Chapter 9

159 1 0
                                    

Ashanti's P.O.V

Bumaba ako at kumain..

Wala nanaman sila mommy at daddy umuwi na sila sa state,kaya kami nanaman ni ate ang naiwan dito sa bahay..si ate naman ay wala dahil may work sya at hapon na nauwi..

Pag katapos kong kumain ay nanuod lang ulet ako at nag ayos sa bahay namin,sobrang laki nun kaya kahit nag simula ako sa sala ay pagod agad ako..umupo ako sa single sofa at pinatong ang paa sa mini table roon at itinapat sa akin ang bintelador..

"sobrang init..."sabi ko

*kring!kring!*

"hello?"sagot ko sa tawag na iyon

"ako to gaga.."sagot ni ate at natawa naman ako.."maya-maya uuwi na ako.."sabi nya

"oo sige bye.."nakangiti kong sabi at pinatay na iyon..nag linis ulet ako at nang matapos ay nag pahinga bago naligo..kasalukuyan akong nasa sala nang biglang may mag doorbell..

"May susi naman sya ah.."sabi ko nang akalain kong si ate yun..lumabas ako at sinilip kung sino yun at laking gulat ko nang si fletcher yun,binuksan ko ang gate at pumasok sya.."anong ginagawa mo dito?"tanong ko

"bisita lang,nandyan ba ang parents mo? may dala akong donuts.."nakangiti nyang sabi

"wala na kakauwi lang nila sa state,sige pasok ka.."nakangiti kong sabi at pumasok na kami sa loob.."lapag mo nalang jan sa lamesa yung dala mo.."sabi ko at dumeretso sa sala para manuod muli.."nasan ang mommy mo?"tanong ko

"Nasa bahay sya.."sagot nya at umupo sa tabi ko.."ano yan?"tanong nya

"Mahal kita.."sagot ko

"maha moko?"tanong nya at binatukan ko naman sya

"baliw, yung title kase yun.."natatawa kong sabi..

*Enggggkkkkk*

Napatingin ako sa pinto nang bumukas yun at bumungad si ate.

"Oh may bisita pala tayo.."nakangiti nyang sabi at lumapit sa amin.."kamusta?"tanong nya kay fletcher..

"Ok naman ikaw?"sagot nito

"ok rin,gusto mo bang kumain? mag luluto ako e.."

"Ayyy sige lang,may dala akong donuts akala ko kase nandito sila tita.."

"shala tita..jowa mo ba kapatid ko?"natatawang sabi ni ate..

"Gusto mo bang jowain ko?"tanong ni fletcher at kinurot ko sya sa tagiliran..

"Tara na nga dun..kumain tayo ng dala mong donuts.."sabi ko at pumunta naman kaming dining at kinain ang donut na dala nya..

"End na pala ng pasok nyo ano?"tanong ni ate at tumango naman kami.." dito ka na kumain fletcher.."sabi ni ate at pumuntang kusina para tignan ang nilulutong nilaga.."kamusta naman kayo?"tanong ni ate..

"Kami?"sabay naming tanong..

"Oo kayo.."sabi ni ate nang makabalik.." no i mean yung friendship nyo.."natatawang sabi nya

"ahh ok naman.."sagot ni fletcher..

"Oo nga ok naman e.."sagot ko

"Good,yung boyfriend ko kase bestfriend ko din sya noon hahaha nakakatawa lang isiping jowa ko na sya ngayon.."kwento nito

"talaga?"hindi makapaniwalang tanong ni fletcher

"hhahahaha hindi ka ba naniniwala?"tanong ni ate sakanya

"Hindi naman,nag tatanong lang ako"

"sa ganda kong ito? hindi ka naniniwala? ay sus,baka malabo na ang iyong mata patingin ka na sa eo.."natatawa nyang sabi..

"hindi kase sya makapaniwalang mag kakajowa ka hahahahhaha!"pang aasar ko at pinalo naman ni ate ang balikat ko..

"grabe ka sa akin ah..fletcher ganyan talaga yan pasensya kana.."

"its ok.."natatawang sabi nito

"sanay kana?"tanong ni ate

"yes,palaging ganyan yan.."

"wow palagi?"tanong ko

"oo hahaha alam mo ba seranda nag nakaw yan ng hali- hmmm!"hindi nya natuloy ang sasabihin nya nang takpan ko agad ang kanyang bunganga..

"hahahhaha ang bait mo ano.."natatawa kong sabi.."kapag sinabi mo yun sasapakin kita"bulong ko at tinanggal ang pag kakatakip nang kamay ko sa bunganga nya..

"ano yun?"tanong ni ate..

"yung niluluto mo raw sunog na.."natatawa kong sabi at tumayo naman sya para pumunta sa kusina.."subukan mo lang sabihin.."hamon ko kay fletcher..nang matapos ang niluluto ni ate ay kumain na kami at nang matapos naming kumain ay umuwi na din si fletcher..

"Gusto mo na ba sya?"biglang tanong ni ate habang nanunuod kami..

"ha? sino?"takang tanong ko

"si fletcher.."sagot nya

"hindi ah"sagot ko at ngumiti naman sya..

"iba kase yung ngiti mo e.."nakangiti nyang sabi

"iba? saan naman?"tanong ko

"kapag titignan mo sya kumikinang ang mga mata mo.."

"talaga?"

"oo,kapansin pansin din na masaya ka kahit inaasar ka na nya.."

"hindi naman ganun.."

"sign yun.."

"ng ano naman?"

"ng pag mamahal.."

"mahal agad?"

"ewan ko,hindi mo naman kase masasabi yan e,kase ngayon hindi mo pa maamin at makita,madama..siguro mga few days marirealize mo rin na gusto mo sya.."nakangiti nyang sabi

"ewan ko."sagot ko

"hindi mo pa kase alam yan sa una..sa susunod mo nalang makikita at mararamdaman na mahal mo pala sya"

"e kayo ni kuya john?"tanong ko

"kami parin naman..ganun din kase ako sakanya.."

"hindi mo alam na inlove kana?"

"oo naman,hindi ko kase agad nadama e..nung huli ko nalang nalaman.."

"gusto ka rin ba nya?"

"oo pareho kami.."

"ahh sanaol.."

"hahaha buang kang bata ka,pero malalaman mo rin yan pero sa ngayon ako ang unang mag susupport sainyo kapag nalaman nyong gusto nyo ang isat-isa..kitang kita kaya sa mga mata nyo.."

"hindi naman e.."

"akala mo lang kase hindi mo pa alam pero kapag nalaman mo dun mo maiintindihan ang sinasabi ko.."

"ahhh.."

"sige na matulog ka na ako na bahala rito.."nakangiti nyang sabi kaya umakyat na ako sa taas at natulog..

'akala mo lang kase hindi mo pa alam pero kapag nalaman mo dun mo maiintindihan ang sinasabi ko.." umulit muli yan sa aking isipin kaya natulog nalang ako dahil ang daming pumapasok sa isip ko at hindi ko alam kung bakit sya ang unang una..

'kitang kita kaya sa mga mata nyo..' umulit muli yan sa tenga ko kaya pinilit kong matulog! at nag tagumpay naman ako hehe..

~sa susunod muli~

BORN TO BE YOURS (COMPLETED)Where stories live. Discover now