84

30 1 0
                                    

Alberto

1 September 2019 / 2:23am

Sobrang bigat ng pakiramdam ko ngayon.

Hinatid ka na namin.

Sorry...

Kahit sinabi ko sa'yo na hindi na ako iiyak nang sobra, hindi ko pa rin natupad.
Tie na tayo ah? Hindi mo ako hinintay eh.

6:23pm

Nakatulog ako pero hindi pa rin tapos ang pag-iyak ko.

Wala ka na talaga...

Akala ko mababawasan na ang sakit dahil nakikipag-kwentuhan na ako sa mga kaibigan mo nung dinalaw ka nila. Nakikipagtawanan na nga ulit ako sa kanila.
Sinabi ko pa sa kanila na sinabi mong huwag ko silang mahalin dahil dapat ikaw lang.

Pinagtawanan ka nila at sinabi na palagi mo naman ako gustong solohin.
Ikaw ah? Pasaway ka talaga, Love.

Tapos ang suot kong damit ngayon ay 'yung binili mo para sa'kin.
Sabi ng Mama mo, ikaw ang pumili nito.
Alam na alam mo ang mga gusto ko. Thank you, Love.

Nakahiga pa rin ako.
Pinipilit kong huminto ang mga luha.
Ang daya mo 'no?

Miss na kita, Albert James Bermudez!

My Alberto!!!

SOBRA. 😭

✓ FrienemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon