Natapos na rin ang defense nila Zenee. Nakahinga na siya ng maluwag. Ibig sabihin, sembreak na naman! Tapos na ang lahat ng final exams nila, which means… HELLO, second sem!
Next week na ang sembreak nila. And today, third day from the last school day na! Nasa museum ulit si Zenee at nag-iisa. She stayed there for the whole day just because she wanted to be alone. Malapit na ang 7:00 pm, pero wala pa rin siyang balak na umuwi. Ewan nga ba kung kasalanan, ngunit natatakot siyang umuwi sa bahay nila at humarap sa ama niya. Magaganda naman ang scores niya – second from the highest pa rin.
Natigilan siya nang maalala si Trevor. Huli niyang nakita ito sa ‘race’ nila last week. Hindi na rin niya ito nakita pagkatapos niyang talunin ito sa race nila sapagkat may designated time and area na ang bawat isa sa kanila sa pagde-defend ng paper nila kaya hindi na niya nakita pa ang lalake.
Ano ba kasing nakain niya noon at may linya pa siyang, “And right now, I’m inlove with you”? Nasabi pa niya sa lalake.
Napailing siya. Gagawin nga niya ang lahat para manalo.
Pero, bakit hindi siya nagsisisi nang sabihan niya ito sa mga katagang ‘yon?
Lumakas uli ang tibok ng puso niya. Ganon na ganon din ang naramdaman niya more than two years ago!
No way!
She sensed that she felt that familiar feeling before.
“Zenee…”
Natulala si Zenee. “That voice…”
Mariing pumikit si Zenee. Kailangan niya munang pakalmahin ang sarili bago humarap sa nagsalita. Huminga siya nang malalim saka taas-noong humarap dito.
“Hoy, unggoy! Ano na namang ginagawa mo dito?” singhal ni Zenee. Ngunit natigilan siya. “Huh?”
Napasinghap siya nang makita si Trevor na nakasandal sa pinto habang nakatiklop ang mga braso nito sa dibdib. Nakakalokong ngiti na naman ang iginawad nito sa kanya. And again, it amazed her the same. His dimples.
“Ang gwapo talaga ng bruho!” Sinita niya ang sarili.
Ilang araw na nga ba niyang hindi ito nakikita? Yes, almost one week na!
“Talaga bang mukha akong unggoy? Or talagang naga-gwapohan ka lang?” kibit-balikat na tanong ni Trevor.
She raised her eyebrows.
“I said, what are you doing here?”
He grinned then sat on the couch near to the door.
“In case you forget, pamangkin po ako ni Miss Cordova, so I have every right to go up here anytime I want kahit sa hindi eksaktong oras. Isa pa, next week na ang sembreak, hindi mo pa rin daw isinasauli ang duplicate key ng museum kay Auntie. Balak mo na bang maging curator at palitan si Auntie? Tch. She asked me na kunin ko raw sa sa’yo ang susi,” Trevor said in a very mild tone. “You’ve done it again, dinistorbo mo na naman ako.”
Umirap si Zenee. Fine! Nakalimutan nga niyang isauli ang susi. But, it’s not too careless for her gaya ng ipinapahiwatig ng lalake. Lumapit siya sa lalake saka inabot dito ang susi.
“Pakisabi kay Miss Cordova, maraming salamat.”
Tinanggap iyon ng lalake.
Pumunta na siya patungo sa isa sa mga locker ng museum at kinuha ang mga gamit niya.
“Sa tingin mo, malalamangan mo na ba ‘ko next sem?”
Natigilan si Zenee saka humarap sa lalake.
BINABASA MO ANG
Miss Second Best
RomanceShe's Zenee. And she never have won against the charismatic Trevor. Ever.