallamonte.
Ito na ang itinuturing niyang archenemy mula pa no’ng first year college siya. Palagi siyang nauungusan nito kaya nagiging second best na ang tingin niya sa sarili dahil na rin sa hinayupak na ito!
Classmate na niya ito sa iisang block, unfortunately, mula pa no’ng first year at parati na’y nakikipagtagisan na siya dito dahil palaging ito ang nangunguna sa mga top scorers , hindi niya alam kung ano’ng kamalasan meron siya, at siyang pumapangalawa parati sa lalake – na ikinaiinis niya. Kakompetensya niya ito sa lahat ng bagay.
May mga panahon ding nauungusan niya ito, ngunit pakiramdam niya ay tsamba lang ang mga iyon. She really wanted to defeat him. Nothing more, nothing less.
“Hello, Zen,” nakangiting sambit ng lalake. Tila nagpanting ang mga tainga niya. May kung ano’ng ibig ipahiwatig ito sa kanya na tila nambabad-trip the way he call her Zen, dahil may Zen din sa pangalan nito. Mas lalo siyang nainis.
Hindi siya sumagot. Nagpatuloy sa pagsasalita ang lalake.
“1st sem na naman ng pagiging 3rd year college students natin, kaya… galingan mo!” nakangising saad ni Trevor. At minsan pa ay ngumiti ito ng pagkatamis-tamis dahilan upang makita ni Zenee ang biloy nito.
For a moment, she stopped. Until now, it still really amazed her to see his dimples. Lumalabas lang daw kasi ang mga biloy nito kapag totoong masaya ito. And, it really looks good on him, not to mention that he’s really a fine and good-looking guy -- the reason why girls can’t help but stare and root for him. Maamo ang mukha nito at nakaka-attract din ang mga mata nitong soulful na tila laging nangungusap.
Suddenly, she heard a snap. Naalala niyang kaharap pa nga niya pala si Trevor!
“The verdict?” pilyong tanong ng lalake.
Katakot-takot na irap ang iginawad niya sa lalake.
“Wag kang mayabang!” depensa ni Zenee. “Iniisip ko lang kung ano ang pwedeng ikaso sa’yo! Siguro, reckless driving resulting to homicide. Muntik mo na’kong mapatay, ‘lam mo ba’ yon!?”
Sarkastikong tumawa si Trevor.
“Hey, hey.. easy. Before we enter the high courts of justice, I just wanted tell you two things…”
Napasimangot si Zenee. Heto na naman.
“Firstly, nasa gitna ka ng daan, needless to say, that is not a red carpet for you to perform your catwalk. Daanan ‘yan ng sasakyan!”
BINABASA MO ANG
Miss Second Best
RomanceShe's Zenee. And she never have won against the charismatic Trevor. Ever.