Chapter 2

273 17 5
                                    

CHAPTER 2:

“Ikaw?!” sabay pa kaming napasinghap sa gulat. Pero ang pinagkaiba, siya ngumisi ako naman kumunot ang noo at nagsalubong ang dalawang kilay.

“Hahaha hanggang dito ba naman sa school naghahasik ka ng lagim? Di ka pa nakuntento sa airport ah.” Ngumisi siya ng nakakaloko. Kahit sino sigurong makakita ng ngiting yun ay makakapatay. Aba’t naghasik daw ako ng lagim sa airport? Masama na bang magulat ngayon? Konti nalang talaga, susuntokin ko na ito. Oo siya yung lalaking gusto ko ng muderin sa airport dahil tinatawanan lang ako.

“Alam mo kanina ko pa gustong gawin toh eh,” tapos ngumiti ako ng malapad, siya naman ngumisi habang nakangisi. Hinawakan ko siya sa balikat at nag-smirk ako. “Kanina ko pa gustong…” Tinignan ko siya ng malagkit na tingin at “SUNTOKIN!”pagkatapos nun sinuntok ko siya at biglang sinikmuraan.

Pagkatapos nun tinakbuhan ko na siya at tumawa ako ng tumawa. Sheeemay, laftrip. Masaya rin pala yung araw na toh kahit muntik na ‘kong lumipad mula sa kotse sa sobrang pagpreno ni Kuya at sa pagkadapa ko sa sahig ng dalawang beses. Pumunta muna ko sa locker room since nandun nga yung mga books ko. Nung enrollment kasi nilagay ko na para worry-free.

{Boooogsh}

Nagulat ako nung may bumagsak na books dun sa kabilang side ng mga lockers. Gusto ko sanang isipin na iba yun ng biglang nag-cuss yung taong nakalaglag ng libro. Oh well, atleast safe na ko. Since nasa dulo yung locker ko, makikita ko kung sino yung estudyanteng yun.

“Hello—Ikaw na naman?!” Gagawin ko sana siyang friend kaso yung lalaki na namang yun yung nandito. Inirapan ko nalang siya. Aba’y sinusundan ata ako. Inayos ko nalang yung gamit ko. Nung papalabas na ko sa locker area, parang biglang may sumusunod sakin. Syempre naman kinabahan ako. Sa ganda kong toh, hindi maiiwasan ang stalkers. Ok, charot lang yun.

Stomp. Stomp. Stomp.

Malapit na ko sa bldg. naming pero may sumusunod pa rin sakin. Hanggang sa papaakyat ako ng hagdan may naririnig ako ng yabag. Wala pa naman akong dalang compact mirror para matignan kung sino yun. Yung pepper spray ko naman na sa locker. Bakit ngayon pa? Ok, it’s just me and my ballpen now. Siya nalang ang gagamitin ko sa bakbakan toh. Yung red ballpen ang kinuha ko para kunyari may dugo.

Pinikit ko ang mata ko, ready to ramble na itooo. Dahan dahan kong itinaas ang red ballpen ko at tumalikod upang makita yung sunod ng sunod sa akin. Ibabato ko n asana yung ballpen ng makita ko kung sino yun. Siya na naman? For God’s sake! Akala ko swerte na ko ngayon pero hindi pa pala. Mukhang umpisa palang ng kamalasan ko.

“O, mukha ka na namang tanga diyan.” Tapos tumawa siya ng nakakaloko. Kung di nga naman ako baliw at kalahati, nakataas pa rin yung kamay ko at hawak hawak ko pa rin yung pulang ballpen ko. Worst, nakita pa niya ko. Dapat pala tinuloy ko nalang ayan tuloy siya naman ang pinagtatawanan ako.

“Aba’t ang kapal mo ah! Para sabihin ko sa’yo” teka naka-earphones pala toh. Kaya naman lumapit ako sa kanya at hinila iyon kaso nahuli niya yun at hawak hawak niya yung kamay ko. Correction, wrist pala. Gross.

“Para sabihin mo sa akin?” Di niya pa rin binibitawan yung kamay ko at nakasmirk pa rin siya. Grrr ang sarap niyang ipalapa sa sampung dinosaurs!

“Para sabihin ko sa’yo, ang p-panget mo! At hindi ako t-tanga!” Pinipilit kong tanggalin yung kamay ko kaso ayaw niyang bitawan eh. Ay nasarapan? Ano toh? Nilagyan niya ng Elmer’s Glue? Ganun?

“Ako? Panget. Hahahaha, you must be kidding missy. At ikaw? Hindi stupid? O’ common, alam naman nating ilang beses ka ng minalas ngayon at wala ka pa ring ginagawa para maitama ang mga iyun. Am I right?” Hindi ko alam pero sumosobra na talag itong lalaking toh. Hindi kami close, hindi ko nga alam ang pangalan niya eh tapos kung makapanghusga siya daig pa niya ang mga asong nakakasalubong ko everyday. Kapal ng mukha!

Finally Found Him (Under Renovation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon