5th Protection

286 14 5
                                    


Buti nalang at marunong akong lumanding haaay, bakit nga ba ang engot ko ngayong araw???

Pagkalanding naman namin ay agad kong hinatak yung my ari nung whip sa kamay ko, hindi naman niya yun expected kaya kinuha ko yung dagger ko sa paa at sinaksak iyon sa sa lalamunan niya. sinipa ko naman ng pagakalakas lakas yung sumunod kaya napabitiw ito sa whip at tuluyan nang lumipad

(A/N: tiiinnnngggggg ----> naalala ko lang po yung team rocket tuwing lumilipad after ng thunderbolt attack ni pikachu hahahaha)

Yung dalawa naman sa paa, ipinalupot ko yung whip nila sa paa ko at nagtumbling ako, sumama naman sila sa whip kaya ayun, lagpak sa lupa una ulo!!

At lastly yung whip sa bewang, binitawan niya naman agad yung whip at kumuha ng baril. Pumasok siya sa black dimension at lumabas sa ibang lugar. Loko to ako pa pinaglaruan gamit ang black dimension.

Pumikit ako at pinakiramdaman, iba kasi ang pakiramdam kapag may bumubukas na bllack dimension kaya naman nalalaman namin. Madaling basahin, lumabas siya sa may kanan ko at nagpaputok, iniwas ko naman yung ulo pakaliwa. Nawala ulit siya, Bumukas naman yun sa likod pero ang hindi niya inaasahan ay ang back kick ko bago pagkalitaw na pagkalitaw niya mula sa Black dimension. kaya ayun sapol panga, tulog!!!!!

Naglakad lakad ako at Napadpad ako sa parang isang gubat. Tumakbo ako ng tumakbo para makabalik . . .

perooooo wala hirap bumalik, Naman oohh!!!

Nagpalinga linga ako para mahanap ang tamang daan pero bakit iba ang nakikita ko???

Paanong?? Bakit nandito siya,

"Yu-san!!" Sigaw ko habang tumakbo patungo sa kanya. Yung kaninang nakangiting naglalakad na Yu ay napalitan ng isang gulat na gulat na Yu.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa akin. Teka parang mali??

"Huh?? Di ba ikaw dapat ang tinatanong ko??" Sagot ko naman sa kanya. "ouuchhh" sambit ko ng bigla niya akong kinutusan. anu ba yun!!

"Sumagot ka nalang bakit ka nandito??" Inis na sabi niya. Problema nito??
"Pinadala kami sa isang ambush operation sa shinigamis at dito yung site!!" Sabi ko habang hawak hawak yung ulo ko na kinutusan niya. Ang sakit aaahh

Natigilan naman si Kuya Yu at biglang nagtatakbo. Sinundan ko siya kung saan. Man siya pumunta. problema nun?? Narinig ko pa ang patuloy na pag mumura niya, kaya nahahahawa masyado si Riikan at Manami eeh, siya kasi ang may hawak sa mga class 1 na Osusume.

"Sh*t , sh*t , sh*t bakit dito pa!!! "Bulong niya sa sarili niya, nakarating naman kami sa isang parang bahay kubo dito sa gitna ng gubat.

Dere deretso siya sa isang bakod. May nakita akong isang babaeng humdrum.

"Celine!!!!" Lumingon naman sa kanya yung babaeng humdrum
"Yu!!" Tawag sa kanya nung babae, wait kilala niya si Yu-san??? Siguro Katsumi, tinawag nga ni Yu-san at tinawag naman niya!! Tingin mo??? Haaaayy!!! Bakit ba ganito gising ko ngayong araw???

"Kailangan mo nang umalis dito, ngayon na" sabi naman sa kanya ni Yu-san sabay hawak nito sa wrist nung Babae at hinihila ang huli.

"Huh?? Ano bang sinasabi mo, may sinaing pa ako sa loob" sambit nung babae at ayaw magpahila sa kanya.

"Kailangan mong makaalis dito, hayaan mo na yung sinaing mo!!" Inis na sabi ni Kuya yu.

"Aba Yu!!! Alam mo bang mahal ang bigas ngayon!?? At saka baka masunog ang bahay ko kapag iniwan ko yun!!" Inis namang balik nung babae. humarap si Yu-san sa kanya and first time kong marinig yung parang hopeless na nagmamakaawang boses ni Yu-san.

"Celine, Please, makinig ka muna sa akin. Kailangan nating umalis dito" sabi niya. hinawakan naman nung babae yung mukha ni Yu-san at inilagay ang noo niya sa noo nito.

"Yu, ano bang nangyayari?? May sakit ka ba?? " Lumayo naman yung Celine sa kanya at tinignan siyang mabuti. "Bakit namumula yung mata mo?? May sore eyes ka ba??" Natawa naman ako sa sinabi niya!! Hahaha sore eyes, epic yun aahh. Mukhang napansin naman niya ako kaya napatingin siya sa akin. Nagbow naman ako sa kanya.

"Sino siya!??" Tanong niya kay Yu-san

"Estudyante ko siya, please tara na!!" Pakiusap ni Yu-san

"Hindi mo pa ako sinasagot, may sore yes ka ba talaga?? At saka yung kasama mo naninilaw naman yung mata may hepa ba siya??" May pagaalala sa tono niya. nangiti na lamang si Yu-san sa mga sinabi nung babae. At ako ay nagpipigil ng tawa.

"No, we are not sick" sabi ni Yu-san at niyakap yung babaeng humdrum. "you don't have to worry about us. Mas importante ka ngayon at kailangan mong sumunod sa akin. Please!!"

Kaya lang napigil ang moment nila ng may naghagis ng isang kutsilyo, mabuti nalang at nasalo agad ni Yu-san iyon. Pero halata ang gulat dun sa humdrum. At nanlisik naman ang mata ni Yu-san

"Yu-san, umalis na kayo, ako nang bahala sa knaila" sabi ko at hinarangan sila.

Mukhang nag isip pa siya saglit bago muli magsalita. "Katsumi, maraming salamat. atsaka sana walang makakaalam nito." tumango lang ako sa kanya.

"Tayo na Celine!!" Aya ni Yu-san pero alangan pa rin yung babae.

"Nice to see you Celine-san, pero kailangan niyo na pong umalis" sabi ko and with that ay sumama na siya kay Yu-san.

Hinarap ko naman yung mga shinigamis na nakarating na dito at wala akong pinadaan. tatlo lang naman sila eeh.

Sinummon ko yung Twin gun ko at nagsimulang magpaputok kaya lang ay naiiwasan nila. I stomped my feet at lumikha yun ng isang lindol, na shocked naman sila at pinakikiramdaman yung lindol ginamit ko naman yun na chance at tumakbo ako palapit sa kanila, nang nakalapit na ako ay binaril ko yung isa sa ulo at ayun sapul. Sinunod ko yung isa pero nakaiwas siya, susuntukin niya ako pero yumuko ako at sinipa ang paa niya, na out of balance naman yung huli at binaril kasabay ng pagbagsak niya sa lupa. Sinipa naman ako nung natitira pero nasapo ko naman agad yun. Hinawakan nung isang kamay ko yung paa niya at sa may tuhod naman yung isang kamay ko at binaluktot ko iyon paharap. sumigaw siya sa sakit at siya nang binitawan ko. namimilipit na siya sa sakit kaya naman tinapos ko na.

Tumakbo ako upang hanapin muli yung mga kasama ko. Hindi ko na inalala sila Yu-san alam kong kayang kaya niya yun. buti nalang at may mga apoy yung mga kasama ko. nakakita kasi ako ng malaking usok kaya naman sinundan ko lang ang iyon at hindi nga ako nagkamali.

Bumalik ako sa mga kasama ko at ayun lumalaban pa rin sila sa mga shinigamis. Kaunti nalang ang mga shinigamis na nandito. pero ang hindi ko inaasahan ay ang pagliyab nung 3 Huntresses kasabay nung 5 Senshins. anong nangyayari??? Pero ang mas kinagulat ko ay ng makita ko siya na nakatitig sa kanila.

Jeezzzz no way!!!

CHIBI!!!!

--------------------

#UnforbiddenLove ni Kuya Yu!!!

Sore eyes o Hepa?? Natawa ako sa kabaliwan ko lol. xenxia na mababaw hahahahhaah

Sorry for wrong grammars and typo errors :)

Custos                                       keep, fight, protect (Tantei High FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon