Chapter 3:

269 18 10
                                    

Chapter 3:

“Kamusta ang first day of school?” Nang-inis pa oh. Inirapan ko  nalang si kuya. Napapadalas ata yung pag-irap at pagtataas ko ng kilay ah, tumataray na ko. Bwahahaha.

“Nightmare.” Sabi ko atsaka kumuha ng breakfast. After naman nang pagpapakilala ko kahapon ay wala ng kakaiba pang nangyare bukod sa napilitan akong magtaxi dahil hindi ako sinundo ng magaling kong kuya.

“Ows, di nga?” gulat na gulat naman itong si kuya, nag-nod nalang ako. “Bago toh ah, dati lagging masaya ang mga kwento mo. Hahaha nakahanap ka ng katapat mo noh?” tapos tawa lang siya ng tawa dun. Buti maagang umalis sila Mommy kundi baka napagtulungan na ko dito. Binato ko lang ulit yung tissue sa kanya kaso nakailag siya. Kinuha ko naman yung isang baso at akmang babalibagin ko siya ng bigla siyang tumayo at pinigilan. “Hahaha easy sis. Baka tumama pa sakin yan, mawalan ka pa ng gwapong kuya.” Whaaat.

“HAHAHAHAHAHAHA.” Bigla naman siyang nagtaka kung bakit ako tumawa. “Ayo slang. Wala naman akong gwapong kuya.” Siya naman ang kumuha sa baso at akmang ibabalibag sa akin kaso tumayo na ako at tumakbo. Sumilip ulit ako sa dining room at binelatan siya. Benta yung mukha ni kuya.

Pagkatapos nun lumabas na ako at sumakay kay manong driver. Since hindi pa nga ako binibili nila mommy ng kotse, hinahatid sundo ako. Pero minsan nagcocommute ako pauwi kapag trip ko lang o kaya naman nagmamall kami ng bestfriend ko. Itetext ko lang naman si kuya driver kung magpapasundo ba ko o hindi.

Anyways, dadaan kami ngayon sa bahay ng bestfriend ko, susunduin naming siya dahil parehas lang naman kami ng village. Ayaw niyang hinahatid ng mommy niya kaya sa akin siya sumasabay. Lagi kaming sabay umuwi at pumasok kahapon lang hindi kasi nagbakasyon sila sa Thailand din. Yung mga magulang niya kasi ang nanguna sa seminar na dinaluhan ni Kuya sa Thailand. College na si kuya at yung dinaluhan niyang seminar ay training niya para sa kanyang Ojt. Sosyal nga eh, sa Thailand pa siya na-assign. But anyways, yun nga sinama nung mga parents niya si Best para makapagbonding silang pamilya.

“Bespreeen!” sigaw ko nung pumasok ako sa bahay nila. Kilala na naman ako ng guard dito kaya nakakalabas-pasok ako anytime. So ayun pinuntahan ko siya sa kwarto niya. At aba ang loka, bago ang style ng hair. Kulot pa ang dulo, beri bongga.

“Waaah bespren my love so sweet! I miss you!” tapos niyakap niya ko ng mahigpit. Muntik na nga kaming matumba eh. Eto talagang si bespren. Tumawa lang kaming dalawa at nagkwentuhan sandal. Binigay niya rin sakin yung mga pasalubong ko. Ang dami nga eh, mga limang paperbags na madaming laman. Nilgay ko muna dun sa likod ng kotse.

Sa kotse, nagkwentuhan lang kami. Ininggit pa nga ako dahil nakapagpapicture at nakasama niya sa isang hotel si Mario Maurer. Swerte, tapos kung saan pa yung floor nila dun din yung room ni Mario. Tapos eto pa, kaclose ng Daddy niya yun. Waaah swerte talaga. Sabi ko nga dapat ipinaubaya niya nalang sa akin yun eh.

Nilagay muna naming yung bag naming sa locker room atsaka pa lang pumunta sa gymnasium para sa flag ceremony. Magkaiba kami ng pila kasi sa English Department siya. Yung curriculum na kinuha niya ay yung nag-s-specialized sa Journalism since yung talaga ang passion niya at staffer siya ng school paper. Kumuha rin kasi siya ng test sa curriculum naming kaso di siya nakapasa kaya pumili dun siya napunta sa English Department.

So ayun, nag-flag ceremony na nga kami. Si Nash pa nga yung nag-opening prayer e, tapos normal rituals lang. national Anthem, Panatang Makabayan, Panunumpa sa watawat and everything. Nag-exercise din kami na na-enjoy ko naman. Pero ang kakaib sa flag ceremony naming ay may intermission number pa bago bumalik sa rooms. Nagulat nga ako nung tinawag na ko nung adviser naming eh. Kainis kasi, ako pa napili.

Kinuha ko na yung microphone at pumunta sa harap. Hineram ko rin yung gitara ni bespren para masaya. Tumugtog na ko at kumanta. Kinanta ko yung “Basically” ni Karylle. Kanta ko kasi yung para kay Nash. The whole tima na kumakanta ako, kung hindi sa gitara ako titingin ay kay Nash. Nagta-thumbs up pa nga sakin e. Kinikilig tuloy ako. Nung matapos na yung kanta bumalik na ko sa pila. Akala ko naman aalis na kami ng biglang magsalita yung representative ng principal. Dapat daw naming i-welcome yung mga freshmen at yung mga transferees.

Finally Found Him (Under Renovation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon