Chapter 9: Bakit ang hirap mag-sorry?

214 13 0
                                    

Chapter 9: Bakit ang hirap mag-sorry?

>NATHAN'S POV<

"ANO BANG PROBLEMA MO?? HAH? HAH?? DI KA BA PWEDENG MANAHIMIK DIYAN AT TUMIGIL SA PANG-IINIS? PANIRA KA NG ARAW EH!! ALAM MO YUN? NAKAKABWISIT NA!"

Ako ba kausap ne'to? 

Sus. Galing ng drama. Totoong-totoo.

"HALA KA!!!" sabay-sabay pa talaga sila ah? Tapos may kung anu-ano pang hand gestures na pinaggagawa itong mga 'to.

Tapos yung mga itsura nila parang manunumbong.

"Problema nun?"

"Lagot ka Nathan. Ginalit mo si Steff! Hala ka!" Ganun pa rin yung gesture nitong si? Sino to? Basta yung bestfriend ata ni Steff?

"Para yung tigre pag nagalit." -Geoff

"Nagmumuktol yun." -Kristoff

"Humanda ka na!" -bestfriend ni Steff

"Amazona pa naman yun." -Geoff

"Takte. Sadista pa katulad nung kuya nun." -Kristoff

.

"TEKA! Kilala ninyo siya?" -ako

"Ou naman! Pinsan kaya namin yun!" tapos nag-apir pa 'tong dalawang kumag na 'to. Kaya pala dami nitong mga kwinekwento tungkol kay Steff. Ayan! Nahahawa na ko sa kanila.

Okey, Stephanie dapat. Nakakaimpluwensya sila eh.

"Puntahan mo nalang. Dami pang satsat eh." Epal masyado si Nash.

Tinigil ko na pagkain ko. Nawalan ako ng gana -_____-

Nabadtrip? EWAAAAAAAAAAAAAANNNNNNNNNNNNN. Babalik nalang nga ako sa room.

.

..

...

Nakita ko si Steff- - . I mean Stephanie sa Hallway. Nakikipagtawanan dun sa iba naming kaklase. Yan ba ang nagmamaktol? Sadista? Amazona pag nagagalit? Pinagloloko ata ako ng mga yun eh. TIgnan mu nga, mukhang masaya. Tsk  -.-

.

..

...

*ROOM*

"Ok class, we need two participants for the coming Dance Entertainment Ball in our campus. It will be held after one month. So who would like to represent our class?"

"Ma'am ako po!" Si Steff- - Stephanie yan! Hyper dba?!

"Okay. So sino gustong makapartner si Steff. Dapat magaling din sumayaw. Suggestions?" biglang nagsibabaan kamay nila nung sinabing magaling sumayaw. BWAHAHAHA. La pala tong mga 'to eh! MGA WEAK!

"Psst. Pare, nakapagsorry ka na ba?" Tss. Kulet talga ni Geoff. Parang babae lang eh -.-

"Kailangan pa ba yun?"

"Ma'am si Nathan po! Magaling pu yan!" Anu? Ako? Lakas talaga ng trip nito. Sarap upakan.

Pero tama naman talaga siya. Kung di ninyo lang natatanong, member ako ng isang famous dance group sa US.

"Is that true Mr. Park?"

"Ah- -"

"Ma'am OPO! Gusto niya!" Epal din tong Kristoff na to eh. Ako tinatanong dba? Bakit siya sumagot? Sabi dba Mr.Park. Okay. Siya na pala si Mr. Park ngayon. Siya na ako. Bakit di nalang sila yung sumali. Sila naman may gusto. Tsss-_____-)

"So that's all. It's settle. You two are partners. Just fill up this forms. While the others, you may go home now." Ganun? Sila pede ng umuwi. 11 pa lang eh. 2:30 pa uwian namin. Daya ~____~.

Bago umalis si Ma'am binigay niya samin ung form tapos sabi niya mga 1:00 pa daw kami makakauwi. Kasi titignan pa yung skills namin. ARGH! Lesheng yannnnnn. Humanda sakin ung dalawang ungas na yun pag-uwi ko.

Sasagutan ko na 'tong application form na ito.

Nakakainis naman. Wala nga pala akong ballpen. Kakapalan ko na nga itong gwapo kong mukha.

"Psst."

"..."

"Oy, peram ballpen."

"...." No response pa rin ah. Ok, let's see.

"UGH! Anu ba??"

Binelatan ko nalang. HAHAHA natatawa ako sa mukha nito pag naiinis. Lumalaki mata. Ou nga pala. Nagalit siya kasi hinablot ko ballpen niya. Ganun ako kabait. >:D

"So paano ba yan? Since magkasama tayo sa isang competition. Magkapartner pa. Ede bati na tayo?"

"BAKIT? Nag-sorry ka na ba? HAH? " Ou nga nuh. Eh kailangan pa ba kasi nun?

"Kailangan pa ba nun? Mapapatawad mu naman ako eh? Okay. Mianhe" Syete! Nag-sorry pala ako. Yea. Mianhe means Sorry. Sana di niya naintindihan. Pagkatapos kong sabihin yun binigyan ko siya ng isang killer smile. Yung kita na dimples ko. HAHAHA. Namula tuloy siya? Di ko alam kung bakit? Baka nagalit. Tss-____-

"Ewan ko sa'yo!" tapos lumabas na siya. Lumabas na rin ako.

"Wag mo nga akong sundan!" Hah?

"WOW! Kapal! Papasa ko na rin itong akin.  Eto na nga pala yung ballpen mo." Hinablot niya naman tapos tinignan ako ng masama. Tapos nauna na lang akong maglakad.

"Your welcome ah!!" -rinig kong sigaw niya. Tinaas ko yung kanang kamay at nag-okay sign, habang ung kaliwa naman nasa bulsa ko. HAHAHA I can imagine her face. Cute kasi nun pag galit. Ay ! May nasabe ba ko? Wala naman diba. Sabihin mong wala kung ayaw mong mangheram ng mukha sa kabayo! Miski babae, bakla o lalaki ka pa. HAHAHA joke lang, mabait ako sa readers kasi naapreciate nila kagwapuhan ko..

 .

..

...

....

Napasa ko na yung form ko. Natapos na rin kaming ieexamine. And we both passed it! Galing ko nga raw eh. Yung kapartner ko? Ayos lang naman. Pero magaling talaga ako. Nauna na kong lumabas. Kinakausap pa kasi nung instructor si Stephanie eh. 

Sumandal muna ko sa pader dito. Hihintayin ko si Stephanie. HAHAHA maasar nga!

Sumipol nalang ako. Tapos nung dumaan siya hinead to toe ko tapos umiling. Then kinuha ko phone ko, kunyari may kausap ako.

"Oh pare.... Hah? Ah yun ba? EHHHH.  Maganda sana eh.. Ah ou... May itsura naman. Ayos lang.  Kaso flat.. Sayang.. Di eh..  Masyadong flat..."

Nakita kong sumama tingin sakin ni Steff kaya binaba ko na ung phone. Tapos...

"OUCH!!" ansaket kaya! Aba binelatan lang ako ng amazonang 'to. Tsk. Sadista masyado.

Inirapan lang ako?

"Tutal naman piningot mo na tenga ko. Bati na tayo?" tapos nilahad ko kamay ko. Inabot naman niya.

PEROOOOOO! Grabeeee ah! Ansakit. Pinisil lang naman niya yung kamay ko. Tapos tumakbo.

"HOY!"

"The answer is noooooo" Tumatakbo na siya niyan papuntang elevator. Di ko na yan maabutan. Tsk! Hirap kasi mag-sorry! Bwiset >____<

Finally Found Him (Under Renovation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon