Fletcher's P.O.V
nang magising ako ay naligo ako at bumaba para kumain,nang matapos ay pumasok na ako at tulad nang dati at may nahihimatay,nag lalaway,
natutulala,bumabati,kinikilig,nagagwapuhan,nag lakad ako sa hallway habang naka pasok ang dalawang kamay sa bulsa ko,"fletcher!"sigaw nang pamilyar na boses kaya napalingon ako sa likod at nakita ko si ashanti na natakbo papuntang gawi ko at parang nag slow motion ang lahat pati ang pag takbo nya,ang ngiti nya sa kanyang mga labi ay kakaiba para sa akin at ang kanyang bagong gupit na buhok ay napaka ganda dahil sa bagsak ito at nakalugay kaya once na tumakbo sya ay nag ba-bounce ito,nang makalapit sya sa akin ay nakatitig parin ako sa mukha nya..
"Good morning"nakangiti nyang sabi at sa loob-looban ko ay 'napakaganda nya ngayon,"hoy! kinakausap kita,"biglang sabi nya upang bumalik ako sa ulirat,
"H-Ha? Ano?"tanong ko sakanya
"sabi ko good morning ay oo nga pala may napansin ka bang bago sa akin?"
excited na tanong nya"yan oh buhok mo bagong gupit,"turo ko sa buhok nya na dati ay hanggang bewang at ngayon ay hanggang kili-kili nalang at sobrang ganda nya dun.."ang ganda mo,"
"hahaha i know right matagal na,"
natatawang sabi nya sa akin,"tara na baka tumulo pa laway mo,"sabi nya at natawa naman ako at dumeretso na kaming room at umupo na sa upuan namin,"hi ashanti you look so pretty,"bati ni jojo yung classmate naming lalaki,
"i know.."nakangiting sabi nitong si ashanti at umalis na si jojo
"hi ashanti you look so beautiful,"bati naman sa kanya ni Cardo(Ang probinsyano charot hahahah)
"thank you,"nakangiti namang sabi nitong ni ashanti at nag taka naman ako sa sarili ko kung bakit ako nakikinig sakanila kaya nalumbaba ako at tumingin sa katabi kong bintana.
'you look so gorgeous ashanti sa loob man o sa labas,'napangiti ako sa nasabi ko sa isip ko..'bakit ka ba nangiti?' ewan ko e 'kinikilig ka ba?' ewan ko din e 'ang landi mo' wow ah ako pa e ikaw tong nag iisip ng ganyan ikaw ang utak kaya kinikilig ako sa mga naiisip mong gunggong ka,
napakamot ako sa kabaliwang pinag gagawa ko sa isip at sa puso ko pinag aaway ko pa sila HAHAHHAHA!
"wala daw si miss santillan at si mister piltanyo"sabi sa akin ni ashanti para mapatingin ako sakanya at ayun nanaman ang kanyang magandang mukha sa paningin ko! Shit anong nangyayari sa akin?! wait! teka! hala! baka,baka,baka(meeeemeee)wala lang charot lang syempre..
napatingin ako muli sa mukha nya at napaka ganda talaga nun sa paningin ko,nang makapag recess kami ay hindi nawala ang maganda nyang mukha sa paningin ko at mas lalo yung gumaganda,nang makapunta kami sa room ay nandun na si miss yung teacher namin sa P.E kaya umupo na kami agad,
"so ngayon ay may exercise tayo so mag palit na kayo ng P.E uniforms nyo go"utos ni miss at nag palit na nga kaming lahat at dumeretso sa sports area at nasa field na kami,
"so tatakbo lang kayo ayun lang para masaya,"sabi ni ma'am at nag simula na kaming tumakbo at katabi ko si ashanti,maya-maya pa ay napalingon ako sakanya at nakita ko ang pawis na bumababa sa kanyang leeg na nanggaling sa kanyang sintido at ang aking dibdib ay bigla nalang tumibok nang malakas sa hindi inaasahang pag kakataon,tumingin muli ako sa daan at tumakbo parin kami pero kada minuto ay napapatingin ako sakanya kahit hindi ko gustuhin ay parang may napilit na tignan ko sya,nang matapos naming tumakbo ay tinipon muli kami ni miss at hindi ko alam kung bakit dalawa ang P.E day namin basta hindi ko alam..
"magaling at sa ngayon ay may ipapagawa ako sainyo at medyo mahihirapan ang girls dito, ito ay larong basketball kaya humanda na kayo,"sabi ni miss at sinimula na nga namin ang laro hindi ko ka team si ashanti at sa ibang team sya,nang nasa amin ang bola ay mabilis ko iyong na ishoot at ang nakakalamang ay kami at nang nasa kalagitnaan na kami nang laro ay napunta sakanila ang bola at nagulat ako nang si ashanti ang nag shoot nun! maya-maya pa ay nakakalamang na sila at last ten second nalang dalawang shoot pa yun at panalo kami dahil same score na kami ngayon kaya kailangan na namin yung ishoot nang tama,nang nasa harapan ko si ashanti at sya ang may hawak nang bola at ako naman ang naatasang aagaw nun,at nagulat ako sa ginawa nya! pinalusot nya ang bola sa mga binti kong nakabuka at kinuha yun nang makapunta sya sa likod ko at mabilis nya iyong naishoot!
YOU ARE READING
BORN TO BE YOURS (COMPLETED)
Teen FictionMeet Fletcher Gael Fernandez and Ashanti Phoenix Bautista.. Are you ready to read their story?