Chapter 17: Kasama si Nash

151 5 0
                                    

Chapter 17: Kasama si Nash

*KRINGGGGGGGGGGGGGGGGG*

Yey ! Lunchbreak! Bilis ano, wednseday na eh. Pero nakatatak pa rin yung nangyare nung Monday. Waaaa, ang saya kasi ! Hihihi. Wala pala si Nathan ngayon, ginawa siyang representative ng class namin sa isang contest. BWAHAHA. Buti nga, gabi na siya makakauwi :P

So ayun palabas na ko, punta na ko sa Cafeteria. Wala nga pala si Bestie, tinatamad daw pumasok, pati sila Kuya Geoff , tsaka sila Jamie at Tintin. Tsaka yung iba kong kaklaseeee.

JOKE ! Nasa cafeteria lang sila nuh, wala lang ako kasabay pumunta dun. Uhhhmm, hanap ng makakasabay.. Hanap.. Hanap.. Hanap.. Hanap.. AYUN! SPOTTED !

"Uy Nash!" tapos tumkbo ako papunta sa kanya, ala nga naman lumipad ? Baka ma-exposed pa yung wings ko. Okay, pagbigyan ! Nagpapantasya lang..

"Oh ? Bakit? Mayroon pa bang di naaayos dun sa visuals ?" magkagroup nga pala kami dun sa report namin. Pati si Jamie, Tintin at Nathan. Grabeee, nakakasawa na pagmumukha ng mga yun. At kung tinatanung ninyo kung tumulong sila ? H-I-N-D-I ! Kaya na naman daw namin yun. Tsk-_-

"Ay.. Hinde.. Wala.. Pasabay lang." tapos sumabay na ko sa kanya maglakad. Wow, tangkad din pala to nuh, hanggang baba niya lang ako eh, grabe noh na-measure ko pa. Well, that's my talent.

"Ah sige. "

-5 minutes silence-

Shemmms. Sarado yung unang cafeteria. So no choice, kailangan dun sa mas malayo. UGH! Bugbog na naman paa ko nito. Malayo yun ee.Tahimik nito ah. Sabagay tahimik naman talaga siya.

"Oy Nash ! Naks ah. May chix tayo jan ah!"

"Pakilala mo naman kami diyan sa chickas mo!"

"Aba, pre! Umaasenso ah."

"Nililigawan mo na ba yan **sabay turo sa akin**"

"Ikaw ah. Lapitin ka na ngayon ng chix. Ano sikreto mo dre?" sabay tap pa sa balikat ni Nash. Loko 'tong mga to. Hindi ako sisiw, at hindi ako chismis para sabihin nila ng chickas. Goshh.

"LUL! Kaklase ko lang 'to. Magsilayas na nga kayo, mukha lang kayong tanga haha." tapos nag-gesture na pinapaalis yung mga kaibigan niya.

"Uy pre! Nakakaabala pala tayo."

"Sige na ngaaa. Alis na kami, bigyan namin kayo privacy."

"Hoy pre ! Pormahan mo na ah!"

"Miss **lingon sa akin**. Pag nanligaw to, sagutin mo na agad ah. Huwag mo na pahirapan."

"At ikaw Nash. Manligaw ka na, mamaya maunahan ka pa. Isa ka pa namang dakilang torpe. Kailan ba graduate natin sa TORPE UNIVERSITY ah? Aatend ako! Hahaha geh bye." lakas ng trip ng mga kaibigan ni Nash.

Pero infairness, mababait sila at gwapo. Ngayon ko lang narinig si Nash, ang cool nung side niya na yun.

"Uy, Steff. Pagpasensyahan mo na yung mga yun ah. Wala lang magawa sa buhay yun. PUCHA." Ayan na naman.. Another inexpected word. Gash, ang cool niya haha.

"De ayos lang yun noh. Nakakatawa nga sila eh."Totoo naman ehhh.

-Silence again-

"Ay Steff, kinausap nga pala ako nung bestfriend mo kahapon.." WHAT? Close sila ?

"WEH? ANO SABI NIYA ? " Syempre. Kailangan ko malaman, mamaya kung anu-ano pinagsasabi nun. DELIKADO KAYA!

"OO. Hahaha. Sabi niya, gusto niya raw ako para sa'yo, na bagay daw tayo haha. Naisip ko nga eh, kung may crush ka ba sakin." hinampas ko siya sa balikat. Ang kapal eh.

Finally Found Him (Under Renovation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon