Chapter 22: Slave for a day

135 1 1
                                    

Chapter 22: Slave for a day

>NATHAN'S POV<

Akalain ninyo yun, tinatablan rin pala ng sakit yung crybaby na yun. Di nga pala siya papasok ngayon kasi nga nilalagnat pa siya, pero kaninang umaga nung pumasok ako sa kwarto niya eh sinat nalang daw. Tapos nagmumupilit pang pumasok, sabi ko ikokopya ko nalang siya ng lectures, bait ko noh? Sus, minsan lang toh kaya magdiwang na kayo!

Bored na bored naman ako sa klase, maliban sa sobrang lakas ng ulan ay wala rin akong kadaldalan, wala akong iniinis. Eh sino pa ba ? Ede si Stephanie!!! Bakit pa kasi nagkasakit yun? Feeling ko tuloy ang tahimik ng mundo ko, pero arghhh! Bakit parang nakakamiss din yung kakulitan nun. Ay mali. Erase erase... Nakakamiss siyang inisin, yun yown!

Nag-lunch break naman at etong si Geoff eh kanina pa ko iniinis na kesyo tinatamlay daw ako dahil wala si Steff. Sus never mangyayari yun!

"Yieeee, si Nathan namimiss si Steff." isa nalang babatukan ko na 'tong si Geoff, parang bakla eh. Kanina pa ko iniinis. Tinaas ko naman yung fist ko at nilakihan siya ng mata, hahaha nahawa ata ako sa ginagawa ni Steff pag nagagalit, lalaki yung mata ng ganto O.O hahaha.

"Hoy Nathan mukha kang natatatawa diyan na ewan. Yung totoo pre, naka-drugs ka ba?" loko 'tong si Kristoff kung anu-ano pinagsasabi, upukan ko na kaya? XD

"LUL! Mukha mo! Naalala ko lang si Steff pag nagagalit eh lumalaki yung mata hahaha." tapos tinuloy ko nalang yung pagkain ko. Teka, bakit hindi nakikitawa yung dalawa kaya naman nilingon ko. At paglingon ko...

"Anyare sa inyo?" nagulat talaga ako, nakangiti kasi ng nakakaloko yung dalawa. Yun bang pang-asong ulol. Lakas ng trip eh, sila ata naka-drugs.

"Iyan pala ang hindi namimiss si Steff?" tapos tumawa na naman itong si Kristoff.

"Pre, nagbibinata ka na hah. Huwag kang mag-alala suportado kita para sa pinsan ko." tapos tinapik ako ni Geoff sa balikat. Seriously anong problema ng mga toh?

"Geoff sinasabi mo? Tsaka anong suportado? Pinsan mo ? Huh? " naguguluhan ako sa pinagsasabi ng mga toh. Gulong-gulo na nga ako kung maayos na ba si Steff ngayon tapos kung anu-ano pa pagsasabi ng mga toh. Ininom ko naman yung juice ko.

"Alam ko namang may lihim kang pagtingin kay Steff eh, huwag kang mag-alala di ko sasabihin sa kanya kahit na pinsan ko siya." tapos inakbayan pa niya ko.

"ASDFGHJKL PROBLEMA MO?! AKO?? MAGKAKAGUSTO DUN?? SUS HINDING-HINDI MANGYAYARI YUN. Hindi talaga. Malabong-malabo. Kaya kayong dalawa tumitigil-tigil kayo dahil hindi talaga. Kahit 5% wala, wag kayong masyadong makulit. Tsaka yun? Magugustuhan ko? HINDI TALAGA. Hindi siya pasado sa standards ng gusto ko sa isang babae. Hindi naman siya ganun kaganda tapos ang ingay ingay pa. Masyado pang crybaby. Hindi rin naman siya mabait sa akin. Tapos di siya katulad nung mga babae na conscious sa katawan at pala-ayos kahit mukha na siyang bruha. MGA PARE HINDI TALAGA! KAYA TUMIGIL KAYO WAH!" tinaas ko yung tinidor ko

"Tsaka yung mga tingin ninyo na yan, nakakakilabot! Sinabi ko wala akong gusto sa kanya kaya tumigil na kayo. Hindi ko talaga siya gusto. Promise" tapos kumain na ulit ako, hmmm. Iingitin ko si Steff kasi ang sarap ng pancake, for sure maiinggit yun, di kasi siya pwedeng kumain ng ganto kasi nga may sakit siya. BWAHAHAHA >:)

"Eh bakit defensive ka masyado?"

"Eh syemp- -"

"May gusto ka talaga sa pinsan ko noh.. "

"Wala - - "

"Huwag ka mag-deny, suportado ka namin bro..."

"Pinagsasa- - "

Finally Found Him (Under Renovation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon