Chapter 23: When things gone crazy (Part 2)

100 2 2
                                    

Part 2: My Treat?! >.<

>STEPHANIE'S POV<

( O_O ) Lahat ng kaklase ko ganyan ang reaksyon nung pumasok kami ni Nathan sa room, bukod kasi sa late kami ay naka-PE uniform pa ko. Tapos magkasabay pa kami kaya 'yan mga naninibago, alam ninyo naman diba? We're like dog and cat.. tsaka tubig at langis.

"Yieeeee, san kayo galing hah? Nag-date siguro kayo noh?" Srsly, parang gusto ko nang lamunin ako ng lupa..kasi naman mismong adviser namin nakiki-usisa din eh. Ghad ano ba naman 'tong pinasok ko? Buti nalang pala ako lang ang natapunan kundi kung anu-ano naman pag-iisipin ng mga toh.

"O-oy hindi ah! Nagpalit lang ako kaya ako nalate! Ewan ko dito sa kasama kung bakit.." tapos tumungo ako, kahiya eh nakatingin lahat sa amin .

"Kasama mo?! Yieeee, magkasama talaga kayo noh?"

"Shhhh.. class quiet! You may now sit down, Steff and Nathan." buti naman, akala ko makikisama na naman si ma'am sa panunukso eh.

"So Steff, could you please explain to us kung bakit kayo magkasama? And oh, date should be done after class, okay? " WAAAAA, MALI AKO! Sinabi na nga ba kakonchaba ni ma'am yung mga kaklase ko eh.. ayan nagtawanan na naman sila =___=

"Ma'am naman eh." yan lang nasabi ko, pati kasi siya tumatawa. Ghad!

"Hahahaha o sige sige, di na ko makikielam sa inyo." hayy salamat. "Alam ko namang sikreto lang yang kung ano namang namamagitan sa inyo eh." Huwaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! ANUBAYAN?! "Joke. Oy namumula kayo oh. Anyway, let's go back to our lesson. bla bla bla bla." 1 word, NAKAKAHIYA! Promise! Tinutukso na naman ako dito sa ermitanyo na 'toh, duhhh!

Nagpatuloy lang naman ang klase buti nga't nakapagfocus ako at mataas din nakuha ko sa quiz kaso may mas mataas sa akin ng 1 point. Gosh, bwiset 'tong Nathan na toh eh. First time na may nakataas sakin sa Physics, di naman sa pagmamayabang.

Tapos dun sa SocStud, gosh. First time din na may kumontra dun sa opinion ko. Nagkaroon pa tuloy ng debate about RHBill , pro kasi ako tapos siya anti. Nagpalitan lang kami ng sides tapos si sir naman eh tuwang-tuwa =___= Like, anong nakakatuwa? Eh nakakainis nga.

Last period na ngayon at yun ay P.E., natanong pa nga ako kung bakit daw ako naka-PE uniform samantalang discussion lang naman daw at sinabi ko naman yung totoo na nadumihan yung uniform ko except dun sa parts na kasama si Nathan. Buti kumbinsado naman si ma'am dun sa dahilan ko.

**KRIIIIING! KRIIIIIING!**

Yessss! Bell na! Gusto ko na umuwi eh, gosh.

"Hep, hep, hep! Wala munang uuwi!" nandun naman si Tintin sa may pinto at nakaharang siya, wala daw munang uuwi. Eh gusto ko na >___<

"Ano na naman bang announcement mo hah Christine?" dry kong tanong.

"Eh kasi sa Saturday na yung birthday namin ni kambal! Tapos sa Friday yung celebration, actually between friday and saturday kasi sleep-over yun. Slumber party kumbaga, so mag-pa-alam na kayoooooo! Masaya yun, sa beach resort namin gaganapin atsaka lahat invited! Hope you'll come, okay vavuuuu na!" naghiyawan naman sila, pano mahilig sa mga party eh.

"Vavuuuu!" response nung kaklase naming bakla, choss :"> Right, may kambal si Tintin at yun ay si Christian, kabaliktaran nga yan ni Tintin eh. Kung gaano siya katahimik ganun naman kaingay si Tin, kaya minsan magtataka ka talaga kung kambal sila.

Hayyy, makapunta nga muna ng mall. Bibili ako ng gift, nagbago na isip ko. Papalabas na ko ng room ng bigla akong hinigit ni Nathan.

"T-teka Nathan! Ano ba?! Saan mo ba ko dadalhin, hahhhh?!!!" pinipilit ko namang tanggalin yung pagkakahawak niya sa wrist kaso masyadong mahigpit eh. "OYYYY!!!" sigaw ako ng sigaw kaso parang di ako naririnig, ang alam ko lang andito na ko sa kotse ko.

Finally Found Him (Under Renovation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon