Enrollment.
“Hay, naku Zenee! Aabutin tayo ng madaling-araw dito! Kainis! 352 ang priority number ko, 353 naman sa’yo! Ano’ng oras na kaya tayo mae-enrol nito?!” exaggerated na bulalas ni Trixie.
“Wag ka ngang OA! Aba! Sisihin mo ang sarili mo! Sinabi ko naman sa’yong dapat maaga kang pupunta dito! Hayan, pati ako nadamay nang dahil sa’yo!” nakasimangot na saad ni Zenee habang pinapaypay ang sarili.
Kasalukuyan silang nakaupo sa mga reserved seats na nasa harap ng registrar’s office para sa mga estudyanteng may priority number. Napakaingay ng mga nasa paligid.
“Sorry na nga, eh! Well, nagugutom ako. Bili muna ako ng snacks. Magpapabili ka ba?”
Umirap si Zenee.
“Hoy, Zenee…” nakangusong saad ni Trixie. “Libre ko na nga, eh.”
“Yan, dyan ka magaling. Nakukuha mo ako sa panlilibre. Tch. Oh, sige na nga. Ikaw na’ng bahala. Kung ano’ng sa’yo, iyon na rin ang sa ‘kin.”
“Okay,” ani Trixie na tumayo na. “Wag mo’ng ipa-okupa ‘tong upuan ko, ha? Lagot ka sa ‘kin!”
“Siyempre! Alis ka na nga!”
Kanina pa pinagpapawisan si Zenee.
“Saan na ba ang mahaderang nilalang na ‘yon?” inip na saad ni Zenee sa sarili na ang tinutukoy ay si Trixie. Mahigit kalahating oras na’y wala pang Trixie na bumabalik. Mabuti nalang at malayo-layo pa ang number nila. Agad niyang kinuha ang cellphone niya.
Ilang ring pa ay sinagot na ni Trixie ang tawag niya.
“Hello, Trixie! … OH? Asan ka na ba?... Huh? Kakalawangin ako dito sa kahihintay sa’yo! Naku namaaaaan!” ani Zenee na iniikot-ikot pa ang mga mata habang nakayuko. Napansin niyang may dumaan sa harap niya’t umupo sa upuan ni Trixie.
“Oh, ayan….may umupo na sa upuan mo. Bumalik ka nga dito, Trixie. Kainis ka..” inis na saad ni Zenee saka hinarap ang taong pumuwesto sa upuan ni Trixie “Ah, excuse me--”
Namilog ang mga mata ni Zenee. She blink her eyes once more to make sure that she’s not just imagining things. What she saw was the smiling face of the guy she’s been thinking of for many weeks!
“Valla… T-Trevor?” di-makahumang saad ni Zenee. Hindi na niya maintindihan ang pinagsasabi ni Trixie sa kabilang linya.
“Missed me?” nakangiting tanong ni Trevor habang hawak-hawak ang priority number ni Trixie. Umiiling-iling ito.
Kumunot ang noo ni Zenee. “Ah--”
“Kahit kailan miss second best ka talaga,” putol ni Trevor saka itinaas ang priority number ni Trixie. “352 ako, samantalang sa’yo, 353. You can never outrank me.”
Kumurap si Zenee. Hindi niya pinansin ang sinabi nito.
“What are you…d-doing here?”
Gulat na gulat talaga siya. Maging ang mga tao sa paligid nila ay nagulat rin nang makita si Trevor. Hindi na lingid sa kaalaman ng mga ito na nag-transfer na si Trevor, he’s quite popular, so it’s no wonder why they knew.
“A-at bakit hawak-hawak mo ang number ni Trixie?” segunda pa ni Zenee.
Kumibit-balikat si Trevor. “Magpapa-enrol.”
Mas lalong kumunot ang noo ni Zenee. Why this guy have to be so unpredictable?
Napasigaw siya sa gulat sapagkat bigla siyang hinawakan ni Trevor sa kamay. Everybody looked at their direction. Natutop niya ang bibig niya. Stupid of her!
![](https://img.wattpad.com/cover/30306928-288-k871743.jpg)
BINABASA MO ANG
Miss Second Best
RomanceShe's Zenee. And she never have won against the charismatic Trevor. Ever.