Chapter 24: Slumber Party (Part 1)

89 1 2
                                    

Chapter 24: Slumber Party

Part 1: The Dare

>NATHAN'S POV<

Nandito ako ngayon sa bahay nila Steff kasi nga kasabay ko siyang pumunta doon sa slumber party nung kaklase namin. Yung napakabait ko kasing nanay hindi daw ako papayagan kapag di daw kasama si Steff. At eto nga hinihintay ko siya kasi nagpa-alam sa mga magulang niya.

Nag-impake na rin kasi kami kahapon. Nga pala, Friday ngayon. Sa isang beach resort daw gaganapin yung slumber party and I guess 3-4 hours ang byahe hanggang Batangas. Layo nga eh, buti nalang alam ko yung directions tsaka yung mismong lugar kasi nga nadaanan na namin yun dati.

"Oy tara na." maka-oy naman toh? Kala mong may driver eh. Pumasok na ko sa kotse ko at siya naman nandun pa rin sa labas at nakatayo. Tch, problema nito?

"Hoy problema mo?" tanong ko sa kanya, eh nasa labas pa rin kahit binuksan ko na yung bintana at tinawag siya.

"Di mo ba ko pagbubuksan? Napa-ungentleman mo talaga!!!" ungentleman? May salita bang ganun? Pumasok naman na siya, tch daming arte. Teka,

"Huwag ming ibagsak yung--KASASABI LANG EH. ARGH! " padabog na naman yung pagsara niya nung pinto na kotse ko, grabe 'tong babaeng toh. Walang ingat sa kotse, siya na nga lang nakikisakay eh =____=

"Wala ka ng magagawa, yan kasi ang napapala ng mga hindi gentleman." sasagot sana ko kaso pinasak niya yung earphones sa tenga niya. Great, nice talking =____= Nagmaneho nalang ako at siya naman nagsa-soundtrip lang habang nasa byahe.

"Uy Nathan, baba tayo bilis. Stop-overrrrr! ^0^ -- aray ko po!" napreno ko tuloy, ang ingay kaya tapos niyuyugyog pa ko. "Hinay hinay ka naman." sabi niya sabay hampas sa balikat ko. Brutal nito, magsasalita lang eh kailangan pang manghampas, tch. Bumaba nalang ako. At eto na naman po tayo, di pa lumalabas. Kinatok ko yung bintana.

"Baba." tapos di ko siya pinagbuksan, nandito lang ako sa tabi ng pinto. "Aray - - huwag mong ibagsak, ayyyy naman oh. UGH!" bigla ba naman kasing buksan yung pinto ayun muntik na kong masubsob. Tapos binalaan ko siya na huwag pabagsak yung pagsara kaso huli na. Alin ba sa salitang 'huwag' ang hindi nun maintindihan? Ginulo ko nalang yung buhok ko, aishhhh!

Tinawag ko siya at lumapit naman siya sa akin ng naka-smile. Nangyari dito? Pero bagay pala sa kanya yun. Aish Nathan tama na!

"Dahil SUPER GENTLEMAN ka. Eto ang bagay sa'yo!" sarkastiko niyang sabi at *BUGSH*

"Steff, bumalik ka nga ditooooo! UGH!" napaka-sadista ng babaeng yun, sikmuraan ba naman ako. Sakit tuloy ng tiyan ko >.< Nung naabutan ko naman siya bigla siyang may pinatugtog.

NP:Gentleman by PSY

O ____ O Anong sinasayaw nito?  Alam ninyo yun nakalagay yung isa niyang kamay dun sa may baba niya tapos yung braso niya sinusuportahan yung isa niyang kamay. Tapos may pakembot kembot pa siyang nalalaman habang nakapikit. Mukhang tanga lang!!! Natawa tuloy ako ng di-oras. Nakakahiya kaya yung ginagawa niya, dami tuloy nakatingin hahaha. Laughtrip!

"HAHAHAHAHAAHAHAHAHA! STEFF! MUKHANG TANGA LANG! HAHAHAHAHAHAHAHA." tapos ginaya ko yung itsura niya habang nagsasayaw *imitating Steff* langya, natatawa talaga ko. Napatigil naman siya sa ginagawa niya kaya ako din, parehas kaming napatingin sa paligid namin O////O sabay

"TAKBOOOOOOOOOOOOO!" sigaw ko. Eh paano ba naman pinagtitinginan na kami tapos yung iba vinivideohan pa kami yung iba tumatawa rin. NAKAKAHIYA YUN TOL! Mukha kaming timang eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Finally Found Him (Under Renovation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon