Nandito pa rin kami sa training room at naghihintay ng resulta ng pagpupulong ng mga Tribe Leaders, sana naman ay nagawan ni Chief Ru ng paraan.
"Katsumi, pinapatawag ka ni Chief Ru" sigaw ng isang custodian. Ramdam ko ang tingin ng buong Osusume Class sa akin. tumayo ako at nagsimulang maglakad papuntang office ni Chief Ru. feeling ko ay sobrang layo bigla ng office niya marahil dahil sa kaba at takot sa pwedeng mangyari sa isa sa kapamilya ko.
Sa haba ng paglalakabay ko ay nakarating din ako sa office niya. dahan dahan kong binuksan ang pintuan. Nakatayo na naman siya at nakatitig sa labas. Halata rin ang pagod sa kanya, isang bagay na hindi niya pinapahalata talaga pero ngayon mukhang hindi niya na iyon maitago.
"Chief Ru, ano pong nangyari sa meeting?" Matapang kong tanong sa kanya. Hindi ko na kasi kaya pa ang maghintay.
Yumuko siya at sandaling nanahimik. "bukas ay dadalhin siya sa Custodians of the Holy Land" malungkot niyang sabi.
"Ano po?? Custodians of the Holy Land??" Grabee naman bakit doon pa?? Tumango lang siya sa akin. Ang Custodians of the Holy Land ang pinakamataas na uri sa Custos. Ang Chief Custodian ang pinakaleader ng mga Custos pero wala siyang kapangyarihan over them. Parang separate state sila. sila ang pinakajurisdiction ng buong Erityian Race.
"Pero hindi niya kayang gawin yun Chief" may pagmamakaawa na sa tinig ko.
"Maraming nakakita, maraming saksi, maraming ebidensya. you know how this things work, Katsumi" paliwanag niya sa akin. Ano ito pati siya naniniwala na kayang gawin ni Chibi iyon.
"Pero walang motibo" dugtong niya. hindi ko alam ang irereact ko, ano bang gusto niyang mangyari?? Ano bang ipinupunto niya??
"Alam mo ba kung bakit ayaw kong maging isang Guro?" Tanong niya sa akin pero umiling lang ako kahit na hindi siya nakaharap sa akin. Wala kasing lumalabas na tinig sa lalamunan ko.
"A Good Teacher teaches his student.
A Better Teacher allows his students to learn
A Best Teacher shares his life with his student and a Great Teacher transfers his Life to his student.""I want to be a great teacher but I'm afraid na hindi ko magawa kaya naman hindi ko na ninais pang maging teacher" humarap siya sa akin at ngumiti.
"Nung dumating dito si Chibi, mas lalo akong natakot, takot akong dumating ang panahon na hindi ko siya maturuan, hindi ko siya matulungan, hindi ko siya madamayan, at hindi ko siya mabuhay"
"at ngayon ay dumating nga ang panahong iyon" napayuko na lamang siya "do you know the story behind the Lost Blood??" Umiling ako. Naupo naman siya sa table niya pero humarap siyang muli sa labas kaya naman nakatalikod siyang muli sa akin.
"Mukhang tama nga sila, kailangan nang ibalik ang History Class" at tumawa siya ng bahagya. "Kaya mo bang magtago ng isang sikreto, Katsumi??" Hindi ko naiintindihan pero tumango lang ako.
"4th Generation down Edda, ang erector ng Custos, ay sinilang si Lei lumaki siya under the shadow of his own brother si Keiji because Keiji is much powerful than Lei kahit na parehong pyrokinesis ang Sixth Sense nila. hanggang magkapamilya sila ay naging shadow si Lei pero nagkaroon ng sakit si Lei, isang sakit na walang lunas. marahil dahil sa inggit sa kanyang kapatid at uhaw sa kapangyarihan naging pyromaniac si Lei. Sa kadahilanang iyon ay nasunog niya ang maraming Custodians at Humdrums dahil din doon ay dinala siya sa Custodians of the Holy Land at pinarusahan ng kamatayan pati ang pamilya niya upang maiwasang maulit ang nangyari. sa panahon ding iyon ay isang kilalang bayani si Keiji kaya naman hiniling niya na iligtas ang anak ni Lei, pinayagan naman siya pero labingtatlong taon palang ang nakalilipas mula ngayon ay nangyari muli ang kinatatakutan ng lahat, si Yuriko ay nagkaroon din ng sakit katulad sa ninuno nila kaya naman pinarusahan ang buong pamilya nila pero natakas nila ang isang sanggol. Sa pamilya namin siya dinala dahil sa kaibigan ng magulang ko ang magulang niya bukod pa doon, kung titignan ang bloodline lahat ng may kakayahang may kinalaman sa apoy ay magkakakonektado. Ibig sabihin mula siya sa pamilyang pinanggalingan ko. Pero after 13years ay nangyari ito." Sabi niya at yumuko.
BINABASA MO ANG
Custos keep, fight, protect (Tantei High FanFiction)
RandomThis is a fanfiction of a fanfiction Wuuuttt??? Hahaha I just love these people