Fletcher's P.O.V
*twit twit twit twit*
Nagising ako sa huni ng ibon kaya tumayo agad ako at naligo. Pag katapos ay bumaba na ako para kumain
"Nasaan si Mom?" tanong ko kay Ate Mina ang katulong namin sa bahay, matagal na din sya dito halos nine years ata kaya ayun walang jowa..
"Umalis," sabi nya at hinanda na ang plato ko kaya umupo na ako't nag simulang kumain
"Nasaan po si Kuya Kaloy?" tanong ko habang na nguya, tumingin siya sa akin at ngumuso
"Nasa labas.." sagot nya tipid ah
"Tawagin nyo na po kumain na tayo," utos ko at tumango naman sya at umalis sheesh so cold
Si Kuya Kaloy ay driver namin, ako lang ang hindi nag papadrive dahil kaya ko naman ang sarili ko kaya si Mom lang palagi ang ipinag da-drive ni Kuya Kaloy
Maya-maya pa ay dumating na sila.
"Kain na po kayo," nakangiti kong sabi kaya umupo na sila
"Kamusta naman ang school mo hijo?" tanong ni Kuya Kaloy, ang edad nya ay nasa kwarenta na ata siguro?
"Ayun po okay pa naman 'di pa nabagsak.." biro ko at nag tawanan naman silang dalawa
"Buti hindi nababawasan 'yang kagwapuhan mo ano?" tanong nya
"Yes naman po sus ako pa? ako lang ata ang pinakagwapo sa mundo?"mayabang na sabi ko at tinawanan lang nila ako kala siguro nila nag bibiro ako..
Nang matapos kaming kumain ay umakyat ako sa kwarto ko para mag handa ng maka pasok na rin ako
Nag paalam lang ako kila Ate Mina at Kuya Kaloy at umalis na, nang makarating ako sa school ay nakangiti na silang lahat habang nag lalakad ako yung iba ay nahihimatay pa at nag lalaway joke!
"Hi fletcher you look really good," bati sa akin ni Gia ang palaging active sa lahat ng post ko sa social media yes naman
"You mean handsome?" nakangiti kong sabi at nag patuloy sa pag lalakad, maraming naka tingin at marami ring bumabati
Nang makarating ako sa room ay umupo agad ako at inilabas ang phone ko then I take a selfie and post it on my instagram update sa mga fans? joke
Maya-maya pa ay ang dami agad views, more than five thousand, tinignan ko ang mga comment na umabot sa four thousand ang dami ah?
[Comments]
Gia Alerto: Wow you look so handsome!
alam ko naman 'yun.. Alerto talaga oh
Sheena furlas: OMG! KING!
Joy piganso: uwuuuu!
Mary anne sinto: My everything 😫
ay sinto nga siya
Shion Miguel: bro you look so fine! 🔥
Josh Ferrer: miss you bro!
Read other comment..
Napangiti ako sa mga bumati sa akin, napaka gwapo ba naman ang nag post syempre sino ba naman ang mag i-snob nun 'di ba?
Nang pumasok si Miss Santillan ay tinago ko agad ang phone ko baka magalit si Ms. Sexy hehe
Si Ma'am yung tipo ng teacher na hindi mo aakalain na teacher, she's hot bro! long straight brown hair, mestiza and sobrang ganda ng mukha, matangos ang ilong at kissable lips oh come on
