Alberto
11 May 2020 / 7:38am
Anniversary sana natin ngayon, Love.
Happy anniversary! Hahaha!Hindi ako nakatulog nang maayos. Mamaya na ang schedule ng operation ko kaya sinabi ko sa kanila na hindi ko alam kung kakayanin kong lumabas sa operating room na okay ako.
Pinaiyak ko na naman sila dahil sinabi ko na alagaan nila ang sarili nila at humingi ako ng tawad sa pagkukulang ko bilang anak nila.
Masaya nga ako dahil halos kumpleto sila rito.
Alam mo kung sino ang kulang?Ikaw, Love. Nandito ka ba? Kasama ka ba namin? Sana nakangiti ka habang tinitingnan mo kami.
I love you.
10:30am
Papasok na ako sa operating room, Love.
Sabihin mo lang kung susunduin mo na ako para hindi na rin mahirapan ang mga doktor dahil pagod na ako.
Kung sakali mang susunduin mo ako, sasama na ako sa'yo.
Pagod na pagod na talaga ako...
Hindi ko na kayang lumaban pa...
Pagod na ang katawan ko...
Ayaw mo ba akong sunduin? Para hindi na ako mangulit sa pag-me-message sa'yo na hindi mo naman nababasa.
Alam kong mababasa 'to nila Mama. Sana alam nila kung gaano ko sila kamahal 'di ba? Alam mo bang umiiyak si Cristina? Kahit puro mura ang inaabot ko sa kaibigan kong 'yun, alam kong mahal na mahal niya ako at mahal ko rin siya.
Pumunta rin ang mga kaibigan mo kasama ni Clarence, sabi ko naman sa'yo ay mas mahal nila ako Love kaysa sa'yo. Haha
Love, I left a note for everyone on my room. Alam ko kasi na ayaw nila akong i-let go. In case lang na magpahinga ako, at least may message ako para sa kanila.
Anniversary naman natin ah? Pwede tayong magkita, Love.
Hehe.
Nagpapa-cute ako kaya sana makapag-pahinga na rin ako.Our love story started on a bet. Should I end this with a bet too?
Pustahan tayo, Love. Magkikita na tayo oh? Hahaha!Sige na, Love... See you soon, please?
I love you, Engr. Albert James Bermudez.
I love you, Alberto 😂
I love you, frienemy...
BINABASA MO ANG
✓ Frienemy
Romance(An Epistolary Novel) It started with a bet. The bet ended. Will their story end too? Istorya ng babaeng kinausap, niligawan... at pinaasa? Hanggang pustahan nalang ba talaga? Book cover: @YourMyLithiumIron AUGUST 9, 2020 © NYLARIZZA