Ashanti's P.O.V
nang magising ako ay naligo ako at nag damit nang itim at nag pantalon nang itim,bumaba ako at kumain
"saan naman ang punta mo?"tanong ni ate sa akin..
"sa kaibigan ko lang.."sagot ko at lumabas at sumakay sa kotse kong itim,pumunta akong bahay nila fletcher at nag manman,maya-maya pa ay may isang kotseng pumarada at inaninag ko ang taong nasa loob nun at yung taong yun ay yung panget na nakita ko sa bahay ni lolo,bumaba ako sa kotse ko at pumuntang likod nang kotse nila at nagulat na lang ako nang bumaba sila kaya napa tago ako sa likuran,nang marinig kong sumara ang pinto ay tumingin ako at nanlaki ang mata ko nang makitang papalabas si fletcher sa bahay nila at papalapit naman sa kanya ang mga lalaking yun kaya dali-dali akong tumakbo at sa kamalas malasang pangyayari at sa akin tumama ang bala..
Fletcher's P.O.V
lumabas ako nang bahay para mag tapon nang basura at nagulat na lang ako nang pag harap ko ay may dalawang lalaking papalapit sa akin at nakita ko si ashanti na patakbo sa akin at naiputok sa kanya ang bala,
napahiga sya at tumakbo naman yung mga lalaking bumaril sa kanya,
kinandong ko sya at tinignan ang sugat nya."a-ashanti..ashanti wag kang bibitaw,mom!"sigaw ko"mom tumawag ka ng ambulansya!"sigaw ko pa ulet at lumabas si mommy
"omg! ashanti! ashanti! omg!"sabi nya at nilabas ang cellphone"hello yes,oo sige! bilis!"sigaw nya at lumapit sa akin..
"ashanti! ashanti!"sigaw ko at mangingiyak na ako.."ashanti please"
"k-kamusta k-ka?"hirap na sabi nya
"wait sino yun?"turo ni mom sa likod ko at nagulat ako nang makita si aldrick na naka higa na sa daan..
"si aldrick po yan mom!"sigaw ko at agad namang nilapitan yun ni mommy..
"a-anong n-nangyari kay a-aldrick?"
tanong ni ashanti at hirap na hirap na syang mag salita."shhhh wag kang mag salita"sabi ko
"k-kung s-sakali m-mang m-mamatay ako n-ngayon,a-alalahanin m-mong sa k-kabilang b-buhay ko,i-ikaw pa r-rin ang m-mamahalin ko.."hirap na hirap na sabi nya..
"shhhh ano ba wag kang mag salita ng ganyan"sabi ko
"t-tulad n-nga ng s-sinabi ko,k-kung s-sakaling m-mamatay ako n-ngayon,h-humanap ka ng t-taong m-mamahalin ka h-higit pa sa p-pag m-mamahal ko s-sayo"
"at kung sakali mang mamamatay ka ngayon,tandaan mong sasamahan kita"umiiyak na sabi ko at tuloy tuloy pa din ang mga dugong natatanggal sa kanya..
"m-mamahalin k-kita h-hanggang sa h-huli,p-paalam aking m-mahal.."sabi nya at pumikit na sya at may isang luhang tumulo sa kanyang pisnge..
"ashanti! ashanti! ashanti!"sigaw ko at niyakap sya..
*wing..wong..wing..wong..wing..*
napa tingin ako sa ambulansyang paparating,bumaba ang mga tao rito at nilagay sa stretcher si ashanti at sinunod si aldrick at napa isip ako kung paanong nandun si aldrick,sumakay ako sa kotse at sinama ko si mommy pumunta sa ospital at natawagan ko na din sila tita at tito..
"ashanti!"dinig kong sigaw ni tita at lumapit sa amin.."nasan si ashanti?"
"nasa operating room po sya tita"
sagot ko at napa upo sya sa upuan dun.."jusq po.."nasapo ni tita ang noo nya,
nagulat ako nang lumapit si mommy at hagurin ang likod ni tita at kahit si tita ay nagulat rin.."huminahon ka"naka ngiting sabi ni mommy at napa yakap si tita sa kanya.."shhhhh wag ka ng umiyak"
"im sorry sandy.."umiiyak na sabi ni tita..
"naka move on na ako.."
