CHAPTER 7

2.9K 45 0
                                    

UMUWI SI JOY na labis na nagpupuyos ang damdamin. Walang hiya talaga ang asawa niyang si Curse. Bwisit na bwisit siyang pabagsak na umupo sa sofa bed habang tinatanggal ang stilleto sa paa.

Alam niyang pinagtitinginan siya ng mga empleyado nito kanina. Who wouldn't if a woman seen for the first time in a certain place came out from the big boss' office looking like a mess. And she looked like one, a sobbing mess!

Kahit ang sekretarya nito kanina ay hindi makapaniwala nang sinabi niyang siya ang asawa ng boss nito. Malamang ay wala talagang nakakaalam na kasal na ito. O baka naman tinago ng kaniyang magaling na asawa? Who knows? Hanggang ngayon ay kilala pa rin ito bilang isang binata.

Muli na naman siyang nanggalaiti dahil sa eksenang nangyare kanina. Curse doesn't want to sign their annulment papers! At lalo siyang mahihirapan dahil dito. Ano bang mali sa paghingi niya ng kalayaan mula rito? They've been in a good for nothing marriage for years. And she doesn't have any reason to stay.

Magasawa nga sila pero hindi naman sila kailanman nagsama. Wala ring nakaalam na kasal sila. Ilang taon ding wala silang naging komunikasyon. Kaya naman bakit hindi na lang nito ibigay ang gusto niya?

Punyeta!

They even had a drama.

She rolled her eyes.

Hindi niya alam kung maniniwala ba siya sa sakit na nakita niya sa mga mata nito kanina. It seemed so true, but she doesn't want to get deceived by him again. Hindi na siya pwedeng magpaloko rito. Kung hindi nito pipirmahan ang annulment nila ay magpapakalayo-layo na lang siya uli. There's no need to stay in this country anymore. Right.

Pero hindi niya muna pwedeng sabihin sa mga kaibigan ang nangyare. Sigurado siyang aalis sila kaagad kapag nalaman nilang hindi niya na itutuloy ang annulment. And she can't let that happen. Inaayos pa ni Jasmine ang relasyon nito kay Kaj. Ayaw niya namang sumama itong hindi sigurado. She can tell that Jas is still smitten with her ex. And she needs to help her friend. Kailangan nilang masigurong hindi na ito gagaguhin ng lalakeng 'yon kundi maghahalo talaga ang balat sa tinalupan.

Umakyat siya patungo sa kaniyang kwarto at pabagsak na umupo sa kaniyang kama.

Her eyes landed on the small cabinet where her engagement and wedding rings were hidden.

She heaved a deep sigh.

Mukang hindi ito ang huling araw na makikita niya ang kaniyang asawa. She still needs to return these to him. Hindi niya rin malaman kung bakit hindi niya kayang basta na lang itapon ang mga ito. These rings remind her of how she was once happy with Curse in her life.

Malakas siyang napabuntong hininga.

Kung hindi ba sila nagkakilala sa ganitong pagkakataon ay mas naging maayos kaya? Magiging masaya ba sila? Siguro ay may sarili na silang pamilya.

She felt a lump in her throat with the idea. Sinapo niya ang pusong nakaramdam ng sakit sa ideyang 'yon. Joy can't think that way. She shouldn't! Tapos na ang lahat sa kanila. Hindi niya na mababago pa ang mga nangyare. Pero tapos na nga ba talaga? She's still married to him. She's still his wife. That makes them not done yet. Hanggang kasal sila ay hindi sila matatapos. But what will she do about it? Ayaw nitong makipaghiwalay sa kaniya at pahihirapan niya lang ang sarili kung ipagpipilitan niya pa. Magsasayang lang rin siya ng lakas at pera.

This is her married life and she needs to just suck it up no matter how much she wanted to spit it out. But how about her wanting a baby?

Mas maswerte pa pala sa kaniya ang kaibigang si Angel dahil may pagasa itong magkaanak hindi kagaya niya. She can't let herself get pregnant with another man. Hindi rin naman pwede sa asawa niya. Ayaw niyang may madamay na batang walang kaalam-alam sa gulo nilang magasawa. She dreamed of having a happy and complete happy, but it seems so imposible for her to make it come true.

CV Trilogy 2: KRISTHEL JOY BESIN ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon