Chapter 14: Outing day 2

124 2 0
                                    

Seranda's P.O.V

Nang magising ako ay nag bihis.

"ashanti gising na"gising ko kay ashanti habang inaalog sya,lumabas ako at nakita ko sa veranda si fletcher

"Kamusta ang tulog?"tanong ko sakanya habang nasa malayo ang tingin ko.

"Ok naman,nasan si ashanti?"tanong nya

"nasa loob pa ginigising ko kanina ayaw pa ata tumayo,gigising naman yun agad.."sagot ko

Kapansin pansin palagi kay fletcher na kapag nakikita nya si ashanti ay parang bituin ang kanyang mga mata nag niningning..

"gusto mo ba talaga yung kapatid ko?"tanong ko sakanya

"sa totoo lang,oo"nakangiti nyang sagot.."kaso natatakot ako na hindi nya ako gusto."

"bakit naman?"tanong ko

"wala lang,"sagot nya

"e bakit hindi mo ligawan?"tanong ko

"nahihiya kase ako,atsaka liligawan ko muna sila tita at tito,bago sya"nakangiting sabi nito

"alam mo,boto ako sayo kung maging kayo man"nakangiti kong sabi

"talaga?"tanong nya

"oo naman kase nakikita ko na seryoso ka sa kapatid ko,kase diba yung ibang lalaki hindi na nanliligaw sa magulang ng babae,yung babae agad yung liligawan nila,pero ikaw hindi uunahin mo yung parents bago yung anak.."nakangiti kong sabi.."ligawan mo sya,sigurado akong magiging kayo"sabi ko at tinapik yung balikat nya't pumasok sa kwarto..

"uy gising na.."gising ko muli kay ashanti at nagising naman ito at nag bihis.."tara na,dun na tayo sa baba kumain.."sabi ko at bumaba na kaming lahat,nang makababa ay kumain kami sa isang resto roon at nang matapos kumain ay naligo na kami sa dagat..

"grabe ang sarap maligo.."nakangiting sabi ni ashanti..nang matapos naming lumangoy-langoy ay pumunta muli kami sa mini bar para uminom at mawala ang lamig sa katawan..

"kuya isang moscato nga.."nakangiting sabi ko kay kuya bar tender,binigyan kami nito..

"salamat kuya.."nakangiting sabi ni ashanti at nilagok ang nilagay na wine sa kanya.."kuya ano yun?"turo ni ashanti nang black na bote..

"ah yan po ay arcadian.."nakangiting sagot naman ni kuya bar tender.

"ahh masarap ba yun kuya?"tanong nya

"oo maam,try nyo po"sabi ni kuya at binigyan naman sya sa baso.."maam matapang po yan"

"oh? talaga? nananapak ba?"natatawang sabi ni ashanti at nilagok ang nilagay ni kuya sa baso nya.."ahhh! isa pa kuya"

"ashanti enough"saway ko sakanya

"ate masarap promise"nakangiting sabi nya at nilagyan sya ulet ni kuya,"oh! grabe tapang!"

"kuya wag mo na syang lagyan.."nakangiti kong sabi kay kuya

"kuya last.."sabi pa ni ashanti..

"kuya wag na"sabi ko

"ate last hindi na ako mag iisa pa"sabi naman ni ashanti kaya sinenyasan ko si kuya na lagyan yung baso ni ashanti..

"ohhh! grabe.."sabi ni ashanti,tangina lasing agad,nakakatatlong lagok pa lang..

"fletcher.."tawag ko kay fletcher

"bakit?"tanong nya habang naka tingin parin kay ashanti

"alalayan mo yan,"sabi ko at tumayo't naunang mag lakad,sumunod naman ito at inalalayan si ashanti..

BORN TO BE YOURS (COMPLETED)Where stories live. Discover now