1st Protection

1.8K 31 8
                                    

"CHIIIIBBBIIIII " rinig kong sigaw ni Ru san mula sa kanyang opisina. Napapikit nalang ako ng mariin dahil mukhang may ginawa na namang kabaliwan itong si Chibi, haaayyy, number one talaga yan sa pag gawa ng kalokohan pati ang kambal na si Yu san at Ru san ay hindi niya pinapatawad sa lahat ng kalokohan niya. haaayyy

'Katsumi!! In my office now!!!' Sabi ko na nga ba at ito na naman ang susunod na mangyayari.

'yunara, alam mo na!' Utos ko kay yunara at tumingin naman siya sa akin dahil naiintindihan na niya ang ibig kong sabihin. Nawala na siya pagkatapos ako naman ay naglakad na papunta sa opisina ni Ru san.

Pagbukas ko ng pintuan ay siyang dating namin ni Yunara hawak hawak si Chibi sa kanyang kwelyo sa kabilang kamay naman ay sina Riikan at Miyumi na nagpupumiglas pa. haayy sila na namang tatlo?? Maasahan talaga ang SS ni Yunara na Omnipresence lalo na sa ganitong pagkakataon.

"Kayong tatlo!!!!" Napatingin naman ako kay Ru san, nakakatakot talaga ang 'intolerable eyes' niya. Jeezz kinikilabutan ako. , ,
Lumapit siya kila Chibi at isa isang pinagbabatukan, halatang nangigigil si Ru san. "oww" rinig kong bulong nilang tatlo sabay himas sa kani kanilang batok. Si Yu san naman ay tawa lang ng tawa sa gilid. Tinitigan siya ni Ru san kaya naman natahimik siya, kahit siya natatakot kay Ru san.

"Katsumi" tawag niya sa akin. hindi ko alam ang ginawa nitong tatlong to para inisin na naman si Ru-san.

"Ikaw nang bahala sa kanilang tatlo" sabi ni Ru san at pumasok na sa kanyang kwarto.

"Haay, ang epic mo talaga Miyumi, bat di mo naramdaman si Yu-san!! Nahuli tuloy tayo!! You're so #EksEks talaga" Inis na sisi ni Riikan sa kanya.

"Anong ako, kung hindi ka kasi puro kabaliwan sana hindi tayo magtatagal!!" Balik naman sa kanya ni Miyumi at halatang nabubusit na din.

"Tumigil nga kayong dalawa!!! Hayaan niyo sa susunod gagawa tayo ng mas magandang paraan!! It's HashtagSoEksDii" sabi ni Chibi na nagnining ning pa ang mga mata. aba't nagpapLano pang umulit ang isang to!! talaga naman!!!

"Hoy, hoy hoy, anong sinasabi mo jan?? Dati mag isa ka lang ngayon nandadamay ka pa!! Ha! Ha! Ha! Bilis lakad!!!" Sabi ko sa kanya sabay nun ay pinipikot ko siya sa tenga habang naglalakad kami palabas ng office ni Ru-san.

"Aaahh---oooooww, katsumi-neechan masakit!!! Aray, aray!!" Daing naman nitong si Chibi. Si miyumi at Riikan naman ay hawak hawak ni Yunara.

Nakarating kami sa armory, bagong dating kasi ang mga weapon na binigay sa amin ng mga Senshins kaya kailangang ayusin ang mga ito.

"Ayan, dyan kayong tatlo. kailangang maiaayos niyo ang mga weapon na iyon. " Sabay turo sa sandamakmak na boxes sa gilid "kasabay noon ay kailangang linisin niyo ang buong armory pati na rin yung mga dating weapons dito ay kailangan niyong linisin at ayusin!! Naiintindihan niyo ba??" Paliwanag ko sa kanila. Nakita ko ang paglunok ni Miyumi at ni Riikan habang tinitignan ang kabuuan ng armory.

Hindi biro ang armory naming mga custos dahil isang primary key sa amin ang maayos at magandang mga weapon bukod pa sa mga SS namin. Kaya naman ingat na ingat kami at talagang minemaintain ang lugar na ito.

'Sigurado ka bang dito mo sila ilalagay?' Narinig ko ang Inner voice ni Yunara.

'Bakit hindi?? Mukhang magtatanda na sila dito' sabi ko naman sa kanya at ako naman ay natutuwa sa itsura ngayon nila Miyumi at Riikan. . . .

. . .
. . .
. . .
. . .
. . .
. . .
Wait!!! Miyumi at Riikan???

0o0
Napalingon naman ako sa gilid ko at ayun nga ang sinasabi ni Yunara. . . .

Iba nga pala ang pag iisip nito kaysa sa iba, at ayun nga naging universe ang mga mata niya dahil sa sobrang kinang ng mga mata niya habang nakatitig sa Armory

Custos                                       keep, fight, protect (Tantei High FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon