Nasa Botannical Museum si Zenee. Pagkatapos ng insidente sa classroom nila ay napagpasyahan niyang sa museum na niya gagawin ang research paper niya. Nagpapasalamat siya’t agad na pumayag si Miss Cordova – tagapangalaga ng museum at isa rin sa mga propesor nila – na siya na lang ang magbabantay sa museum from 7:00 pm hanggang 10:00 pm habang ginagawa niya ang research paper niya. Kilala na rin kasi siya nito kaya pumayag na rin ito.
Malapit nang matapos ang first semester kaya busy halos lahat ng classmates niya. Next week na rin kasi ang defense nila, buti nalang malapit na siyang matapos sa research niya.
Tumigil na siya sa pag-eencode saka humikab. Quarter to 10 na.
“Tama na siguro ‘to,” aniya sa sarili saka tumayo na’t inunat-unat ang katawan.
Inayos na niya ang mga gamit niya’t bumaba na sa main door ng museum.
Kulang nalang ay atakihin siya sa puso nang makitang may taong nakaupo sa gilid ng pader patungo sa main door.
Napakunot-noo siya nang makilala ito.
“Hoy, unggoy! Ano ba’ng ginagawa mo dito?” singhal ni Zenee.
Tumayo ang lalake saka hinarap si Zenee. Nakakunot-noo din ito.
“Tinawag mo na naman akong unggoy,” saad ni Trevor. “Tinawagan lang naman ako ni Auntie para i-check ka. Hindi mo raw kasi sinasagot ang mga tawag niya. Buti nalang nasa greenhouse pa ’ko. Alam mo bang naistorbo ang paggawa ko sa research nang dahil lang sa kapabayaan mo?” he said in an accusing tone
Tumaas ang kilay ni Zenee. Oo nga pala, pamangkin ni Miss Cordova si Trevor.
“Oh, ano na? Tatayo ka lang ba d’yan?” tila naiinip na tanong ni Trevor saka lumapit sa kanya. Napaatras siya.
Nakalimutan niyang naka-silent pala ang phone niya kaya hindi niya nalalaman kungmay tumawag ba sa kanya o wala.
“Ah, pwede pakisabi kay Miss Cordova na lowbat ang cp ko kaya hindi ko nasagot ang tawag niya?”
Usually kasi ay tumatawag si Miss Cordova para i-check if nakauwi na ba siya o di kaya’y may ipapagawa ito sa kanya sa museum.
“Really? I think you’re lying,” nagdududang tugon ni Trevor saka patuloy pa rin sa paglapit sa babae. Patuloy rin sa pag-atras ang babae. “Isa pa, naistorbo mo ‘ko. Are you sure na wala ka nang iba pa’ng sasabihin?”
“Teka nga!” naiinis na saad ni Zenee. “Hindi ko naman ginustong ma-lowbat ang phone ko, ah? And don’t expect me to say sorry, coz I’ll hate you for that!”
Tumaas ang kilay ni Trevor.
“Ang taas talaga ng pride mo, Ibehara!”
Sarkastikong tumawa si Zenee.
“Ano ka sinuswerte? Ang yabang mo rin, ano? Of course, I won’t do that para mas maasar ka! It’s just a simple mistake!” Zenee rolled her eyes saka lumayo sa lalake. “Makaalis na nga!”
“Wait,” pigil ni Trevor saka hinawakan ang kamay niya. Hinarap siya nito. Napaatras ulit si Zenee.
Nagulat siya nang biglang hawakan ni Trevor ang magkabilang braso niya at itinulak siya patungo sa pader.
Tila estatwang natulala si Zenee. Nakabahid sa mukha ng lalake ang inis na nararamdaman. Isinandal nito ang mga kamay sa pader dahilan para hindi makagalaw si Zenee.
“You talked too much, ‘lam mo ba ’yon?” inis na bulalas ni Trevor.
Hindi makapag-isip ng matino si Zenee lalo na ngayon na ang lapit-lapit lang ng mga mukha nila sa isa’t isa!
BINABASA MO ANG
Miss Second Best
RomanceShe's Zenee. And she never have won against the charismatic Trevor. Ever.