Ashanti's P.O.V
"ayos na ba lahat ng gamit nyo? i check nyo baka may nakalimutan kayo ah.."nakangiting sabi ni mommy
"wala na po.."sagot namin..
"paparating na raw si mang kalo.."
sabi ni daddy,napatingin naman ako sa wall clock at 4 nang madaling araw pa lang,nang makarating si mang kalo ay pumunta na agad kami sa airport at naka sakay naman agad kami,
natulog ako dahil inaantok pa talaga ako at ang aga pa namin nagising.."ashanti..ashanti."nagising ako dahil may umuuga sa akin.
"bakit?"tanong ko
"kumain muna daw tayo mahaba haba pa ang byahe..."sabi ni fletcher kaya kumain na kami at nawala bigla ang antok ko nang makainom ako nang kape.."kamusta tulog?"
"ok naman ikaw? natulog ka ba?"
"oo kakagising ko lang din ginising ako ni tita para gisingin ka.."
"ahhh,"sagot ko,nang matapos naming kumain ay natulog ulet ako.
maya-maya pa ay nagising ulet ako dahil may gumigising sa akin.."ashanti nandito na tayo.."gising sa akin ni mommy kaya tumayo na ako at bumaba na kami sa eroplano,
sobrang kulang ko sa tulog,kaya pati sa sasakyan ay natulog din ako,nang makarating kami sa bahay ay umakayat agad ako sa kwarto ko at natulog dahil inaantok talaga akoFletcher's P.O.V
"mauuna na po ako"nakangiti kong sabi kila tita at tito
"ah sige hijo mag iingat ka dyan"nakangiting sabi ni tita at nag mano ako sa kanila bago ako umalis,pag karating ko sa bahay ay nandun sa sala si mommy,humalik ako sa pisnge nya
"mom busy ka?"tanong ko
"hmm sobra ang sakit na nga ng batok at likod ko e"sagot nya
"ahh mag pahinga muna kayo,ako na gagawa muna nyan"
"talaga? ay sus,nako sige salamat"
nakangiting sabi nya at pumasok na
sa kwarto nya,ako naman ay sinimulan nang gawin yun kahit pagod rin ako at inaantok,nang matapos ko ang isang daang hinayupak na papel na akala ko ay bente lang ay umakyat na ako sa kwarto at nag pahinga,nang magising ako ay bumaba ako at kumain,
umakyat din agad ako para maligo..Seranda's P.O.V
pag kapasok ko sa kwarto ko ay natulog agad ako dahil pagod ako at puyat,nang magising ako ay naligo ako at lumabas nang kwarto,nakita ko naman sila mommy na nasa dining at nag luluto si daddy..
"wow ngayon ka na lang ulet nag luto daddy ah"nakangiti kong sabi at umupo sa upuan..
"sus dapat kase ay ako ang pinapaluto nyo para matikman nyo kung gaano kasarap ang luto ko.."nakangiti nyang sagot at natawa naman si mommy
"itlog nga lang sunog e"sagot ni mommy at natawa ako
"grabe daddy pati itlog nasusunog?"
"sinungaling yang mommy mo wag kang maniniwala dyan,masarap akong mag luto kaya nga na in love sa akin yan e"sagot nito
"mommy totoo?"
"ay hindi ako ang magaling mag luto sya ang patay na patay sa akin noon"
"daddy ikaw daw e.."
"ay sus sino ang mas paniniwalaan mo?"tanong nya
"syempre po si mommy"natatawang sagot ko
"oh diba,"sabi ni mommy
"kamusta naman kayo ni john?"
"ok naman po dad.."
"talaga? ako sobrang saya ko nung sinagot na ni ashanti yang si fletcher dahil mabait talaga ang batang yun.."
"mukhang mabait naman talaga"sabi ni mommy
"mabait po talaga yun"sagot ko
"mukhang seryoso pa,"
"kayo po ba dad ano yung mga binigay nyo kay mommy nung nililigawan nyo pa lang sya?"
"hmmm,hindi ako nag bigay ng chocolate kase madaling matunaw,binigay ko teddy bear,flowers,letter,ganun.."
"talaga dad? mommy ano pong naramdaman mo nun?"
"syempre kinilig ako,lahat naman tayo e kikiligin dun ano,tapos yung lola at lolo mo botong boto sa kanya dahil marunong syang makisama at mabait pa.."
"talaga po? wow naman,"sagot ko
"bakit hindi nyo ako sinasali ah"
biglang sulpot ni ashanti.."ay nandyan na pala ang may boyfriend"natatawang sabi ko
"kamusta kayo ni fletcher anak?"
"ok naman po kami dad.."
"ashanti kwento mo nga sa akin anong na feel mo yung sinagot mo si fletcher?"tanong ko
"syempre sobrang saya.."
"yun lang?"
"kinikilig,lahat ng nararamdaman ng isang babae kapag sinagot nila yung lalaking gusto nila yun yung naramdaman ko.."sagot nya
"ahhh"tanging sabi ko lang..
"kaya ikaw seranda kung ayaw mong mawalan ng nobyo e wag mong awayin ng awayin.."sabi ni mom
"HAHAHAHAH!"malakas na tawa ni ashanti kaya binatukan ko sya
"seranda.."saway ni dad sa akin
"hindi naman po kase sya nag sasabi"sabi ko sakanila
"ay sabi nga diba na lowbat lang"sabi ni ashanti
"e di dapat nakitawag sya"
"alam mo kase seranda may mga bagay na kailangan mo talagang intindihin,malay mo yung tumawag ka e natae yung tao paano mang hihiram ng telepono iyon?"sabi ni mommy..
"oo nga seranda,dapat pinag iexplain mo muna yung tao bago mo awayin"
sabi naman ni daddy.."tignan mo kapag nag aaway kami ng daddy mo e nag iexplain muna kami para sa huli e wala ng tanong sa utak naming dalawa"
"oo nga po,alam ko naman pong mali ako,pero dapat po nanghiram pa rin sya pag katapos diba.."sabi ko
"hay nako mga kabataan talaga,ang hirap makaintindi,"
"ate bigyan mo ng isa pang phone para kapag nalowbat ang isa may extra pang isa"natatawang sabi ni ashanti
"e di wow,hindi ka ba nagagalit kay fletcher?"
"hindi,wala naman syang ginagawa para magalit ako"sagot nya
"sanaol,hahahahaha..alam mo wag mo na yang pakawalan dahil sobrang swerte mo na dyan.."
"sino ba ang nag sabing papakawalan ko sya? wala naman e.."sagot nya
"pilosopo ka"natatawa kong sabi..
"oh kakain na"sabi ni dad at nilapag sa lamesa ang sinigang na niluto nya
"hmmm,mukhang masarap ah"sabi ko
"hindi lang mukhang,masarap talaga"
"hahahahhaha wow naman daddy"
sabi ko at sinimulan na naming kumain.."hmm ang sarap nga""oh diba sabi ko sayo e"
"mommy masarap ang luto ni daddy"
"tiyamba lang iyan"natatawang sabi ni mommy kaya natawa naman kami
"aminin mo na kaseng masarap talaga akong mag luto"sabi ni dad
"tumigil ka"sabi ni mom at natawa nanaman kami,nang matapos naming kumain ay nanuod kami sa tv dahil wala namang gagawin at umuulan..
"grabe ang lakad ng ulan ngayon"sabi ko
"oo nga kaya nga hindi kami makalabas ng daddy mo e.."sabi ni mommy..
"sayang ang araw na ito.."si dad,
matapos naming manuod ay pumasok na rin ako sa kwarto dahil gusto ko pang matulog at sobrang aga pa naman..~sa susunod muli~
YOU ARE READING
BORN TO BE YOURS (COMPLETED)
Teen FictionMeet Fletcher Gael Fernandez and Ashanti Phoenix Bautista.. Are you ready to read their story?