CHAPTER 10

2.8K 51 8
                                    

Joy bit her lower lip when Mommy Dhana put some food on her plate. Nahihiya siya rito. Pakiramdam niya ay napakalayo talaga ng agwat ng kaniyang buhay sa mga ito.

"Thank you po, Mommy." She smiled.

"You're very much welcome, dear. Kumain ka ng marami ha. I cooked these for you." Magiliw na wika ng ginang.

"Opo."

Ang Mommy Dhana niya rin ang kumuha ng pagkain para sa asawa nitong si Daddy Kross. Hinalikan nito ang ginang sa pisngi.

Her heart swell at the sight. Halatang mahal na mahal ng mga ito ang isa't isa.

She sighed.

Will she ever find a man who will love her just like how Daddy Kross loves Mommy Dhana? Kitang-kita niya ang ningning at pagmamahal sa mga mata ng mga ito. Will she ever find someone who will look at her with so much love like that?

Naramdaman niya ang paghawak ng kung sino sa kaniyang kamay. Si Curse lang naman ang kaniyang katabi kaya alam niyang iyon ang asawa. She glanced at him with nothing but sadness in her eyes.

Joy and her husband will never be like Mommy Dhana and Daddy Kross. Tanggap niya na iyon. Kaya naman hindi niya na dapat pang abalahin ang sarili para sa mga bagay na imposibleng mangyare. Masyado ng malaki ang lamat sa kanilang pagsasama.

"So..." Daddy Kross drawls, "your Mom here, already told me about your marriage. But I still need to hear it from you, especially you, my son."

Binawi niya ang kamay na hawak ni Curse at nag-umpisa nang kumain. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung ano ang kaniyang sasabihin.

Curse sighed before speaking. Maging siya ay inaantay ang magiging sagot nito. "We've been married for almost six years Dad, Mom."

"Matagal na pala kayong kasal. Bakit ngayon mo lang sinabi sa amin, Curse?" Mommy Dhana's forehead creased but their still softness in her expression. She looked at her tenderly making her feel guilty without any reason.

"I've been in Singapore, Mommy. I'm sorry po." She bowed her head. Ito lang ang kaya niyang sabihin dahil kahit papaano ay ayaw niyang magsalita ng masama tungkol kay Curse.

"You've been in Singapore?"

"Yes, po. I was so young when we got married. I have ambitions and goals for myself—."

"No." Pagputol sa kaniya ni Curse. Tumingin naman siya sa muka nitong seryosong nakatingin sa kaniya. His eyes held no emotion. Hinawakan nito ang kaniyang kamay at nag-iwas siya ng tingin. Alam niya na ang sasabihin nito. "Something happened, Mom." Nakita niya ang pagtatagis ng mga bagang nito.

Curse's parents looked both confused. She bit the insides of her cheeks to keep her composure. Kinakabahan siya sa magiging reaksyon ng mga ito lalo na't alam niya ang sasabihin ng asawa.

"Son," sinulyapan si Joy ni Daddy Kross bago matiim itong tumingin sa sariling anak, " don't tell me you—"

"Dad, I know what you're thinking, and yes," Curse paused and stared at his Mom, "I cheated on her. I cheated on my wife. That's the real reason why she left, though she really wanted to achieve her dreams and goals. It's all in me, Dad."

Hindi makapaniwalang nanlaki ang mga mata ng ama ni Curse gano'n din ang ina nito.

She bit her lower lip. Iniisip niya na baka isipin nitong may kasalanan siya kung bakit nangaliwa ang kaniyang asawa. Gano'n naman ang ibang tao kung mag-isip. Sasabihin pa ng mga itong, "Baka naman nagkulang ka?" o di naman kaya "Baka hindi mo napasaya?" She shut her eyes close. Nakatungo niyang inaantay ang magiging reaksyon ng mga magulang nito.

CV Trilogy 2: KRISTHEL JOY BESIN ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon