Ashanti's P.O.V
"hindi ko nga kase alam e,paano?"tanong ko kay ate dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung in love ba talaga ako..
"hhahah alam mo ikain mo nalang yan,oh kutsara."abot nya sa akin nang kutsara at isang karapon nang peanut butter.."malalaman mo rin naman din yan e.."
"hindi ko alam,"tanging sagot ko
"kaya nga malalaman diba?"
sarkastikong sabi nya.."hayss,naguguluhan ako,kailangan ba talaga ng pag ibig sa buhay?"tanong ko
"hahahaha syempre kailangan din no,sino naman ang mag mamahal sayo bukod sa pamilya at si god syempre yung taong nakalaan para sayo,baka sya na yun no,hindi ka panga nag kaka boyfriend e puro puppy love lang HAHHAHAH!"
"oo nga,hindi ko pa nararanasang mag karoon ng seryosong relasyon at hindi ko pa rin nararamdaman yun."
"kaya nga pinaramdam na sayo ni god kase baka sya na nga"sagot nito
"baka.."sabi ko at kumain nang peanut butter.."nakakaasar kaya,hindi ako makatulog ng maayos kagabi.."
"bakit naman?"
"dahil sa mga sinabi mo! gumugulo sa utak kong matalino!"
"wow matali,e di kung matalino ka dapat naiintindihan mo yung mga sinasabi ko at hindi ka tanong ng tanong!"
"bobo ako sa pag-ibig ate! bobo!"sigaw ko at binatukan naman nya ako
"bobo pala ah, pag-ibig,pag-ibig,
pag-ibig..nako,nako,nako..pag-ibig nga talaga.."natatawa nyang sabi"paulit-ulit? kailangang paulit-ulitin?"asar na sabi ko at tumawa naman sya nang malakas.."tawang tawa amputek.."
"alam mo kase kapatid,isipin mo nalang minamahal mo yung taong hindi mo mahal noon kasarap pakinggan,ka sarap tignan,diba?"
"eh? ewan ko,"
"maaamin mo rin yan wag kang mag alala,masasabi mo rin sa sarili mo na gusto mo sya,"nakangiti nyang sabi at nilagok yung unting laman nang karapon nang peanut butter nya
'mag tae ka sana,joke'
umakyat ako sa kwarto at naligo,hapon nadin kaya sigurado akong nag luluto na si ate sa baba,
*kring..kring..kring-*
"what?"tanong ko
"bat gayet? hahahaha bakit pala bigla kang nawala kanina?"tanong sa akin ni fletcher,
"wala lang,inantok ako e"pag sisinungaling ko
"oo nga sabi ng ate mo.."sagot nya
"bat napatawag ka?"tanong ko
"kakamustahin ka.."sagot nya at kumalabog naman nang malakas yung dibdib ko! "hello?"
"ahh ahhaha ok naman kami.."
"e ikaw?"
"ok nga kami diba? kaya nga kami kase kasama na ako dun.."masungit na sagot ko sakanya
"hahahhah easy ka lang,bagang mo baka matanggal"natatawa nyang sabi,"nakakaistorbo ba ako? sige na bye-"
"wait,"sabi ko at hindi ko alam kung bakit biglang lumabas yun sa bibig ko
"bakit?"tanong nya
"mag check ka ng ilong baka may kulangot ka bye."sabi ko at pinatay na yung tawag.."hayss!"sabi ko at bumaba,at tama nga ako nag luluto na si ate..
"oh bakit ganyan yung itsura mo? mukha kang tinuka ng manok"natatawang sabi nya at hindi ko naman sya pinansin.."anong problema?"
"wala,"sagot ko
"gaga narinig kita,kulangot-kulangot ka pa dyan,ang tanga mo ano,dapat sinabi mo kumain ka na ba? naligo ka ba? ambantot mo e.."natatawa nyang sabi muli.
"nakakatawa?"masungit na tanong ko
"hahaha joke lang,hindi na kita tatanungin,baka daw sa sabado pumunta na sila mommy dito"
"talaga?"tanong ko
"oo sabi nila kanina sa akin tumawag sila.."sabi nya at pumasok sa kusina.."sabi ko nga bakit sa sabado pa,pwede naman sa lunes diba?"natatawang sabi nya
"bayaan mo nalang atleast pupunta diba? hanggang kailan naman sila?"tanong ko
"ewan e sana naman mag tagal.."
"oo nga,nakakapagod kayang pabalik-balik ka,"
"tama! sige na kain na tayo nagugutom na ako"sabi nya at kumain na nga kami,nang matapos ay nag excercise muna kami para maalis ang taba sa katawan,nang matapos ay nag pahinga lang nang unti at naligo na,bumaba ako para manuod pero nakita ko si ate na nakadress at mukhang aalis..
"Oh saan ang punta mo?"tanong ko
"may date kami ng kuya john mo,ikaw nalang muna ang mag bantay dito ah.."nakangiti nyang sabi at humalik sa pisnge ko at umalis na..ako naman ay nanuod nalang dahil wala naman akong gagawin.
Fletcher's P.O.V
*knock..knock..*
napatingin ako sa pinto nang may kumatok doon kaya binuksan ko yun at nakita ko si mommy kaya pinapasok ko agad sya..
"busy ka ba?"tanong ni mommy
"hindi naman po,wala naman pong pasok e.."natatawa kong sabi at umupo sa kama ko."bakit po?"
"sa tingin ko kahit unting kwento lang pwede na.."nakangiti nyang sabi at nag taka naman ako..
"anong kwento po? mom hindi na ako nag papakwento ng bed time story ha"
"hahaha no,tungkol sa daddy mo"seryosong sabi nya kaya napaseryso din ako.
"ano pong tungkol dun?"
"pwede bang unting kwento muna ang ikwento ko?"tanong nya
"oo naman mom.."nakangiti kong sabi
"sa totoo lang,apat kaming mag kakaibigan,dalawang babae at dalawang lalaki,yung isa e si mira,at yung isa yon,close kaming apat dahil tinuturing namin ang isat isa na mag kakapatid,nang gabing patayin ang daddy mo nakita sila sa cctv at may mga witness rin dun,tinanggi nila at wala naman masyadong witness kaya hindi tinuloy ang kaso at hinayaan na lang na namatay ang daddy mo,feeling ko pinag damutan ako ng diyos na makamit ang hustisya,nung araw din yun nawala sila,hindi ko sila matawagan,mahanap, hindi naman sa galit na galit ako pero bakit kailangan nilang umalis na hindi manlang alam ang kalagayan ko,hind manlang tinanong kung ok ba ako? kung nakakakain ba ako ng ayos? pero mas lalong nagalit ako dahil sa ginawa nilang yun,tinalikuran nila ako,na parang sinasabi nilang sila talaga ang gumawa nun sa papa mo.."umiiyak na sabi ni mommy.
"Mom shhh don't cry.."sabi ko at hinagod ang likod nya..
"ang sakit lang kasing isipin na,yung mga kaibigan mo tinalikuran ka na parang wala kayong pinag samahan.."umiiyak na sabi ni mommy at pati ako ay nasasaktan na,ayokong nakikita si mommy na nasasaktan at nahihirapan dahil para akong nakakunekta na sakanya,
"Shhhh..."
"mabait akong kaibigan,pero masama akong magalit, hindi ako gumanti pero yung galit ko nandito parin"turo nya sa kanyang dibdib.."yung sakit na naramdaman ko,para akong mamamatay dahil sa sakit nun,matatangap ko pa kung hindi sila umalis e,pero iniwan nila ako.."
"pabayaan mo mom,kapag nahanap ko sila ako mismo ang gaganti para kay daddy.."
"anak hindi kita pinalaki para gumanti sa mga may kasalanan,
pabayaan mo ang batas ang gumanti sakanila,"nakangiti nyang sabi at tumayo na para bang walang nangyari "sige na,matulog ka na"nakangiti nyang sabi at umalis na."e di magiging batas ako.."nakangiti kong sabi at humiga't natulog.
~sa susunod muli~
YOU ARE READING
BORN TO BE YOURS (COMPLETED)
Ficção AdolescenteMeet Fletcher Gael Fernandez and Ashanti Phoenix Bautista.. Are you ready to read their story?