Fletcher's P.O.V
Dumaan ang limang araw na walang ashanti sa tabi ko,hindi ko nakikita,
hindi ko na ririnig ang boses,hindi ko nayayakap at hindi ko rin nahahalikan,hindi na din ako kumakain,naliligo o kaya nakikipag usap sa kanila,bababa lang ako kapag may bisita na ako ko ay si ashanti..*knock..knock..knock*
"anak please lumabas ka naman dyan,nag mamakaawa ako sayo.."
tumayo ako at binuksan ang pinto..
"oh my god.."sabi nya at tinignan ang mukha ko.."ano hang nangyayari sayo? bakit ka nag kaka ganyan?!"
"nandyan ba si ashanti?"
"ha? hindi ka naman nag sabi na pupunta sya.."
"umalis na kayo.."sabi ko at sinara ang pinto,humiga ako..
'gusto kong makita si ashanti..'
*kring..kring-*
"hello?"sagot ko
"anak,please bumaba ka muna..may bisita ka.."sabi nya at napa tayo naman agad ako.."maligo ka muna"
sabi nya at binaba na ang tawag,agad akong naligo at bumaba.."nasa labas ang bisita mo.."sabi nya at agad akong lumabas,wala akong nakita kaya pumunta ako sa garden at nakita ko si ashanti na naka upo habang naka halukipkip.."ashanti.."sabi ko at lumapit,ngunit hindi pa ako nakaka lapit ay tumayo na sya at nag lakad papunta sa akin..
"kamusta.."tanong nya
"ikaw..kamusta ka?"tanong ko
"ikaw ang tinatanong ko.."malamig ang boses na sabi nya..
"hindi.."sagot ko at agad syang napa tingin sa akin.."hindi ako ok,kase hindi ka rin ok.."
"may sinabi ba akong hindi ako ok?"
"sorry,let me explain please.."
"e di mag explain ka,"sabi nya at umupo sa upuan dun,kaya tumabi ako sa kanya at kinuwento lahat-lahat.."alam kong may mali rin ako,kaya kung hindi mo ako mapapatawad ayos lang.."sabi ko
"may isa pa akong tanong na hindi mo nasasagot.."sabi nya
"ano yun?"tanong ko
"masarap ba?"
"ashanti naman.."
"nag bibiro lang ako,siguro kahit alam ko na ang lahat ng nangyari hindi ko parin masisisi ang sarili kong may galit parin sa puso ko,siguro bigyan mo ako ng oras para mawala yun.."
sabi nya at tumayo.."ashanti.."tawag ko sa kanya
"hmmm.."
"siguro naman,mahal mo pa rin ako"
"wala naman akong sinabing hindi"
"siguro naman,tayo pa rin diba"
"kung gusto mong bumitaw,bumitaw ka.."
"ayoko,ayoko ashanti.."sabi ko at tumayo sa tabi nya.."im so sorry"
"alam mo,madaling mag patawad pero mahirap alisin yung sakit na dinulot nun.."malungkot ang mga matang sabi nya.."kahit ano pang sorry mo,kung ayaw naman tanggapin ng puso't isip ko,hindi ko maiintindihan yun,kaya wag kang mag sorry ng mag sorry.."
"ashanti gusto kong mag sorry sa mga ginawa ko,alam kong mali rin ako.."
"pareho kayong mali,pareho kayong ginusto yun,pero isa lang ang patatawarin ko sa inyo at ikaw yun.."
naka ngiti nyang sabi at tumulo naman ang luha ko,agad nyang pinunasan yun at hinawakan ang dalawa kong pisnge.."ayokong umiiyak ka,dahil parang nadudurog din yung puso ko.."naka ngiti nyang sabi at lumuha na rin.."sorry din kase hindi kita tinawagan,kase nag isip pa ako.."umiiyak na sabi nya kaya niyakap ko sya agad.."ang rupok ko diba."natatawang sabi nya..
YOU ARE READING
BORN TO BE YOURS (COMPLETED)
Genç KurguMeet Fletcher Gael Fernandez and Ashanti Phoenix Bautista.. Are you ready to read their story?