Chapter 17: Love 2

126 2 0
                                    

Ashanti's P.O.V

"may kapatid ka ba?"tanong ko habang naka sandal sa pasemano..

"wala e,only child"nakangiti nyang sagot

"ahh lonely boy ka ano?"

"hindi naman.."

"mag kwento ka nga ng buhay mo amboring e.."natatawa kong sabi at natawa rin sya,yung ngiting yun ngayon ko lang nakita,napaka gandang ngiti.

"si daddy ko diba namatay nung 9 years old lang ako,then yung mommy ko ceo sa kompanya namin,minsan nag tatampo ako sakanya pero ngayon hindi na kase para sa akin din yun,ay oo may kikwento ako sayo,nung bata ako sumakay ako sa bike na dalawa lang yung gulong,tapos syempre nung una na babalanse ko pa pero yung sa pababa na kase yung dating tinitirhan  namin may parang bundok dun e dun ko naisipang may bike,e ako si bobo umandar na tapos nag derederetso ako hanggang sa hindi ko mahinto yung bike kase sobrang bilis- ng tibok ng puso ko sayo"natatawa nyang sabi at natawa rin ako! takte! yung tawa nya ngayon ko lang nakita na ganyan kaganda,ganyan kasarap tignan,marinig...

'hoy ano bang nangyayari sayo!'

"gagi ka.."natatawa kong sabi

"joke! hahahahha! ikaw kayo lang ba ni ate mo yung mag kapatid?"tanong nya

"oo kaming dalawa lang bakit gusto mo bang sumama?"

"ayoko sa kapatid,sa asawa pwede ako ahahahha"biro nya pero parang kinilig ako..

"takte ka!"sigaw ko at hinabol sya sa buong rooftop..sa bawat takbo,bawat halakhak,bawat ngiti..parang may nararamdaman akong kakaiba sa aking pakiramdam na ngayon ko lang naramdaman,parang ang sarap titigan ng titigan nang mga ngiti nya,ang sarap pakinggan nang mga tawa nya..huminto kami sa dulo nang rooftop at hingal na hingal kami,napatingin ako sa mukha nya at ang sarap titigan nun..

'hoooyy ano bangggg nangggyayariii sayooooo!'

Iniwas ko ang tingin ko sakanya.

"bakit?"biglang tanong nya

"wala lang hinihingal kase ako.."pag sisinungaling ko..pumunta ako kay ate.."ate may tatanong ako bilis sa baba.."sabi ko at tumayo naman sya

"ahh guys dito muna kayo ah may gagawin lang kami."nakangiting paalam ni ate at bumaba na kami.."ano ba yun?"tanong nya

"hindi ko alam kung ano yung nararamdaman ko.."malayo ang tingin na sabi ko

"ha? bakit? ano ba?"

"parang may iba sa akin e..parang ang sarap titigan ng mga ngiti nya ang sarap marinig sa tenga ng mga tawa nya pero hindi ko alam kung bakit?"

"hahhahah! ay nadale na!"sigaw nya

"ha? nadale?"

"nadale na..in-love-ka-na"natatawang sagot nya.

"what the? inlove?! hindi ah!"

"sussss hindi mo kase alam ang pakiramdan ano!"

"ano bang pakiramdam?"

"yang nararamdaman mo ang pakiramdam.."

"yung nararamdaman ko ngayon?"

"oo,maniwala ka man sa hindi oo!"

"e bakit naninigaw ka?"

"hahhahaha ang hina mo kase e..bahala ka na nga dyan pumunta ka sa kwarto mo matulog ka sabihin mo sa sarili mo baka panaginip lang.."natatawa nyang sabi at umakyat ulet sa rooftop,ako naman ay pumuntang kwarto ko at sinubsob ang mukha sa unan!

"ahhhhhhh!"sigaw ko at hinampas hampas yung unan..

'ano ba...ano ba to? in love? yuck! hindi! ayoko! pero..in love ba talaga ako? or nagagandahan lang ako sa ngiti nya at tawa? hindi e kapag nakikita ko naman yung tawa at ngiti nya dati wala lang sa akin pero ngayon meron,may pakiramdam na ngayon ko lang naramdaman..in love? totoo ba yun? hayyss! ano ba! in love ba talaga ako? sakanya pa? bakit? paano? saang paraan? hayss! baka nga...'

"IN LOVE AKO?!"patanong na sigaw ko at sinipa sipa ang dingding ko.."haaaaaaaa! ano ba yannnn!"

'in love ako??? takte!'

Seranda's P.O.V

"hahahaha nadale na.."natatawa kong bulong kay john

"nadale?"tanong nya

"nadale na si kapatid.."natatawa kong sagot

"you mean na in love?"tanong nya

"oo nainlove.."bulong ko

"ay nadale nga.."natatawang bulong nya..

"hahahaha nako,nako..mababaliw yun kakaisip.."

"hay nako.."

"gusto nila ang isat-isa..mga bobo"natatawa kong sabi..

"hhaahahahhaha naks! parang tayo lang.."

"anong parang?"

"parang tayo..diba ganun din tayo"

"ha?"tanong ko

"hatdog seranda,hatdog.."inis na sabi nya at tumingin sa malayo..

"hala sya hahahah hindi ko kase maintindihan.."sabi ko

"e di wow.."

"hala sya,mukha kang tang baliw.."natatawa kong sabi at hinampas sya sa balikat

"oh diba nananakit pa.."nakatingin parin sa malayong sabi nya

"hala sya,dito ka nga"sabi ko at hinila yung braso pero iniiwas nya,"hala talaga,uy gagi joke yun.."natatawa kong sabi at hinampas ulet yung braso nya..

"oh diba inulit pa."sabi nya kaya hinalikan ko sya sa pisnge at bigla syang humarap nang walang ekspresyon ang mukha nya."parang tanga ang bobo.."kinikilig na sabi nya at hinalikan ako sa noo..

"takte kinilig,oh,oh bakit parang basa na ata yung pantalon mo?"pang-aasar ko sakanya.."pero joke,hahahhaha"
sabi ko at yumakap sakanya..

"I love you.."sabi nya

"love you too.."

"bat kulang?"

"ayaw mo?"masungit na tanong ko at ngumiti lang sya nang napakalaki.

'parang tanga amputek.'

"wag kang mag pacute johnderyn."sabi ko..

"hindi ako cute ok? gwapo ako,gwa-po."

"ang kapal ng mukha mo ano?"tanong ko at humiwalay sa yakap nya.

"hahahahah hindi kaya,"sagot nya

"oh,nasan si fletcher?"tanong ko at bumaba kami sa baba alangan naman sa taas kami bumaba diba?

"fletcher?"tawag ni john sa pangalan nya..

"fletcher..."tawag ko rin sakanya

"ay guys sorry naihi kase ako."biglang sulpot nya galing sa cr.."hindi pa ba nabalik si ashanti?"tanong nya at umupo sa sofa

"matutulog daw sya"pag sisinungaling ko at umupo sa single sofa,tumabi naman sa akin si john.."uuwi ka na ba?"tanong ko sakanya

"oo sana e,mag papaalam lang sana ako sakanya kaso tulog sya diba.."nakangiti nyang sabi at tumayo."salamat sainyo,una na ako"nakangiti nyang sabi at tinapik yung balikat ni john at umalis na,

"ako rin aalis na rin ako,"nakangiting paalam ni john sa akin at humalik sa pisnge ko.

"aalis ka na agad?"tanong ko

"oo e,sorry kailangan ko na talagang umalis.."nakangiti nyang sabi at hinalikan muli ang aking pisnge at umalis na,ako naman ay nag hugas nang plato nang nakasimangot,
umakyat nang hagdan nang nakasimangot,humiga sa kama ko nang naka simangot,natulog nang nakasimangot..

~sa susunod muli~

BORN TO BE YOURS (COMPLETED)Where stories live. Discover now