"im sorry.."sabi pa ulet ni tita at naki yakap naman si tito..
"im sorry talaga sandy ako ang may kasalanan.."sabi ni tito
"shhh ok na.."sabi ni mommy,lumabas ang doctor at lumapit ako agad..
"ano pong nangyari doc?"tanong ko
"stable na ang pasyente,swerte sya dahil hindi naubos ang dugo nya at naka survive sya.."naka ngiti nitong sabi at nasa tabi ko na sila tita..
"maraming salamat doc"sabi ni tita
"paano naman doc yung lalaki?"
tanong ni mommy at dun ko naalala si aldrick.."si aldrick po.."sabi ko
"si aldrick kasama!?"gulat na tanong ni tita
"nagulat din po ako na nandun sya"
sagot ko.."omg! shan tawagan mo ang parents ni aldrick bilis"sabi ni tita kay tito..
"ahh misis,kina lulungkot ko pero hindi po sya naka survive,mabilis pong nawala ang dugo nya at sa tagal nito ay hindi na po din sya naka hinga"sabi nung doctor at nagulat ako at napa atras
"hindi yan totoo,doc sabihin mo"
sabi ko habang tinuturo sya.."im sorry sir,mauuna na po ako"
sabi nung doctor at umalis na,
napaupo ako at nasapo ang ulo.."anak.."sabi ni mommy at niyakap ako,maya-maya pa ay dumating na ang parents ni aldrick at iyak sila nang iyak,dumating na din si charm at si seranda at si john..
"paano nangyari 'to"umiiyak na sabi ni tita ang mama ni aldrick,tumayo ito ay humalik sa anak,"mauuna na kami esmeralda,gagawin pa namin ang pag lilibing kay aldrick.."
"condolence sheela.."sabi ni tita at yumakap dito..
"thank you.."sabi ni tita at umalis na,naiwan naman si charm na umiiyak..
"bakit si kuya?"umiiyak na sabi nya
"shhhhh"sabi ni seranda at niyakap sya.."tama na.."sabi pa ulet nito..
Aldrick's P.O.V before he died
nakita kong napadaan ang kotse ni ashanti sa bahay at napansin kong parang nag mamadali sya kaya sumakay ako sa kotse ko at sinundan sya,pinark ko yun at nag hintay na lumabas sya sa kotse nya,may isang kotse na pumarada at dun sya bumaba sa kotse nya at lumapit sa likod nito,maya-maya pa ay bumukas ang pinto nang kotse at lumabas ang mga lalaki dun at nakita ko si fletcher na lumabas nang bahay at papalapit sa kanya ang mga lalaki na may hawak na baril,dalawa lamang ito..nagulat ako nang tumakbo si ashanti dun kaya tumakbo rin ako at saktong sabay putok nung dalawang lalaki kaya sa akin yung isa at kay ashanti yung isa,bumagsak ako at inaninag ang mga lalaki na tumakas na..nakita ko si ashanti na naka higa na at kandong kandong ni fletcher..
napa tingin ako sa langit at napa ngiti
'hi ashanti,kung sakaling katapusan ko na at mawala ako sa mundo,gusto ko lang sabihin na may mga memories tayong hindi ko malilimutan,yung pinapagalitan tayo nung teacher natin dati at pina labas tayo,alam ko iniwan kita pero bilib ako sayo dahil hindi ka sumuko at ako pa din ang bestfriend mo,isang bagay lang yung hindi ko pa nasasabi sayo kase nahihiya ako,gusto ko lang sabihin na mahal kita noon pa,
bumalik ako para sayo pero pag balik ko meron nang nag mamahal sayo,swerte nya kase may ashanti syang mapag mahal,
maalaga,mabait,maganda,
matalino..tandaan mo na mahal kita at kung papipiliin man ako ng bestfriend sa another life ko e ikaw pa rin ang pipiliin ko,mahal na mahal kita ashanti,nag mamahal aldrick'napa tingin ako kung saan naroroon si ashanti at may isang babaeng papalapit sa akin at unti unting nag dilim ang aking paningin..
~sa susunod muli~
YOU ARE READING
BORN TO BE YOURS (COMPLETED)
Teen FictionMeet Fletcher Gael Fernandez and Ashanti Phoenix Bautista.. Are you ready to read their story?