Yeeet, pumayag na si miss author purpleyhan hahaha
---------------------------------------------
Naghahanda kami ngayon para sa ambush operation ng shinigami. sabi kasi ng mga intel mula sa sa senshin ay may gustong kuhanin ang mga shinigami sa kanila, so what we are going to do ay kunwaring i tatatransport ito ng senshins kasama ang custos at huntress and we are expecting na kakagatin yun ng shinigamis. More than that ay wala namang specific na kailangan gawin.Pero to be honest masama ang pakiramdam ko about this. Haay ewan, feeling ko kasi ang cliche, parang super daling maisip na decoy lang ang gagawin namin. I mean bakit kailangan namin gawin tong operation na to, anu yun gusto lang nilang pumatay ng shinigamis?? Ganun na ba sila kadami at kailangan nang tapyasan!?? Haaay pero ewan ko yun ang napagusapan ng mga leader, ang pwede ko lang gawin ay ang sumunod. Sumang ayon na naman dun ang Chief namin kaya ok lang.
"Katsumi, I will not be around kaya naman ikaw nang bahala sa mga custodians na kasama niyo" si Chief habang nandito ako sa office niya ngayon. maya maya kasi ay pupunta kami ng Tantei High dahil nanduon yung iba pa.
"Yes, chief" sagot ko nalang.
"Nasa labas na yung mga kasama mo pati na rin yung pumalit sa akin" sabi niya at tumalikod na ako pero bago pa ako tuluyang makalabas ay nagsalita siyang muli.
"Katsumi! mag ingat kayong mabuti" tumaas naman ang balahibo ko sa sinabi niya. para talagang may mangyayari at sa tono ni Chief mukhang nararamdaman niya din iyon.
"Opo" sagot ko at tuluyan nang lumabas ng office ni chief Ru.
"Neechan!! Sigaw ni Miyako sa akin at kumakaway kaway pa. mukhang handa na sila aahh.. magaling kung ganun.
Lumapit ako patungo sa kinaroroonan nila. Kasama ko si Miyako, Kuro, Zumi at Chibi. lima kasi ang ni request ng Senshins.
Lumabas kami ng academy at tumuloy na palabas ng custos city. sumakay ng van at nagtuloy na sa Tantei High. pero parang may something. haaayy kanina pa ako naloloka sa something na yan. bakit parang yung mga kasama ko ay nakikisabay din kay something na yan!?! Panu ba naman kasi ang tahimik nila. well si Zumi talaga namang tahimik yan pero grabeng makatingin kay Chibi aah. si Kuro naman ayun tulog, si Miyako, nangungulit yan kanina pero pansin niya siguro walang pumapansin sa kanya kaya ayun natahimik ito. Si Chibi naman, mukhang malalim ang iniisip!! Marunong pala siya nun, puro kababawan kasi alam niyan eh. Sana pala sinama namin si Riikan at Anzu kahit papaano may mag iingay kahit dito lang sa Van tapos uwi rin sila. hahahaha
Nakarating kami sa Tantei High ng ganun lang, pumasok kami sa isang parang park then parang naging parang gubat then naging isang open space at ayun na nga ang napakalaking school na may malaking "TANTEI HIGH" na pangalan. may sumalubong naman sa aming mga taga senshin at dinala kami sa isang lugar kung saan nagtitipon tipon yung mga kasama sa operation mamaya. nandito na rin yung mga 5 Huntresses, I mean 4 na Huntress at isang Hunter. hindi ko alam na may lalaki pala sa tribo nila. pero pano nga naman sila dumadami kung walang lalaki, utak minsan Katsumi!! Haay. pero teka bakit Huntress ang pangalan di ba noun yun for Female genders?? Waaahhhhh nababaliw na ako -_______-
Binigay na nung Senshin Leader ang mangyayari. Bale 15 kami na magkakasama. sa Senshin, Chiriko, Machi Orohara, Namiko, Haibara at Yuki. Sa Huntress naman, Misaki, Isamu, Amira, Megurine at yung lalaki ay si Byakko. tapos sa aming Custos ay kaming lima obviously. hahahaha
Naghanda kami saglit para sa gagawin namin. Bali yung isang taga Senshin ang magdadala nung bagay na yun at kami ay bantay lang.
Pumasok kami dun sa parang gubat sa loob ng Tantei High at wala na kami sa boundaries nito. para kaming may kanya kanyang buhay dito. Yung mga Senhin ay nagsasaya at patuloy ang kwentuhan pero sila sila lang. yung mga Huntress naman ay anlalamig, well pysically and metaphorically,haha i mean ang cocold talaga nila at ang aaloof.
Halos isang oras na kaming naglalakad pero wala pa ring shinigami na nagpapakita, mukhang tama nga ako, madali talagang malamang decoy tong ginagawa namin. Umaangal na rin itong si Miyako at nagsusungit na rin si Kuro. Ang grumpy talaga nito. pero yung dalawa ay tahimik pa rin sa pinakalikod.
"Haay, ilang oras pa ba??" Tanong ni Miyako.
"hindi natin alam kung kelan susugod yung mga shinigami" sagot ni Kuro"Baka naman nalaman nilang decoy lang to" inis na balik ni Miyako
"Ewan, pero kung tatahimik ka baka hindi nila malaman" si Kuro at nagpatihuli na sa paglalakad at sumabay kila Zumi at Chibi.
Pero nagulat nalang ako ng biglang nasa harapan ko si Chibi at hawak hawak ang isang kutsilyo na nakatutok na mukha ko. Hinagis naman niya yun pabalik kung saan ito nanggaling at may bumagsak na isang nilalang na nakaitim.
Nakita ko naman ang pag atake ng mga Senshins at Huntress sa mga paparating na Shinigamis. Nakaharap naman sa likod yung mga kasama kong Custodian kaya lumingon na rin ako at ayun nga ang sandamakmak na Shinigami. parang ang OA naman ng atake nila para sa aming kinse. dahil as in ang dami talaga.
Sinugod ng mga shinigami ang mga kasama ko kaya naman nagkahiwa hiwalay kami. Kung sa mga Huntress ay nagsisipag yelo na ang mga kalaban sa amin naman ay nag aapoy. panu ba naman kasi si Zumi, Chibi at Miyako ba naman ang nandito. Kaya naman nagkakasunugan.
Inatake naman ako nung tatlong Shinigamis. mukhang mga lower class assassins lang ang mga ito dahil napakadali nilang kalabanin, walang kahirap hirap. Sinuntok ko yung isa sa mukha papunta sa lupa, sa lakas nun ay lumikha ito ng parang crack sa lupa.
Pero kahit ganun ay marami talaga sila.Sa pagod namin sa paglalakad kanina delikado kung kakalabanin namin silang lahat.
Napansin ko naman na marami sa Shinigamis ay malapit dun sa bangin. Hindi kasi sila makalapit dahil hinaharangan ni Katsumi ng apoy. Ginamit ko naman yun na chance para mabawasan yung mga kalaban namin. I stomped my foot on the ground, nag shake naman ito ng napakalakas kaya parang nagsitigil yung mga labanan pati na rin yung mga Huntress at Senhins at mukhang pinapakiramdaman yung pagyanig., pero sa mga kasama kong custodians ay magandang chance yun para umatake sa kalaban. Syempre tinuruan naman kaming gamitin ang SS ng isa in our advantage. kaya lang may black dimension nga pala sila kaya naman yung mga may utak ay nakaligtas sa amin habang yung mga nakakalimut na kaya nilang gumamit ng black dimension ay ayun deds sa amin. pero atleast kahit papaano ay nabawasan sila mg madami dami.
Nakalapit naman sa akin yung limang shinigami at sabay sabay na kumuha ng whip at tinarget sa akin. Yung dalawang whip ay nasa magkabila kong kamay, yung dalawa sa dalawang paa at yung isa ay para bewang ko.
Ipinulupot ko yung nasa paa ko sa kamay ko at umikot ikot ako. nadala naman yung limang may hawak ng whip sa ginagawa ko. Nung nakakuha na ako ng momentum ay i hinagis ko sila sa bangin pero ang pagkakamali kong lubos ay yung hindi ko natanggal yung mga nakapalupot sa akin kaya naman pati ako ay nadala papunta sa bangin sa lakas ng momentum nun.
WaaaaahHhhhh!!!!!!!!!!!!!!!
Utak Katsumi sa susunod, pleaseee pakidala!!!--------------------------------
Pasensya na po sa nadadamay na mga pangalan hahahaa :)Trivia: alam niyo bang naunang maisulat ang epilogue bago ito??? Hahaha ito ang last na ginawa ko. lol
Sorry for wrong grammars and typo errors :)
BINABASA MO ANG
Custos keep, fight, protect (Tantei High FanFiction)
RandomThis is a fanfiction of a fanfiction Wuuuttt??? Hahaha I just love these people