Parang sumabog naman ang utak ko sa nalaman namin. Maayos kaming nakabalik sa dorm, sumama na din sa amin si Kaneki at ngayon nga ay hinihintay namin ang team nila Kuro para sa mga information sa ambush site.
"Neechan" napatingin naman ako kay Riikan na halatang napuyat kagabi "ito iniwan ni Chibi neechan" at inabot sa akin ang isang notebook. Ano naman ito??
"Binigay niya yan sa akin nung nagpunta ako sa kanya nung nakakulong siya, ang sabi niya magagamit ko yan para iligtas ang custos tinry kong basahin pero ang pangit ng sulat niya hindi ko maintindihan" para iligtas ang custos?? Alam niya bang mangyayari ito?? At itong isang to, nakuha pang manlait, manang mana kay Chibi sa kagagahan. haaay
Lumapit naman sila sa akin at nakatingin na rin sa notebook na ito. Ito yung notebook niya sa klase ni Teacher Seriin. Binuksan ko yung unang pahina.
Personal Property of Me for the Class of Teacher Seriin
-ChibiLuks :)
Haay baliw talaga, buti alam niya 'Chibi Luka Luka', nagsitawanan naman tong mga kasama ko at pati rin ako.
Ang mga unang pahina ay parang isang plano, nakalagay na kasama si Miyumi at Riikan at kailangan nilang lagyan ng kung ano yung kwarto ni Chief Ru.
"Yan yung ginawa niyang plano noong nahuli kami ni Yu-san" kung ganoon ito pala yung mga ginagawa niya pag klase ni Teacher Seriin. marami pang mga plano ang nakalagay dito, lahat puro kalokohan lang niya, pero sa ika anim na page bago maging blanko ay nakadrawing yung device na binigay niya kay Kaneki. Meron ding sulat sa ibaba.
May bagong device sa armory galing sa Senshin, ang sabi sa manual kaya akong dalhin sa ibang user na may ganitong device. hindi ko sinasadyang gamitin yun. at nung nagamit ko ay nakarating ako sa isang mansyon, nakita ako ni Katsumi-neechan tapos ay nakita ko rin sila Zumi, wala akong magawa kundi tulungan siya kaya naman nakita niya rin ako. pero bakit doon ako dinala?? Sa pagkakaalam ko hindi pa naman ito ginagamit ng mga Custos dahil bagong dating lang ang mga ito.
Nilipat ko yung page.
Pinuntahan ko Si Kenkoy para suriin yung device. ginamit ko ulit yun at napunta naman ako sa lugar ng mga humdrums, nakita kong hinahabol ng mga humdrums yung dalawang shinigamis. Bakit naman ako dinala nito dito, sa pagkakaalam ko ay bawal gamitin ng mga humdrums ang gamit namin. baka naman. . .
Nilipat ko ulit yung page
Napag aralan na ni Kenkoy yung device sabi niya para daw iyong black dimension ng mga shinigamis. Sinabi ko sa kanya yung mga napuntahan ko lalo na yung huli kung saan nakarating ako sa base ng mga shinigamis. Grabe sobrang takot ko nung narinig ko ang pinaguusapan ng ilan. Hindi ko masyadong naintindihan dahil sa takot at agad akong bumalik pero may something about sa pagpasok nila sa isang portal at ambush.
Oh geezz, Kaneki said na kayang gawing portal yung mga device, ibig sabihin dito nila balak lumabas, I think they are going to ambush Custos pero ayaw akong paniwalaan ni Kenkoy. Kailangan kong maitapon yung mga yun.
Nangangalahati na ako, ang dami masyado nakakpagod. pero until now, iniisip ko pa rin kung bakit binigay ito ng Senshin sa amin. Baka naman may spy sa kanila. Ipapadala kami bukas sa isang ambush case kasama ang Huntress at Senshins malalaman ko bukas kung ano yung totoo.
At yung pinakahuling sulat
May traydor sa Senshins.
Walang nagsasalit sa amin pagkatapos basahin yung notebook ni Chibi. May traydor sa Senshin, pero sino?? Aambushin ang Custos pero kailan??
Nagulat ang lahat ng biglang bumukas ang pinto, sila Kuro, nakabalik na sila.
"Oh, bakit ganyan ang mga itsura niyo" bati niya sa amin.
BINABASA MO ANG
Custos keep, fight, protect (Tantei High FanFiction)
RandomThis is a fanfiction of a fanfiction Wuuuttt??? Hahaha I just love these people