Nagulat si Zenee nang biglang hinila ni Trevor ang kamay niya.
“A-Ano? Lalaban ba tayo?” kinakabahang tanong ni Zenee.
Hindi sumagot ang lalake. Sa halip ay hinila siya nito patungo sa cabinet. Bahagya siya nitong itinulak sa espasyo na nakapagitan sa dalawang cabinet. Naguguluhan na talaga siya sa pinag-aasta ng lalake.
Magpapabugbog ba ito?
“H-Hey? Ano ba’ng gagawin mo?” usal ni Zenee sa nakatalikod na si Trevor. Hinarang siya nito kaya feeling niya ay naiipit siya sa isang napakasikip na lugar.
Narinig niyang tumawa ang mga lalake.
“Tss,” narinig niyang sambit ni Trevor.
“Aba, anong plano mo ngayon, mister?” natatawang tanong ng isa.
Naiinis si Trevor. Talagang dehado sila sa pagkakatong ‘to.
Hinarap niya si Zenee. Takang-taka ito, ngunit halatang natatakot. Huminga siya ng marahas.
“Please, stay calm…” ani Trevor.
Natigilan si Zenee. Biglang lumambot ang ekspresyon ng mga mata ni Trevor.
“Naiinis na kami, ha!” galit na saad ng isa pa.
“Vin!” tawag ng isa. Mukhang ito ang lider.
“Ano, Jap?” sagot naman ng nagngangalang Vin.
“Halika, mukhang gusto yatang magpabugbog ng isang ito!” sigaw ng nagngangalang Jap saka itinuro ang nakatalikod na si Trevor. “Ibigay na natin ang gusto nito!”
Umawang ang bibig ni Zenee. What are they planning?
“Easy…” nakatawang saad ni Vin. “Gaganahan ako nito.”
“You!” tawag ni Jap. Hindi malaman ni Zenee kung sino ang tinatawag ng Jap na iyon.
“You stay there and watch us,” ani Jap sa mga kasamahan niya. “Mataas pa ang gabi. Kami na muna.”
Natigilan si Zenee. Narinig nalang niya ang mahinang pagtawa ng ilan.
“Okay lang,” sabat ng isa. “Pagpiyestahan niyo muna ‘yang likod ng lalakeng ‘yan.”
Pagpiyestahan? Napatingin si Zenee kay Trevor.
“T-Trevor, they’re. . .” nahihintakutang saad ni Zenee.
“I know,” malumanay na turan ni Trevor. Suddenly, he winced in pain. Biglang may humampas sa likod niya.
“Trevor!” gulat na sigaw ni Zenee. Halos magkalapit lang ang mga mukha at katawan nila ngayon. Maya-maya, bigla siyang niyakap ni Trevor. He grabbed her head to his chest. Mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanya sapagkat pilit itong hinihila ng dalawa pang lalake palayo sa kanya.
“What is he doing?” anas ni Zenee sa sarili.
“You asked for this!” sigaw ni Jap saka malakas na hinampas pa ang likod ni Trevor. Trevor winced in pain again.
Patuloy na naririnig ni Zenee ang pag-ungol ni Trevor. Sunud-sunod na hampas naman ang natatanggap nito.
“Sinabi nang umalis ka d’yan!” sigaw ni Vin at hinampas ulit sa likod si Trevor.
BINABASA MO ANG
Miss Second Best
RomanceShe's Zenee. And she never have won against the charismatic Trevor. Ever.