CHAPTER 6

3K 68 4
                                    

NAPAHILAMOS NG sariling muka si Curse habang walang buhay na napasandal sa kaniyang swivel chair. It has been weeks since he received the annulment papers from Kristhel's lawyer. Halatang sigurado na ito sa pakikipaghiwalay sa kaniya.

Sinabi niya sa abogado nitong ito mismo ang gusto niyang humarap sa kaniya.

He misses her so much.

Fuck!

Inilabas niya ang kwintas na nakasuot sa kaniyang leeg. He stared at the pendant of the necklace. It's their wedding ring. Pinakatitigan niya ito habang nilalaro sa kaniyang daliri. Kahit ilang taon na ang lumipas ay hindi niya pa rin kayang basta na lang itong itapon.

Now she's back and she wants her freedom. And he can't understand himself for not wanting to give her what she wants. He can't just let go of her. He can't!

Narinig niyang tumunog ang intercom. It's his secretary. Napahilot siya sa sentido habang nakapikit ang mga mata.

"Good morning, Sir. Someone's here looking for you, but she doesn't have any appointment."

His eyebrows knotted together. Sigurado siyang hindi si Hally 'yon dahil basta basta na lang itong pumapasok sa opisina niya tuwing nagpupunta ito rito.

"Send her out immediately." He said coldly.

"Okay, Sir." Maikli nitong sagot bago bumaling sa babaeng nasa labas ng kaniyang opisina. "Ma'am, I'm sorry but--"

"Tell him it's his wife."

Kaagad siyang napatayo nang marinig ang boses ng kaniyang asawa. She sounded so dangerous and nonchalant. Nagsitayuan ang balahibo niya sa batok sa lamig ng boses nito. His lips parted. Alam niya ring hindi nakasagot ang sekretarya niya.

"Ma'am, I'm sorry but Mr. Mal--"

"Let her in." Maikli niyang sagot rito at hindi na inantay pa ang magiging tugon nito.

Inayos niya ang kaniyang kurbata. Pinasadahan niya rin ang buhok pagkatapos ay siniguradong nakaayos ang kaniyang coat. He looked like a stupid teenager fixing himself to be presentable in front of his crush. Dammit! At hindi niya rin alam kung bakit.

He has to stay cool. There's no reason for him to feel jitters.

Pagkabukas ng malapad na pinto ng kaniyang opisina ay nakita niya agad ang asawang naglakad palapit sa kaniya.

She's wearing a silk burgandy sleeveless top and a pencil skirt. It was just above her knees. May slit rin ito sa kanang hita na nagpapakita ng makinis na morenang kutis ng kaniyang asawa. Her looks became more matured. Kitang kita niya rin na mas gumanda pa ang hubog ng katawan nito. Her lips were painted with bold nude lipstick. Naka messy bun naman ang buhok nito. His wife looks stunning while wearing a very light makeup.

Pero nakaramdam siya ng inis sa ideyang maraming nakakita rito sa ganitong ayos. He can picture men ogling his wife, making him livid.

Taas noo itong naglakad papunta sa kaniya. And he can't help himself to get a boner just with the sexy sight of his wife. But he needs to hold himself up.

Bumaba ang paningin niya sa hawak nitong brown envelope. He knows why she's here.

"Have a seat." He said in a formal tone. Inilahad niya ang kamay sa visitor's chair para rito. Hindi naman ito sumagot sa kaniya.

Naupo ito at hinarap siya. He clasped his hands and look intently in her eyes. She's stoic, cold and distant. Malayong malayo sa asawa niyang palaging nakangiti sa kaniya noon. Marami na ring taon ang nakalipas kaya alam niyang nagbago ang ilan sa mga katangian nito. Or maybe she's just like that around him.

CV Trilogy 2: KRISTHEL JOY BESIN ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon