Chapter 65

87 1 0
                                    

Ashanti's P.O.V

Nang makaalis sila tita ay biglang napaupo si mommy sa sofa..

"mom ano pong nangyari?"tanong ko

"mom oh tubig"abot ni ate nang tubig at agad na ininom yun ni mommy

"ano pong bang nangyayari?"tanong ko at kinuwento nya ang lahat,sa pag utos sa kanya ni lolo na patayin ang papa ni fletcher at pag ayaw nya sa gustong gawin nito hanggang sa si daddy na ang pinagawa at kapag hindi nya nagawa yun ay papatayin si ate seranda hanggang sa nag kaalitan sila tito at daddy at dun napatay ni daddy si tito,matapos yun sabihin ni mommy at para akong lutang..

"paano nyo po yun nagawa?"
mangiyak ngiyak na tanong ko ka daddy.

"anak hindi ko ginusto yun"sagot nito at napa tayo naman ako at iiling iling na napa takbo papunta sa aking kwarto ni lock ko ang pinto at humiga sa kama,unti unting tumulo ang luha ko at tuluyan na akong umiyak,
tinawagan ko si fletcher ngunit hindi nya ito sinasagot,alam kong galit sya,naligo ako at hinayaan ko ang agos nang tubig na umagos sa aking mukha habang nahahaluan ito nang aking mga luha,napa upo ako sa sahig at umiyak,matapos kong maligo ay nag damit na agad ako at tumulala sa labas nang veranda,sinubukan kong tawagan si fletcher ngunit wala akong sagot na natanggap,dumaan ang lunes,martes,miyerkules,huwebes,
biyernes na walang fletcher na tumawag,hindi na ako nakakakain nang maayos,buti na lang ay hindi ako tinatamad na bumaba kaya nakakakain ako kahit unti lang,siguro dahin din sa nakwento nila mommy sa akin kaya ganto ako,masyadong magulo lahat hindi ko maintindihan,
gusto ko na lang umiyak nang umiyak kaso kapag umiyak ako walang magagawa ang mga luha kong matanggal ang sakit na nararamdaman ko,bumaba ako at nakita ko sila mommy at daddy sa dining kasama si ate,umupo ako at kumain na..

"anak.."sabi ni mommy

"po?"tanging sagot ko

"galit ka ba sa amin?"tanong nya

"hindi po.."maikling sagot ko dahil ayokong lumuha ay pigil na pigil ang aking imosyon,ayokong makita nila na ganun ako kaiyakin,nasasaktan ako dahil dun sa mga ginawa nila,para silang si lolo sa mga ginawa nila,si lolo na walang puso at kaluluwa,kung pumatay nang tao akala mo sya ang batas,wala naman syang karapatan na pumatay dahil wala syang karapatan pero bakit sya ganun? bakit sya napatay nang tao dahil lang sa utang at galit? bakit nya binabase sa galit ang pag patay kung pwede namang hindi na lang..
nagagalit ako kay lola dahil hindi nya kayang kontrolin si lolo,namatay na lang si lola na may galit sa puso nya,
mabait si lola at syang ikinasama ni lolo,sa unang tingin maamo ang mukha ni lolo pero sa loob nya mala dimonyong nag tatago sa dilim upang hindi makita nang sino man,buti na lang ay hindi ako lumaki sa poder nya dahil kung ganun ay baka demonyo na ako tulad nya..

"im sorry"sabi bigla ni daddy,hindi ako sumagot dahil ayokong mangarag ang boses ko kapag nag salita ako..
"ako yung mali,im sorry.."sabi nya at nangingilid na ang mga luha ko ngunit pilit ko itong pinipigil para hindi ako umiyak..

"anak,sorry dahil hindi ko napigilan ang lolo mo,sorry dahil ang hina hina kong babae,kase takot ako e,hindi sa masama ako pero mas pipiliin ko kayo kesa sa ibang tao dahil anak namin kayo,mahal namin kayo"sabi ni mom at tumulo ang isang luha ko at pinunasan ko agad yun kaya hindi nila nakita agad,kumain lang ako at nang matapos ay umakyat ako sa rooftop at umupo sa upuan dun,hindi ko na napigilang umiyak,pinunasan ko ang mga luha na nadaloy sa aking pisnge ngunit napapalitan ito nang bagong luhang nalabas sa aking mata

'bakit sila ganun?wala ba silang puso?'

pinunasan ko muli ang mga luha ko at tumingin sa langit..

"lola,bakit hindi pa nag bago si lolo?"
tanong ko at muli akong lumuha dahil dun,pinilit kong hindi humikbi dahil baka humagulgol ako dahil dun,
pinunasan ko ang mukha ko at bumaba na sa kwarto ko,nang mag gabi ay naligo ako at humiga sa kama ko,muli kong tinawagan si fletcher ngunit hindi nya ito sinasagot,umikit ako at may luhang pumatak sa mata ko,hindi ko na namalayang naka tulog na pala ako..

~sa susunod muli~

BORN TO BE YOURS (COMPLETED)Where stories live. Discover now