Alberto
21 June 2019 / 7:29pm
Nakauwi ka na ba?
Pauwi palang.
Saan ka ulit galing?
May binili lang ako. Nagugutom ulit ako e.
Kain tayo, Love.Sige, tapos na.
Kumain ka muna.Malapit na ako. Tatawag ako kapag tapos na akong kumain.
Okay.
9:30pm
Love? Bakit mo ako binabaan?
Ayaw mo naman sabihin 'yung naalala mo.
Sino naalala mo?
Babae?Wala lang naman 'yun.
Hindi kita bibigyan ng stress 'no.Ano nga 'yun?
I want to know.May naalala lang ako kanina.
Ano nga?
May naglagay ng pagkain sa table ko.
Anong pagkain naman?
Jco and Starbucks coffee.
Hindi ka nag-order?
Hindi.
May nagbigay sa'yo?
Wala raw nakapansin kung sino ang naglagay sa table ko.
Favorite mo pa ang mga binili niya ah? 🙄
Oo nga e 😍
Kung sino man siya, thank you.May secret admirer ka na naman diyan.
Sumasakit na ulo ko sa'yo.Love naman. Hindi ko nga alam. Baka isa sa mga boss lang ang nagpadala.
Kinain mo na?
Of course, Love.
Favorite ko 'yun e.Ge.
Hahaha! Love!
Wala kang idea kung kanino galing?
Wala. Wala naman nagmamahal sa'kin.
Ang arte mo talaga!
Basta pagkain, naaakit!Hindi ko naman sinolo, Love. Binigyan ko officemates ko.
Wala akong pakialam.
Hahaha! I love you too nga!
Teka...
Bakit?
Baka sa'yo galing 'yun?
Kanino pa ba? 🙄
Sa'yo nga, Love??
Malamang sa'kin! Parang napaka-imposible naman!
Haha! Ayaw mo ngang nagpapadala ako ng pagkain sa office niyo para sa'yo tapos ginagawa mo sa'kin.
Paano kung magselos 'yung mga babae ko rito?YOU'RE WELCOME!
Biro lang, Love.
I didn't know you can be so sweet.
I appreciate that.
Nabusog kaming lahat.
Thank you, Love.Pero hindi mo naisip na gagawin ko 'yun. Sakit ah?
Ikaw ang naisip ko kaagad.
Hindi ko lang sinabi kasi kung hindi ikaw ang nagbigay sa'kin nun, baka isipin mo na naman na may kahati ka sa puso ko.
Ayaw ko na ganoon ang iisipin mo.Ang haba naman.
Sipag mag-chat.Hahaha! Tapos kapag sweet na ang usapan natin, palagi mo akong binabara.
Pero bukas, babawi kaagad ako.
Walang pasok at review kaya rest ka muna.Bukas? Saan tayo pupunta bukas?
May dadalawin tayo.
Sino?
Anak ko.
Gago.
Haha! Bakit?
Sino nga?
Anak ko nga, Love.
Okay. Makikita ko na ang anak mo. Hayop ka po.
Haha! Joke lang naman! Kahit sa chat parang nararamdaman ko 'yung masamang tingin mo.
Ipapakilala kita sa family ko.Tss. Ano nga kasi?
Bakit hindi ka naniniwala?
You never mentioned that before. Wala ka ngang balak kasi ayaw mo pa akong isama noon.
Totoo, Love? I'm sorry. Hindi naman ganoon e.
Bakit mo ako ipapakilala?
Hindi pumayag 'yung isa?Anong isa? Haha! May monthly period ka bang babae ka?
Haha! Ewan ko sa'yo!
Good night na nga.Sige, itulog mo na 'yan para hindi mo ako awayin.
Good night, Love!11:27pm
Albert?
Yes?
I love you!
Sweet 🥰
Mahal kita, Grace.
BINABASA MO ANG
✓ Frienemy
Romance(An Epistolary Novel) It started with a bet. The bet ended. Will their story end too? Istorya ng babaeng kinausap, niligawan... at pinaasa? Hanggang pustahan nalang ba talaga? Book cover: @YourMyLithiumIron AUGUST 9, 2020 © NYLARIZZA