Chapter 5 - In the Pit of Danger

343 8 0
                                    

“Zen! Na-post na ang scores natin sa Biochemistry. Halika na!” tawag ni Trixie saka hinila siya patungo sa bulletin board ng Bio department.

            Sumunod siya dito. Nakita niya ang nag-uumpukang mga kaklase niya na nakatingin din sa bulletin board. Usually ay tumitingin agad siya sa number two. Napakunot-noo siya nang makitang hindi pangalan niya ang nakalagay doon. Tumingin siya sa number one, kay Trevor ‘yon. Kinakabahang tumingin siya sa baba.

            “Zen,” mahinang saad ni Trixie. “Number four ka. 90% ang nakuha mo.”

            Napakagat-labi si Zenee. It was the first time.

            Tumingin siya kay Trevor. Alam niyang masayang-masaya ang hudyo. But she saw him just staring at her.

            “Zen? Number four ka, ha?” takang tanong ni Gemma.

            “Yeah?” sabat naman ni Mari saka kunot-noong tumingin sa kanya.

            She smiled. Bigla siyang siniko ni Trixie.

            “H-huh?” ani Zenee.

            “You’re phone’s ringing,” nag-aalalang saad ni Trixie. Tila alam na nito kung sino ang tumawag.

            Agad kinuha ni Zenee ang phone niya. She bit her lips again. It was her Dad. Tinanggap niya ang tawag nito.

            “D-dad?”

            “To my office,” tanging saad ng ama niya. After that was a long beep.

            Napalunok siya.

            “What’s wrong with you, Zen?” These past days ay ang bababa ng grades mo, and I hate to say this, but… I’m disappointed with you,” mahina ngunit matigas ang boses na saad ni Mr. Ibehara. Nakatiklop ang mga braso nito sa dibdib habang titig na titig sa anak.

            Nakaupo si Zenee sa isa sa dalawang upuan sa harap ng mesa ng ama niya.

            Hindi siya makapagsalita.

            “Tell me, Zen. Meron ba kaming hindi naibigay sa’yo?”

            “N-no, dad. I’m sorry,” nangangatal ang boses na saad ni Zenee.

            Umiling ang ama niya.

            “I can’t believe this. Ang ate mo noon, palagi siyang nangunguna sa ganyang mga exams. Matataas din ang grades niya. But you? I don’t know. What’s bugging you these days?”

            “YOU.”  she said in her mind.

            Napayuko si Zenee. Gusto niyang umiyak ngunit ayaw niyang ipakita sa ama na helpless siya.

            “Dad, I-I’m sorry. I’m studying hard, really. But--”

            “Really? Ang sabihin mo, pa-easy-easy ka na. Hindi ka masyadong nagfo-focus sa pag-aaral mo…”

            “T-that’s not true--”

            “…at naging komportable ka na sa pagiging NUMBER TWO. What did I tell you?”

            Napayuko ulit si Zenee. Mas masakit pala kapag narinig mo na ang mga salitang ‘yon sa sariling ama.

            “E-Excel in everything you do,” sagot ni Zenee.

Miss Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon