Chapter 2 - Her Fists; Her Dad

1.3K 13 2
                                    

Pakibaba nga ng kilay ko na nasa fifth floor!”

            Natigilan sa pagmumuni-muni si Zenee. Nakita niyang palapit sa kanya si Trixie. Taas ang kilay nito dahil sa matinding pagtataka.

            “Ikaw pala, Trixie,” walang-siglang saad ni Zenee.

            “Highblood ka ‘ata?”

Zenee rolled her eyeballs and glared at Trevor with dangerous intent.

            Ang hudyong ‘yan! Nakuha nito ang librong gusto sana niyang bilhin, pero hindi niya nabili dahil kulang ang pera niya.

            Ang nakakainis pa sa lahat ay ginamit pa nito ang charms nito - na kung saan ay wala siyang panlaban - para makumbinsi ang saleslady na dito nalang ipagbili ang libro! Kulang nalang ay pagpino-pinohin niya ito at ang saleslady para magsama na ang mga ito! Talagang nabadtrip siya.

            “Sus! Makita mo lang si Trevor, nagdidilim na agad paningin mo. Hoy, friend, mabubulag ka n’yan!” naiiling na saad ni Trixie.

            Hindi sumagot si Zenee.

            “Ui, inlove ka siguro sa kanya?” Trixie teased.

            Umirap si Zenee. “Very funny.  Never akong mai-inlove sa unggoy na ‘yan!”

Napailing si Trixie.

            “Unggoy? Who? You don’t mean me, do you?” anang isang boses.

            Sabay na napatingin sina Zenee at Trxie sa nagsalita. Si Trevor. Tumaas ang kilay ni Zenee.

            “Sa pagkakaalam ko, ikaw lang ‘yong tinatawag nilang unggoy na nakikinig sa usapan ng iba, at nang-aagaw pa ng hindi kanya,” mahina ngunit matigas na saad ni Zenee. “Saging, gusto mo?”

            Sinapo ni Trevor ang sariling noo.

            “My, my… Sabi ko na nga ba, dahil sa libro na naman ‘yang isini-senti mo! Naiinis ka?”

            Umirap si Zenee.

            “Hindi! Hindi ako naiinis, galit na galit ako!” sigaw ni Zenee.

            Tumawa ng malakas si Trevor.

            “Haaaay, why’re you always like that, Zenee? Teka…” ani Trevor na nagkukunwari na namang nag-iisip. “…siguro, naiinis ka sa ‘kin, noh?”

            Zenee sighed. Heto na naman.

            Naging pambansang linya na ‘yon ni Trevor sa tuwing tinataasan niya ito ng boses.

            “Hindi naman masyado.”

            At iyon naman ang isinasagot niya.

            Napailing si Trevor.

            “Antalim mong makatingin, ah? Feeling ko nasa-slice ako. Tell me, mukha ba akong loafbread?” pang-aasar pa ni Trevor.

            Umirap si Zenee. Nice try! But, he isn’t funny at all!

            “Tch. Yeah, naging loafbread ka na nga lang sana!” di-mapigilang bulalas ni Zenee. They really looked so stupid. Nakikinig na lang ang mga kaklase nila sa patutsadahan nilang dalawa ni Trevor na para ba’ng hindi na bago ang pangyayaring ‘yon. Naiiling na rin ang mga ito. She’s not surprised at all.

Miss Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon