10th Protection

288 17 1
                                        

We started to continue what Chibi has started. Pinapalitan niya ng mga bato yung mga devices sa box, may group sa amin kung saan pinagpapatuloy iyon, other team naman ay hinahanap yung traydor sa Senshin. yung iba ay mga scouts. hindi kasi namin alam kung sino ang kakampi sa kalaban, hindi rin namin alam kung kailan aatake yung mga shinigamis but the most important thing sa ngayon ay maitapon yung mga devices na ito. Hindi namin alam kung saan nilagay ni Chibi yung mga naitapon na niya pero yung sa amin ay napagkasunduan naming sa dagat itapon.

"Ooohh" sabi niya sabay abot ng isang bote ng tubig. Napalingon naman ako sa kanya.

"A, thanks" sabi ko sabay kuha nung tubig.
"Kamusta??" Tanong naman niya sa akin. to be honest yan ang pinaka ayaw kong tanong ngayon. Hindi ko kasi alam kung anong isasagot ko. I can't say im fine coz i'll be lying if ever but I can't say i'm not either because I don't want them to see me like that. Hopeless and weak.

"Don't worry" sabi niya, nagulat naman ako. siguro ganun nga kahalata sa akin. "kahit na pasaway at malakas ang tama sa utak nun ni Chibi, malakas siya. At si Ru-san, makakabalik siya, magtiwala lang tayo!!" Dagdag pa niya. Napayuko naman ako.

Pero ang kinagulat ko ay paglagay niya ng dalawang kamay niya sa magkabila kong pisnge at ang pagtaas niya ng ulo ko kaya naman yung mata ko ay titig na titig na sa kanya.

"Wag kang mawawalan ng pag-asa, sa oras na katulad ngayon ikaw ang pinaka kailangan hindi lang ni Chief Yu at Ru-san. Ikaw ang pinaka kailangan ng Custos" ano bang sinasabi niya sa totoo lang gustong gusto ko nang umiyak dahil sa mga nangyayari.

"nakita mo sila??" Tapos ay hinarap niya ako sa Osusume na tulong tulong sa pag aayos nung mga boxes. sila na nagkakatuwaan at sama samang nag tatrabaho para sa custos.

"kahit wala silang maayos na pahinga at nangangamba pa rin sila, totoo ang mga ngiti nila. Kahit mga bata sila ay patuloy silang lumalaban dahil alam nilang may pag-asa" tapos ay hinarap niya ako muli sa kanya

"ikaw ang leader ng pinakamalalakas na Custodian sa Azami. Sa iyo sila huhugot ng lakas at ikaw lang ang pinagkakatiwalaan nila ngayon lalo na't wala si Ru-san at walang magawa si chief Yu." Sa mga sinabi niya ay tuluyan na akong napaluha. Kaya ko ba?? Hanggang kailan?? Naramdaman ko ang isang balikat sa ulo ko at mga brasong nakapalibot sa mga balikat ko "Sa oras na bumitaw ka, lahat sila malalagas. Tandaan mo, we are the custos!!"

"Tama nee-chan!! Kaya natin ito" napabitaw naman ako kay Kaneki at tumingin sa likod kung saan nakatingin sa amin yung Osusume class na mga nakangiti. "Hindi tayo susuko para sa buong tribo ng Custos" sabi nila sa akin with matching taas pa ng kamay. Napangiti naman ako sa kanila. Kahit kasi ganito ang sitwasyon namin hinding hindi mo sila makikitang nawawalan ng kumpyansa at lakas ng loob.

"Katsumi!!" Dumating na sila Kuro. Yung grupo nila Kuro ang umaalam kung sino yung traydor sa Senshin.

"May hinala na kami kung sino ng traydor sa kanila." Tapos ay dumukot siya ng isang picture sa bulsa niya. "si Atsui. isa siya sa mga assisstant ni Shigeru, yung head ng R&D department ng Senshins. Isa siya sa nag invent nung teleportation device. kasama din siya sa pagdadala nun dito." paliwanag ni Kuro.

"Asan na siya ngayon?" Tanong ni Kaneki.
"Sinusundan siya ngayon ni Kenidaro, Anzu at Momo" sagot naman ni Kuro.

"Okay, kung ganon. tapos na rin kami dito. Yunara, pakidala na yung mga huling boxes"

"Yes neechan!!" Tapos ay tumakbo siya dun sa huling mga boxes at umalis na.

"Ngayon, kailangan nalang nati------BOOOOOOOMMMMMMM!!!!!!!" Napayuko kami lahat ng biglang may sumabog sa labas. Sh*t anong nangyayari.

Nakita ko ang pagtakbo ni Kuro sa may bintana.

"SH*T, may nasusunog sa gawi ng mga kulungan." sabi niya. Nagkakagulo na rin sa labas. mayroong sumisigaw at ang daming yabag na tumatakbo. Sumusugod na ba ang mga shinigamis?? Paano nangyari yun!! Naitapon na namin lahat.....

Custos                                       keep, fight, protect (Tantei High FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon