6th Protection

260 16 0
                                    


Dinala nila si Chibi sa isang lugar sa academy kung saan binabantayan siya ng 2 huntress, 2 Senshins at 2 custodians. Hindi pumayag si Chief Ru na ipasok si Chibi sa isang kulungan dahil hindi pa nga napaptunayan na siya ang gumawa noon. though maraming saksi.

Pinayagan naman kaming pumasok at bisitahin si Chibi kaya lang ay dalawa lang kaming pinapasok. Ako at si Kuro

"Chibi" pag agaw ko ng pansin niya dahil nakatingin siya sa bintana na nakatalikod sa amin. pag harap niya ay kitang kita mo ang patuloy na pag agos ng kanyang mga luha. Sumasakit ang puso ko, isa siya sa mga alaga ko, pero wala akong magawa para sa kanya. Marahil ay ganito rin ang nasa isip ni Ru-san kahit naman kasi mahigpit siya at nakakatakot madalas ay alam kong higit ang pagmamahal niya sa aming lahat at napatunayan ko yun nung nakaharap namin si Dozu.

Lumapit siya sa amin "Alam mong hindi ko kayang gawin yun Neechan" sabi ni Chibi habang patuloy na umiiyak at alam ko sa puso't isip ko na hindi niya nga kayang gawin kung ano man ang ibinibintang sa kanya. pero anong gagawin ko when all the odds point at her. At ang masama wala akong magawa kundi ang maawa lang sa kanya.

"Wag kang mag alala, ilalabas kita rito, pangako" sabi naman ni Kuro sa kanya. Hindi ko alam kung saan humugot si Kuro ng lakas ng loob para sabihin yun sa kanya dahil kung may balak magtakas sa kanya siguradong hindi papayag ang ibang tribe kung magkakataon ay baka mahati hati rin kami. And the worst part ay baka magkaroon ng guera sa pagitan namin.

Yumakap lang sa akin si Chibi at patuloy na umiiyak. "wag kang mag alala, hindi ka namin pababayaan, pati si Chief Ru tutulungan ka niya" pag aalo ko naman sa kanya.

"Tandaan mo nasa likod mo ang buong Osusume" dagdag naman ni Kuro at hinimas din ang ulo ni Chibi.

"Neechan" tumingin siya sa akin."si Riikan, alagaan mo siya, baka mag alala siya sa akin ng husto, saka baka kung anong gawin nung isang yun, hindi pa naman siya madalas nag iisip, baka magaya siya sa akin" lumaki si Chibi na ulila kaya naman labis ang pagmamahal niya sa Osusume Class, sabi niya noon sa akin ay hanggat may poprotektahan siyang mga mahal sa buhay ay patuloy siyang mabubuhay. at kahit nga siya ang nasa panganib ngayon ay mas inaalala niya pa si Riikan.

"Oo babantayan ko siyang mabuti" paninigurado ko naman sa kanya at binigyan niya ako ng isang ngiti.

Maya maya pa ay dumating ang isang Huntress at pinalabas na kami. Paglabas namin ay nakita namin ang mga leaders ng bawat tribe. Ang Senhin president, naka amerika ito at nakabolero cap na itim at ang intense ng pagkagreen ng mata niya. Kasama niya ay halos sampung Senshins. Samantalang ang leader naman ng mga Huntress ay nakasuot ng parang tribal na damit, parang umuusok naman yung aura niya ng dahil sa lamig. Tapos ay kulay blue yung mga mata niya kasama naman niya ay 5 huntresses na may katulad niya din ng damit at mga mata.

"Para naman silang pupunta sa gyera" komento ni Kuro. nakatikom ang mga palad niya, siguro ay nagpipigil na siya. Tama naman siya, mukhang wala ngang magpapatalo sa mga tribe leaders ngayon. Sa kabilang bahagi naman ay nanduon si Chief Ru, as usual nakablazer siya ng itim na sa loob ay may puting polo tapos ay naka slacks na black. Bloody Red na din ang kulay ng mata niya. Sa tabi niya ay Si Yu-san na nakaformal suit din at may mga matang katulad ng sa kambal niyang si Ru-san. nanduon din si Teacher Seriin, Mirai-san at iba pang custodes generals.

"Katsumi neechan" rinig kong sigaw ni Riikan.
"Anong nangyari?? Si chibi neechan kamusta siya?? Hindi niya magagawa lahat ng ibinibintang sa kanya, kilala ko siya, kilala natin siya, hindi niya magagawa yun!!" Tuloy tuloy na paliwanag ni Riikan at umiiyak na rin siya. Nahabag naman ako sa kanya.

"Wag kang mag alala Riikan, tutulungan tayo ni Chief, hindi niya hahayaang mapahamak ni isa man sa atin" pag aayo ko nalang sa kanya. Kailangan ko siyang protektahan ngayon bilang pagtupad na rin sa pangako ko kay Chibi. And besides hindi magiging maganda kung pati siya ay gagawa ng gulo ngayon. Mas delikado ang pwedeng mangyari.

Nakita namin ang pagpasok nila sa conference room. hindi naman magagamit ni Momorin ang Sixth Sense niya dahil espesyal ang pagkakagawa sa mga pader ng conference room.

Pumasok kami sa training room at doon na lamang naghintay ng balita. Walang nagsasalita sa amin hanggang binasag iyon ni Ayako

"Haay, kahit kailan talaga problema iyang si Chibi" inis niyang sabi

"Hindi naman niya ginawa yun, wala siyang kasalanan" pagtatanggol naman ni Riikan.

"Pano ka naman nakakasigurado?? Sa pagkakaalam ko maraming nakakita sa kanya" mataray nitong tanong kay Riikan.

"At paano ka naman nakakasigurado?? Nanduon ka ba sa pinangyarihan??" Mataray naman niyang balik kay Ayako.

"Tumigil na nga kayo, wala namang maitutulong yang pag aaway niyo eeh" pag awat naman nila Erena.

"Tama siya, pati ba naman tayo mag aaway at mahahati??" Sabi naman ni Momorin.

"Sorry naiinis lang naman ako sa nangyayari eeh" paliwanag ni Ayako habang nakayuko.

"lahat naman tayo, pero ang pinakamainam na gawin natin ngayon ay magtiwala kay Chief Ru dahil siya lang ang may kapangyarihan sa mga oras na ito" sana nga ay tama ako, sana nga may magawa siya.

Chief Ru!!!

-------------------------------------

Sorry ang lame nito hahaha wala akong maisip eeh

Sorry for wrong grammars and typos :)

Custos                                       keep, fight, protect (Tantei High FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon