87

38 1 1
                                    

Alberto

25 December 2019 / 12:05am

Merry Christmas, Love!
Kasama namin sila Mama sa bahay para hindi malungkot ngayong Christmas.

We love you!

1 January 2020 / 12:00am

Happy New Year, Love! Mas masaya sana kung nakikipag-celebrate ka sa'min ngayon.

Love... may sasabihin ako sa'yo.

Sorry kung pinapaiyak ko rin ang Mama mo ngayon.

We're actually celebrating new year in the hospital. Sorry.

Sinabi ko naman sa kanila na pwede naman kaming umuwi para mag-celebrate ng new year sa bahay pero ayaw nila.

We recently knew about me having a brain tumor...

Kaya madalas sumasakit ang ulo ko. Akala ko stress lang o pagod, iba na pala...

Kung nandito ka siguro, baka pinagagalitan mo rin ako.

Bakit ko sila pinaiyak? Tinanong ko lang naman sila kung pwede na na ulit tayong magkita, miss na kita eh.
Hindi ako pinapansin ng Mama mo pati na rin si Mama dahil hindi raw ako pwedeng sumuko.

Naka-schedule naman ang operasyon ko, Love. Kinakabahan lang ako. Natatakot ako eh.

Papayag ka na ba kung magpapasundo ako sa'yo?

✓ FrienemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon