Chapter 11 - Zenee's Appeal

659 12 0
                                    

Nagmumukmok si Zenee sa kwarto niya. Talagang napakainit ng panahon. Pabiling-biling siya sa higaan niya.

She sighed heavily. Ang dami ng iniisip niya. 4 days na ang lumipas buhat noong mag-usap sila ng ama niya, at nagpapasalamat siya’t sa apat na araw na iyon ay hindi nag-stay sa kanilang bahay ang papa niya. May 3-day convention itong dinaluhan, at ngayon ang uwi nito.

The truth is, hindi naman siya nagsisisi sa mga sinabi niya sa ama. But, she’s wishing for the best. Sana maging ready siya sa muling pagkikita nila ng ama niya.

And another thing, hindi parin mawala sa dibdib niya ang guilt na nararamdaman ukol sa pag-transfer ni Trevor. Siguro nga napaka-feeling niya’t naisipan niyang isa siya sa mga dahilan kung bakit nag-transfer ang lalake. She’s really confused.

Inis na humiga siya. Bakit ba niya masyadong iniinda ang pagkawala ng lalake? Hindi nga ba’t kalaban ang turing niya dito?

“Pabalikin mo siya dito.”

Napadilat siya. Muli ay naalala niya ang sinabi ni Andrew.

Biglang nag-ring ang phone niya. Si Trixie.

“Hello?” aniya. “Trixie? Napatawag ka?”

“Zenee,” anang nasa kabilang linya. “I’m inviting you, birthday kasi ni Tristan ngayon. Sinabihan niya rin ako na i-invite ka. Nahihiya sa’yo ‘yong tao, eh. May birthday party sa bahay nila.”

“Talaga?”

“Yeah, actually…sasabihin ko na ‘to, pupunta rin si Trevor, pero hindi pa ‘yon sigurado.”

“Eh, ano ngayon kung pupunta siya?” taas ang kilay na tanong ni Zenee.

She heard Trixie sigh.

“I’m sorry, Trixie. Alam mo naman siguro, diba? Baka hindi pa rin ako payagan, eh,” malungkot na saad ni Zenee. She can’t even begin to count and remember kung ilang beses na niyang hindi pinaunlakan ang mga invitations ng classmates at mga kaibigan niya. She sighed.

“Yeah. I just thought na maybe this time, payagan ka na. Sayang naman. Sige, Zen. Take care ha?”

“Yeah, you too. Thanks, Trix. Bye.”

Naputol na ang linya.

“Pwede ka namang pumunta doon. You have my permission.”

Gulat na napalingon si Zenee sa pinto ng kwarto niya.

“Dad?!”

Hindi alam ni Zenee kung ano ang sasabihin sa ama. Napalunok siya nang makitang palapit ang ama sa kanya.

Nakarating na pala ito!

“Pwede ka’ng pumunta don,” ulit ni Mr. Ibehara saka umupo sa maliit na upuan paharap kay Zenee.

Yumuko si Zenee.

“Dad, about what I said--”

“I’m sorry.”

Gulat na napatingin si Zenee sa ama. “Huh?”

Bahagyang ngumiti ang ama niya.

“19 years old ka na pala, Zenee. I admit, naging careless ako sa mga sinasabi ko sa’yo…to the point na palagi na kitang nako-compare sa ate mo,” malungkot na tumingin si Mr. Ibehara sa anak. “You don’t know, but I’m really proud of you, Zenee. You remained strong, at nakukuha mo pa ‘kong ipagtanggol.”

Tuluyang umagos na ang mga luha sa mga mata ng di-makapaniwalang si Zenee.

“Patawad, anak. At that moment, when you told me those things, I felt so stupid. I keep asking myself, ‘What have I done to my own daughter?’. I gave you that kind of pressure, and yet, you didn’t say a single word against me. A-And that hurts me so much…” nangangatal ang boses na saad ni Mr. Ibehara.

Miss Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon