86

36 1 0
                                    

Alberto

4 December 2019 / 10:15am

Hi, Love! Naalala mo ba ang araw na 'to? Ito ang araw na nag-message ka ulit sa'kin para guluhin ako.

Hahaha! Joke lang! Willing naman akong magpagulo sa'yo that time. Namimiss ko na nga ang panggugulo mo.

Sorry ah? Nagalit pa ako sa'yo nang matagal at hindi ko pinakinggan ang pagpapaliwanag mo. Iniwasan pa kita nang sobra kaya... sorry.

Alam mo, Love, masaya ako sa work ko ngayon hindi dahil pumasa ako ah? Alam nila kung paano pahalagahan ang employee nila kaya nag-e-enjoy ako.

Tandaan mo na palagi kitang inaalala kaya dapat alam mong magiging okay rin ang lahat.

Palagi kong dinadalaw sila Tita kaya huwag kang mag-alala sa kanila.
Okay... sila Mama. Baka sabihin mo na naman na mahina ako dahil Tita lang ang kaya kong itawag sa kanya. Pumayag siya na Mama ang tawag ko sa kanya at tinatawag niya akong "anak" kaya sobrang saya.
Kung nakikita mo kung paano kami mag-bonding, siguradong matutuwa ka.

Hindi ko naman sila pababayaan kaya kung nandito ka pa at kasama namin, magpahinga ka na.

Late ako nagising dahil nasa panaginip kita eh. Alam mo ba na miss na kita kaya nagpakita ka sa panaginip?
Miss na talaga kita.
Wala na talaga akong maaway kagaya ng pang-aaway ko sa'yo.
Hahaha biro lang, Love.

I love you!

✓ FrienemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon