81

41 2 1
                                    

Alberto

25 August 2019 / 6:58am

Good morning, Love!
Maaga akong umalis kanina.
Kinakabahan ako e.
Last day ng board exam, madalas dito ako nahihirapan e.

Huwag kang magpapakapagod ah?

Maiintindihan kong hindi ka makakapag-reply ngayon.
Ingatan mo ang sarili mo.
Please, huwag ka maging pasaway ngayon.

Pagkatapos ko rito, babalik agad ako.
Wait for me.
Okay?

12:05pm

I prepared your lunch.
Dapat maubos mo ulit 'yan ha?
Malulungkot ako kapag hindi mo inubos 'yan.

Kumain lang ako.
Babalik na ako sa loob maya-maya.

Mahal kita! 😘

6:14pm

Love, pupunta muna ako sa church. Diretso ako sa hospital maya maya.

6:45pm

I just received a call from your mother.

Hindi ka talaga marunong tumupad sa pangako mo. Akala ko ba hihintayin mo ako?
Akala ko ba gusto mo pang makita ang PRC ID ko?

Paano ako pupunta sa hospital ngayon kung wala na pala ang naghihintay sa akin?

Talagang tinapos mo lang ang board exam ko kasi iniisip mong mapapabayaan ko na naman kagaya noong unang try ko na Lolo at isa sa mga kaibigan ko ang nawala.
Pangatlong try sa board exam tapos ikaw naman ang nawala ngayon?

Albert?

Uy?

Magpapahinga ka lang 'di ba?
Hindi mo naman sinabi sa'kin na hindi ka na matatapos sa pagpapahinga mo.

Still, wait for me.
Napakasakit na ako pa ang pipili sa damit na susuotin mo.
Ako pa ang mag-aasikaso sa bulaklak na itatabi sa'yo. 😭

Hindi ko na pala ulit maririnig ang huling mga salita na sinabi mo sa'kin.

"I love you, Engr. Baby Grace Cervantez..." 'yan ang huli mong sinabi. Kaya pala paulit-ulit ka kasi last na pala?

Wala na akong aawayin? Wala nang tatawag sa'kin ng Baby Gracia, Frienemy, Girl frienemy? Love?  Asawa? Honey?
Payag na ako kahit ano pang itawag mo sa'kin.

Ngayon pa lang, namimiss na kita.

Wait for me.
I love you, Albert.

✓ FrienemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon