82

34 1 1
                                    

Alberto

11:49pm

Hindi ko alam kung nang-aasar ka pa rin.
Naiinis ako na nakangiti ka habang umiiyak kami. Sorry kung na-late ako. Hindi kita naabutan.

Ako pa rin ba ang iniisip mo hanggang sa huli? Hindi mo hinayaan na maabutan kita kasi alam mong mahihirapan ako kung makikita kitang nahihirapan?

O mahihirapan kang umalis kapag nakita mo ako?

It's okay, Love. Smile for us.

Naiintindihan ko na nahihirapan ka na talaga at pagod ka na lumaban sa sakit mo kaya we treat each day as your last day 'di ba?

Kahit napakasakit na ganoon ang gusto mong isipin namin kasa araw, salamat dahil nasulit ang bawat araw na magkasama tayo.

Guide us, please?

Nandito ang mga kaibigan at pamilya mo. Maraming nagmamahal sa'yo.

Pati nga ang exes mo ay dumalaw sa'yo. Narinig ko nga na ang gwapo mo pa rin daw 🙄
Kaya siguro ngiting-ngiti ka riyan.
Okay lang, hindi naman ako selosa. 🙄
Gwapo ka naman talaga.

2:15am

Love... miss na kita...

Unang araw palang ng burol mo pero parang hindi ko na kakayanin.

Sinubukan kong matulog kasi sabi rin ni Mama, magpahinga na ako.
Sana dati pa hindi na ako umalis sa tabi mo.

3:00am

Sana nakita mo ang reaction ng Mama mo nung tinawag ko siyang Mama.

Ngumiti siya pero umiyak ulit. Hahaha! Lagot ka.
Dinamay mo pa ako sa pagpapa-iyak sa kanya.

But she smiles when she heard it.
At least napangiti natin siya kahit binibigyan mo siya ng sakit sa ulo.

Miss ka na namin...
I love you, Love!
Gwapo mo talaga! 😘

✓ FrienemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon