73

19 1 2
                                    

Alberto

10:20am

Hi, Love.
Hindi mo sinasagot ang tawag ko ngayon ah?

Are you okay?

12:36pm

Lunch time. Don't forget to eat on time.

Hindi ka nagre-reply.
Busy kang mag-review?

Kahit isang emoji lang, Love?
Okay ka lang ba?

Hindi mo pa rin sinasagot ang tawag ko.
Sana busy ka lang. Sana nagre-review ka lang.

Okay ka lang naman 'di ba?
Love?

5:38pm

Maaga ang out ko ngayon.

Puntahan kita sa inyo.
Ano ang gusto mong pagkain?

Love?

7:29pm

Love, bakit?

Masama ba ang pakiramdam mo?

Pinauwi ako ni Tita.
Okay ka lang naman daw pero ayaw mo raw lumabas. 😔

Love, mag-reply ka naman.
Kahit isa lang?
Nag-aalala ako sa'yo.

Just don't overthink okay?

8:15pm

Nakauwi na ako, Love.
Nag-usap din kami ni Tita.

Stress ka ba ulit?
Hindi mo naman ako dinadamay sa stress mo.
Huwag mo nga 'yun isipin.

Ang tahimik mo.
Awayin mo nalang ulit ako.

Hindi ako sanay ng tahimik ka. Mas gusto ko pa na inaaway mo ako kaysa ganiyan ka.

Love, kaya mo naman 'yan.

Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano.

Hindi ka naman galit sa'kin 'di ba?

May ginawa ba ako?

10:12pm

Hindi mo talaga sinasagot ang tawag ko.

Good night, Love.

Magpahinga ka na ah. I love you!

✓ FrienemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon