3rd Protection

460 17 5
                                    

Paalam ko short story lang to pero nakaka3 chaps na ako wala pa sa main story haha, sorry CharmsLove. . . simulan na nga lol

-------------------------------------------

Lumabas ako sa van na sobrang gulat na gulat. Grabe muntik na pala akong mamatay, bukod pa doon ay kasama ko rin ang Osusume kung nagkataon ay baka patay na din kaming lahat.

Pumunta ako sa isang tent kung saan nanduon si Yunara. napag alaman ko na nag faint siya sa sobrang pag gamit niya ng kanyang SS. Siya kasi ang nagligtas sa amin kay Dozu kasama si Ru-san. Sa pagkakaalam ko ay hanggang 2 palang ang kaya niyang dalhin pero 4 kami tapos si Ru-san pa bale lima kami kaya naman nagfaint siya pagdating dito.

Papasok ba ako ng biglang lumabas si Zumi. may cast yung kanang braso niya.
"Ayos ka lang ba??" Tanong ko sa kanya.
"Oo, may dumating at tinulungan ako." tinitigan niya ako pero bakit parang may tinatago siya. "Muntik ka na daw mawalan ng kaluluwa, magpahinga ka na rin" sabi niya at tumalikod na sa akin.

Tama naman siya, dahil ang SS pala nung Dozu na yun ay kumuha ng kaluluwa. Grabe ano bang klaseng Ss yun, nakakatakot!!!

Pumasok na ako at nakita ko si Yunara na nakahiga at natutulog. "Kailangan lang niya ng pahinga, ikaw may kailangan ka ba??" Tanong sa akin nung Nurse dito. "wala po, gusto ko lang siyang kamustahin pero next time nalang siguro." sabi ko sa Nurse at lumabas nalang ulit.

Pinasakay na kami ng Van at tahimik kaming nakarating sa Academy. Sila na daw ang bahala sa mga humdrums na nahuli, yung shinigami naman na nahuli ko kanina ay pinatay ni Dozu. yung mga weapons naman na nasecure ay sineggregate nila yung pang humdrums saka yung weapons sa mga katulad namin. Ibibigay yung normal na weapons sa mga humdrum police tapos yung pangsa amin ay dadalhin daw sa city ng mga custos. Yung dalawa pang bossea ay nahuling tumatakas at ngayon ay nasa custody na ng mga humdrum police. Pinag pahinga muna kami kaya naman sa kanya kanyang kwarto kami nagsipunta. humiga ako sa kama para sana makatulog pero hindi ko magawa. naalala ko na naman ang mga matang iyon. Muntik na akong mamatay. Pero ang hindi ko makalimutan ay iyong binulong niya sa akin.

We will meet again when you're eyes are already burning

Anong ibig niyang sabihin doon?? Burning??
Tinry kong makatulog baka kasi marinig nila Chief Ru ang inner voice ko at hindi nga ako nagkamali dahil unti unting bumigat ang talukap ko.

********

"Neechan!!!!!!" Napabalikwas naman ako ng may sumigaw ng sobrang lakas. . .

"Sunog?? Sunog?? Nasaan ang sunog??" Tanong ko sa ma tao sa paligid.

"Huh? Anong sunog Neechan??" Nagtatakang tanong naman sa akin ni Momorin.

Panaginip, isang panaginip lang pala yun. Kinabahan ako masyado. Grabe naman kasing panaginip yun.

"Wala, pero bakit ka ba kasi sumisigaw" haaay napahawak naman ako sa ulo, ang sakit ng ulo ko.

"Eh bakit hindi neechan?? Malalate na kaya tayo!!!" Sigaw niyang muli sa akin at nameywang sa harap ako. Malalate bakit anong oras na ba??

7:50

WHAAAATTTTT???????

Shoot ten minutes na lang magtataym na!!! Iba pa naman si Sei-san sa mga late. . . . Arggghhh

Hindi ko alam kung pano ako nakaligo at nakapag ayos ng sobrang bilis. ang alam ko lang ay saktong 8:00 am ako nakarating dito sa classroom. halos kasunod ko lang si Sei-san kumakanta pa siya ng 'you belong with me' kanta yun ng favorite singer niya na isang humdrum si taylor swift alam ko nahawaan niya na si Onizuka dun eh, nawawala ang pagiging seener niyang si Onizuka tuwing nakakarinig nung tungkol sa humdrum na iyon.

Custos                                       keep, fight, protect (Tantei High FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon