Match day.
All set na sina Trevor at Zenee na kapwa nasa iisang room. Hinihintay nalang nilang tawagin sila.
“Ibehara,” ani Trevor.
Kunot-noong tumingin si Zenee sa lalake.
“Just want to let you know, h’wag kang maging pabigat sa’kin, got it?”
Tumaas ang kilay ni Zenee.
“Look, who’s talking? I’m the one who should say that. Of course, hindi ako magiging pabigat!”
“Good,” pasimpleng tugon ni Trevor saka hinawakan ang kaliwang braso ng babae. Hinila niya ito palabas.
She winced in pain the moment he touched her shoulder. Kahapon may nahulog na malaking kahoy at saktong napuruhan ang kaliwang braso niya.
She just wished na hindi magiging sagabal ang sakit na nararamdaman niya sa laban nila ngayon. Well, it’s just a friendly match. Hindi pa rin naman siya mamamatay.
“Oi! Vallamonte, balita ko kayo raw ang makakalaban namin ngayon!”
Si George ‘yon. Taga-CAS. Palapit ito sa kanila. Kasama nito si Frankie.
Walang ekspresyong tumitig si Trevor sa mga papalapit saka hinila ang babae palapit sa kanya.
Napahawak si Zenee sa kaliwang braso niya.
“Oo nga, eh. Sana hindi umurong ‘tong partner ko mam’ya sa laban. ‘Wag niyo lang masyadong takutin, baka kumaripas ng takbo,” sarkastikong saad ni Trevor.
Malakas na tumawa si George sa sinabi ni Trevor. Umiiling-iling ito saka nagmamadaling tumalikod at lumayo. Sumunod naman agad si Frankie dito.
Nagngingitngit ang kalooban ni Zenee. Matalim siyang tumingin sa binata.
“Ah, let me guess. Naiinis ka?” pilyong tanong ni Trevor.
Umirap si Zenee.
“Mayabang ka’ng lalake ka!” galit na galit na saad ni Zenee.
Biglang sumeryoso ang lalake.
“I just have this odd feeling na sa laban natin ngayon, parang sky’s the limit. I don’t know.”
Sarkastikong tumawa si Zenee.
“Sira ka pala, eh--”
“So, you better be careful,” seryosong saad ni Trevor saka matiim na tumitig sa babae.
Natigilan si Zenee. Is he serious? Nag-aalala ba ito?
“Ibehara…”
“Ano pa!?” inis na sigaw ni Zenee.
Tila may gustong sabihin ang lalake ngunit umiwas nalang ito ng tingin saka kinamot ang ulo.
“Basta, wag kang maging pabigat,” saad ni Trevor.
Napakurap si Zenee. “Yeah, yeah. Whatever.”
“Fight!”
BINABASA MO ANG
Miss Second Best
RomanceShe's Zenee. And she never have won against the charismatic Trevor. Ever.