Chapter 10 - Why're You Sorry?

319 9 1
                                    

Nasa football field si Zenee. First day ‘yon ng sembreak nila. Kinuha na niya kanina ang hard copy ng reasearch paper niya. Wala sa sariling napailing siya. She somehow felt void within her, like, she’s gonna burst or something. It’s been four days since she last saw Trevor.

            She shouldn’t make a big fuss about it, but she just can’t help it.

            “’Diba dapat ay nagsasaya ka! Ayusin mo ngang sarili mo, Zenee!”

            She’s been asking herself: what’s the big deal of not having Trevor around?

            “And I’m right. Nandito ka.”

            Tumingala si Zenee sa nagsasalita. Isang nakangiting Andrew na naman ang nakita niya.

            “Hi!” bati ni Zenee na pilit pinapasigla ang boses.

            Nakangiting umiling si Andrew saka umupo sa tabi ng babae.

            “Who are you? And what did you do to my Lei?” bigla ay tanong ni Andrew.

            Naguguluhang tumingin si Zenee sa binata. Tumawa ang huli.

            “Really. I’ve never seen you like this before. You’re so freaked out at the absence of your, what’s your term? Archenemy?”

            Hindi na ‘yon ikinagulat ni Zenee. Alam na kasi ni Andrew noon pa ang bangayan nila ni Trevor dahil na rin kina Trixie at Mari na nagladlad sa kaniya. But, there’s something between Andrew’s lines, and she seemed to know it pero dini-deny niya lang.

            “What do you mean?” kunot-noong tanong ni Zenee.

            Makahulugang tumingin sa kanya si Andrew.

            “Didiretsahin na kita… hindi mo gusto ang ideyang wala na dito sa school ang archenemy mo, diba?”

            Natigilan si Zenee. Archenemy?

            Bakit nga ba archenemy ang turing niya sa lalake?

            She paused as she remembered something…

            Hindi mapigilan na si Zenee na mapalunok nang makita ang maamo at guwapong mukha ng lalake. He’s stunning in every way and she could see were the knowing and interested looks of the girls around her. Eyecatcher, ‘ika nga. At hindi ito nakalusot sa paningin niya.

            It’s the first day of her freshman year in college. Sobrang busy ng mga nasa paligid niya. Kahit kinakabahan ay defiant na diretsong tumingin si Zenee sa daan.

            Napalunok ulit siya nang makitang papalapit sa kanya ang lalakeng nakita niya kanina, which means, makakasalubong niya ito!

            “Ano bang meron ang lalakeng ‘to at ang lakas-lakas ng tibok ng puso ko?” biglang tanong niya sa sarili. Hindi naman ganoon agad ang reaksiyon niya usually, but this guy’s different.

            “Zenee!”

            Natigil sa pagmumuni-muni si Zenee nang marinig ang pagtawag sa kanya. Napalingon siya. And there, she saw Trixie na kumakaway sa kanya sa kabilang hallway ng department nila.

            She was about to wave her hand when she felt that strong impact in her shoulder na ikina-out balance niya.

            “Zenee!” sigaw ni Trixie.

Miss Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon