Chapter 64: Painful truth

90 1 0
                                    

Fletcher's P.O.V

nang magising ako ay naligo agad ako dahil excited na akong pumunta kami ni mommy sa bahay nila ashanti,nang matapos kong maligo ay nag damit ako at tinawagan agad si ashanti..

"hello ashanti"masigla kong sabi

"hmm bakit?"tanong nya

"pupunta kami dyan ni mommy"
naka ngiti kong sabi..

"talaga? sakto walang gagawin sila mommy at daddy ngayon"

"talaga? e di good.."naka ngiti kong sabi..

"gusto mo bang kausapin si mom?"

"ikaw bahala"naka ngiti kong sabi

"hello hijo?"tinig ni tita

"hi po tita good morning,pupunta po kami ni mommy dyan"naka ngiti kong sabi..

"aba talaga? maganda sakto rin dahil wala kaming gagawin"masiglang sagot nito..

"opo salamat po"naka ngiti kong sabi

"oh sya bibigay ko na ito kay ashanti hihintayi kayo namin dito"

"sige po,"naka ngiti kong sagot

"hello sige na hihintayin ka namin dito"sabi ni ashanti..

"ok sige bye"naka ngiti kong sabi at pinatay na yun,bumaba ako at nakita ko agad si mommy na naka ngiti sa akin.."excited na po ako"naka ngiti kong sabi..

"oh sya tara na.."naka ngiti nyang sabi at lumabas na kami at sumakay sa kotse ko,nang makasakay kami ay pinaandar ko na yun agad.."mukhang excited ka talaga ah"

"opo kase po ma mimeet nyo na po yung parents nung girlfriend ko"

"hahaha talaga? feeling ko tuloy sobrang babait nila.."

"totoo po mom mabait po talaga sila"
naka ngiti kong sabi at ngumiti lang ito..

"na eexcite tuloy ako dahil dyan sa mga sinasabi mo"natatawang sabi nya

"hahaha nakaka excite po kase talaga"

"oo nga,"naka ngiti nyang sagot at nang makarating kami sa bahay nila ashanti ay bumaba na kami agad at nag doorbell,si ashanti ang nag bukas

"hi po tita"naka ngiti nitong sabi at nakipag beso kay mommy.."pasok po"

"salamat hija.."sabi ni mommy at pumasok na kami,"asan ang parents mo?"tanong ni mommy dahil wala kaming nadatnan sa sala..

"bumili lang po sila nang cake"
naka ngiting sagot ni ashanti"ay tita kapatid ko nga po pala si ate seranda"
pakilala nya kay seranda..

"nice to meet you hija"sabi ni mom

"kayo din po tita"naka ngiting sabi ni seranda at umupo na kami"may gusto po ba kayong inumin?"

"water lang"sagot ni mommy at pumunta naman si seranda sa kusina

"kamusta po kayo?"tanong ni ashanti

"ok naman,ikaw ba hija?"

"ok lang din po,sakto po ang dating nyo dahil wala din pong ginagawa sila mommy at daddy ngayon"naka ngiti nitong sabi..

"talaga? that's good.."naka ngiting sabi ni mommy,maya-maya pa ay may nag bukas nang pinto kaya tumayo kami ni mommy..

"nandito na-"bitin na sabi ni tita mommy ni ashanti,nanlaki ang mata nya nang makita si mommy kayanapa tingin ako kay mommy at nanlaki rin ang mata nya,nabitawan ni tita ang hawak na karton nang cake..

"e-esmeralda?"utal na sabi ni mom kay tita at nagulat ako dahil alam nya ang pangalan ni tita..

"s-sandy?"sabi naman ni tita,nagulat ako nang hawakan ni mommy ang kamay ko at hilahin palabas..

"mom wait bakit po?"takang tanong ko at binitawan nya naman ako nang nasa bandang gate na kami

"anak papaliwanag ko sayo kapag naka uwi na tayo"sabi ni mommy at lumabas at sumakay sa kotse,
sumunod naman ako at nag maneho

"mom sabihin nyo sa akin bakit ganun yung reaction nyo?"tanong ko

"kapag naka uwi na tayo mag papaliwanag ako.."sabi nya,nang makauwi kami ay nag mamadali syang umupo sa sofa kaya umupo na din ako..

"mom what is it? bakit ganun yung reaction nyong dalawa ni tita? bakit kilala nyo yung isat-isa?"tanong ko

"i think this is the time,kailangan ko ng sabihin sayo yung totoo..."umiiyak na sabi nya at nag taka ako..

"mom deretsuhin nyo na po ako"

"ok wait,"umiiyak na sabi nya
"kaibigan ko si esmeralda at si shantion ang asawa nya,mag kakaibigan kaming apat,si daddy mo at ako,close kaming lahat at tinuturing na namin ang isat-isa na mag kakapatid,pero sa isang iglap nag bago ang lahat,isang araw..nangutang ang daddy mo ng napaka laking halaga sa papa ni esmeralda which is lolo ni ashanti,kilalang mayaman ang pamilyang bautista dati at hanggang ngayon,dahil hindi nabayaran ng daddy mo ang perang inutang nya ipinapatay sya ni mont ang papa ni esmeralda,pero hindi pumayag sa esmeralda kaya si shan ang napag utusan na pumatay sa daddy mo,una nag dadalawang isip si shan na gawin yun pero tinakot sya ng papa ni esmeralda na papatayin ang una nilang anak na si seranda,takot na takot si shan nun,pumunta syang bar at pinuntahan sya ng daddy mo dun,nag kaalitan sila at dun napatay ni shan ang daddy mo,ang kinagagalit ko ay iniwan nya ang daddy mong nakabulagta dun,tapos iniwan nila akong nag luluksa sa daddy mo.."
umiiyak na paliwanag ni mommy at napa nganga ako dahil hindi ako maka paniwala sa mga sinabi nya..
"natatakot akong mag sumbong sa mga pulis dahil nag banta si mont na papatayin ka nila,kaya pinili kong manahimik,"umiiyak na sabi ni mom at napa yakap ako sa kanya.

"mom bakit ngayon nyo lang sinabi?"

"kase hindi ko kaya nun e"umiiyak na sagot nya.."nang hihina ako nun,hindi ko pa kase matanggap nun e,ayoko pang maniwala.."sabi nya at napa luha ako sa nag hahalong galit,inis,
awa..parang gusto kong gumanti pero hindi tama..

"mom parang ayokong maniwala.."

"kahit ako e,hindi ko kayang maniwala.."umiiyak na sagot nya,
umiyak lang ako at nang mawala na ang mga luha ko ay tumingin ako sa mga mata ni mommy.."nasasaktan pa din ako.."umiiyak na sabi nya

"ako din mommy"sagot ko,nang mapagod si mommy ay pumasok sya sa kwarto nya at alam kong naiyak sya,nang oras na yun at para akong lutang,nang mag gabi ay hindi ako naka tulog agad,naka tulala ako at hindi alam kung anong iniisip..

*kring..kring..kring-*

(Ashanti calling..)

binato ko ang cellphone ko sa pader at nabasag ito dahil sa lakas nang aking pag bato,humiga ako at unti unting tumutulo ang mga luha ko hanggang sa naka tulog na lang akong umiiyak

~sa susunod muli~

BORN TO BE YOURS (COMPLETED)Where stories live. Discover now