Chapter 12: Martinez Twins~~

145 8 1
                                    

Chapter 12: Martinez Twins~~

Kaaalis lang kanina ni Tita. Ininterview pa nga ako eh. Pero ang cool niya. Hahahahaha

Nga pala tumawag kanina yung mommy ko. Di na raw siya magpapadala ng yaya, kasi may makakasama daw pala kami dun sa apartment. Dalawa daw yun. Kaya pala apat yung rooms dito.

I WONDER! UHMMMMM.

Sana naman mabait at makasundo ko. Di tulad ni Nathan. AMP! Bati na pala kami kahit papaano.

Pero galit pa rin ako. HAHAHAHA JOKE.Pero speaking of him.... Nasaan siya?

NANDUN SA PLANETANG NEMIC! Pinatapon ko na! Dun kasi siya nababagay eh.

Bumalik siya sa kanila eh. May kukuhanin daw, nakalimutan niya. Tss. Di pa sumabay sa Mommy niya. Masyadong aksayado sa pera.

Pero don't get me wrong ah! Mas maganda kaya yun! WALA SIYAAAAA! Hoorayyy!

I'm here nga pala sa room ko. Inaayos ko yung mga damit ko. Kanina pa ko dito eh >.<

(A/N" Sound effects po yan ng doorbell. Mababa po ang budget ko para sa mas maganda. HIHI :">)

Yeaaa. Abot yun dito kasi may nakakonekta. Kaya pag may doorbell, lahat ng rooms dito magagambala. Gara nuh.

BTW. Bubuksan ko na yung pinto.

"Ay Hello!" sabi ng isang babae. May kasama siyang lalaki eh. Mga siguro teenagers din sila katulad ko. Mas matanda nga lang sila.

"Uhmmm. Hello po. Sino pong kailangan nila?"

"Ako- -. Owww I mean kaming dalawa yung makakasama mo sa apartment. Dito ka naka-stay dbah?" AHHH. Sila na pala yun...

"Ah kayo na po pala yun ^____^. Pasok po kayo."

"Ako nga pala si Angel. At siya naman si Gelo."

"Ahhh. I'm Stephanie naman po. Steff nalang po tawag ninyo sakin =). Boyfriend ninyo po ba siya?" OMY! Ang daldal ko..

"HAHAHAHAHAHAHAHA! Nagpapatawa ka! HAHAHAHAHAHAHA" tawa lang sila ng tawa. Eto namang si Kuya Gelo malapit na ring tumawa. O sige magpapakaFC na ko. Tutal naman mas matanda ATA sila sakin.

"Ay sorry. ANU KA BA? Hindi noh. Twin brother ko to, dba BRO! ^___^"

"Hahaha ou. Hello Steff! By the way anong year ka na?" -Kuya Gelo. He's handsome. And Ate Angel is cute. KYAAAA! Di sila magkamukha. Pero ang cute nila. Mukha silang magsyota :DDD

"Ahehehe. Third year po. Kayo po ba?"

"Wag ka mangopo! Tumatanda ako eh.. Hehe thrid year college kami.. AYY mas matanda pala kami kaysa sau noh. Pero basta wag ka mangopo! Magkasing-ganda lang tayo."

"Hahahaha O SIGE PO! ^___^v Parehas po kayo ng course?" Nagpeace-sign nalang ako. Ang kwela pala nila noh.

"NO! Ako Fashion Designing. Siya Interior Designing."-Ate Angel.

"Ah. ^____^" -ako yan

"Tsk. Ou nga eh. Kaw yung may kursong FD kaso ikaw naman yung hindi in sa uso ang pananamit. Tsk, di mo ko gayahin?" Hahaha ang cool talaga ni Kuya Gelo. Ang ganda nga nung fashion taste niya. KPOP!

"ABA! Bakit naman ako gagaya sa'yo. Simplicity is beauty noh. Tsaka HELLO? This is what you call vintage fashion. Simple lang pero elegant. Di gaya sa'yo" hinead to toe niya si kuya Gelo. "Para kang aatend ng birthday party. O di naman kaya sasayaw. HAHAHA"Si Ate Angel talaga..

"HOY Trinnette Angela D. Martinez . . . Eto ang in ngayon. KPOP FASHION! Palibhasa kasi yang suot mo panahon pa ni Maria Clara uso. Tsk. Fashion Designer pa naman." Hahaha nag-away pa sa paraan ng pananamit ng bawat isa. To talagang dalawang'to..

Finally Found Him (Under Renovation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon