88

47 1 0
                                    

Alberto

12 February 2020 / 3:20pm

Hi, Love.
Sorry kung ngayon lang ulit nakahawak ng cellphone.

My hands are too tired to move pero I want to leave a message kasi 'yun nalang ang kaya kong gawin ngayon.

Honestly... I'm tired of everything. Ayoko na makita ang hospital bed ko.

Pagod na ako eh.

Hindi ka na rin nagpapakita sa panaginip ko.
Lumalaban naman ako sa sakit na 'to, Love.
Ang sakit lang makita sila Mama na umiiyak kapag hindi ko kinakaya ang sakit ng ulo ko.

Sumasakit minsan na kahit anong gawin ko ay hindi nawawala ang sakit.

Masaya naman ako. Nagawa ko naman lahat ng gusto ko.
Pinuntahan ko pa nga ang mga lugar na plano nating puntahan.

Naranasan ko kung paano masaktan, magmahal, mahalin at napasaya ko sila Mama. Sulit naman ang buhay ko 'di ba?

Pasundo na ako.
Gusto ko pang lumaban pero... pagod na ako, Love.

Miss na miss na rin kita...

✓ FrienemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon