Nasa bundok kami ngayon, isang magandang lugar para magtago dahil sa malayo sa civilization plus maraming puno dito. Isang malaking mansion ang susugurin naming hideout. Marami din ang bantay sa loob ng bakod nila. mayroon din yung malaking tore para sa mga look outs. at lahat ng nanduon ay mga armado at nakakatakot ang itsura.
'Yunara, pumunta ka sa tore' malayo layo pa rin kami kaya hindi kami napapansin nung mga look outs nila. Buti nalang ay may special na gamit kami na binigay ng mga senshins kaya nasusubaybayan namin sila sa ganitong distansya.
Nakita ko naman ang paglabas na parang bula ni yunara. hinawakan niya sa ulo yung pinakamalapit sa kanya at insnap niya yun ng walang kahirap hirap. pagkatapos ay may hinampas lang siya sa may batok nung isa pa. susuntukin dapat nung pangatlo si Yunara pero walang kahirap hirap lang niya iyon iniwasan at pinalupot nito ang kamay nung humdrum patalikod at tinalian gamit ng isang parang computer cord at tinapalan ang bibig nito ng isang bote ng mineral water.
'Good Job, Osusume.' rinig kong sabi ni Ayuna-san. Nakita ko ang pag alis ni Yunara sa tore pero bumalik rin siya agad dala dala si Anzu. Mautak talaga tong si Yunara, dahil sa clairvoyance ni Anzu mas madali kung nasa taas nga siya. nawala naman ulit si Yunara.
Nakita ko ang paglakad ng isang team ng Custos Police at sumunod naman kami sa kanila.
Gumilid kami para hindi mapansin ng mga nasa loob. Halos wala pa ring ingay ang nangyayari pero sa mga isip namin ay sobrang ingay. through inner voices kasi ang comunication aside sa aming labing anim bale meron pang 5 na team ang Custos Police ngayon at per team ay mayroong nagmula dati sa Special section kaya naman may marunong gumamit ng inner voice sa kanila.
'South Team, on command!' sabi nung leader sa south team. kasama naman namin ngayon dito sa east wing yung isa pang grupo. napag alaman kong kasama nila Erena ngayon ang team ni Ayuna-san sa may north side, ang main door.
'East Team on command' sabi naman nung leader dito sa unahan namin.
'West team on command'
'Outer wing, on set!!' Sila yung mga nagbabantay parang mga look outs gaya nila Yunara.
'North wing, positioned' ready na ang lahat, naghahantay nalang kami ng unang atake.
'Anzu, coordinates ng mga bantay??!' Utos ni Ayuna-san.
'Pare pareho lang po ang dami ng bantay per gate, lahat sila may dalang armas at sa loob ay may tig iisang tangke.'
Wow, grabe naman yun parang kuta kapag may gyera ang hideout nila ahhh.
'Okay' sabi ni ayuna-san at nagbigay na siya ng transactions per team.
BOOOMM!!!Isang malakas na pagsabog ang narinig ng lahat with that agad na kumilos ang mga kasamahan naming Custos police papunta sa entrance sa East wing ng bahay.
May umakyat ng pader sa mga custos police samantalang yung iba ay sa deretso lang na naglalakad papuntang gate.
Makikita ang pagkagraceful sa bawat Custodians na nandito ngayon. We are trained to fight like this. At kung madudumihan ka o kahit ang suit mo lang ay talaga namang puro thrashtalks ang aabutin mo.
More than enhancing our SS ay tinuruan kaming gumamit ng weapons, makipaglaban ng mano mano at syempre tinuruan kaming bumasa ng galaw ng kalaban kaya naman mabilis namin naiiwasan at nabibigyan ng counter attack ang mga kalaban namin.
Nagkakagulo na sa labas ng mansion. Marami na ring naglabasan na mga humdrums na nagmula sa mansion. Narinig ko ang pagsabog ng isang tangke, yung tangke naman sa East wing ay pinagtutulungan pa rin ng mga Custos Police.

BINABASA MO ANG
Custos keep, fight, protect (Tantei High FanFiction)
De TodoThis is a fanfiction of a fanfiction Wuuuttt??? Hahaha I just love these people